Chapter 54: First Real Date

14.8K 365 43
                                    


Louis POV

Nandito ako ngayon sa kawarto ko kasama si mommy. Kanina kasi pagkatapos ng sobrang sweet na pangyayare sa arena ng school. Pina-dismiss na ng councilor president ng school ang klase. Kaya lahat ng estudyante ayun nag-uwian na. Kami naman ni Miguel pumunta muna kami sa room ni Dianna at dumiretso kami sa condo ko para daw magluto kami ng pesto na favorite nila daddy.

"Anak kailan mo siya sinagot?" Tanong ni Mommy habang inaayusan ng buhok si Dianna. Mamasyal daw kasi kaming family ngayon pagkatapos kausapin ni Daddy si Miguel.

"Kanina lang po. Nagulat nga din po ako eh"

"Congratulation anak"

"Thank you mommy" sabi ko at niyakap si mommy.

"Umupo ka na jaan ikaw naman ang aayusan ko ng buhok"

"Sige mommy"

Pag-upo ko umupo naman si Dianna sa lap ko habang hawak yung cellphone niya. Nagaalala ako kay Miguel baka kung anong gawin sakanya ni Daddy. Pero parang wala naman kasi ayos naman na sila eh.

"Mommy, galit pa ba si daddy kay Miguel?"

"Hindi na anak. Nag-usap na kami ng daddy mo tungkol jaan hindi naman talaga siya galit kay Miguel tinatakot niya kang iyon. Para narin daw patunayan ni Miguel ang sarili niya sayo"

"Ay kaya pala. Si daddy talaga"

"Tapos na anak. Magbihis na kayo. Eti ang suotin niyo para parehas tayong tatlo. Parehas kasi ng damit ang daddy mo pati si Nathan"

"Sige mommy thank you po"

"Baba na ako. Sunod na kayo sa baba ha"

"Opo thank you"

Pinasuot ko na kay Dianna ang off-shoulder na dress yung binigay ni Mommy. Kulay blue akin syempre favorite color ko eh, yung kay Dianna naman pink at yung kay mommy white. Pare-parehas kami ng design ng dress kaya mapagkakamalan kaminh magkakapatid. Hindi naman kasi mukhang nasa 40's si mommy dahil sexy pa siya at maganda.

"You're so beautiful hon" sabi ni Miguel nang makababa kami ng hagdan.

"Thank you"

"Dapat ganyan ka kaganda bukas ha"

"Huh? Para saan"

"May date tayo bukas"

"Ok"

"Sige na. May famiy bonding pa kayo eh"

"Ok sige"

"I love you hon"

"I love you more hon" sabi ko sakanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Tito,Tita una na po ako. Nathan una na ako"

"Sige hijo bumalik ka dito ha" sabi ni mommy

"Opo tita"

"Hijo huwag mong kakalimutan ang pesto"

"Sige tito hindi ko kakalimutan"

Umalis na si Miguel at kami naman sumakay na sa van para sa family bonding.

First real date namin bukas. Lagi kasi kaming nagde-date pero as a friend pa lang. Bukas na ang first real date namin as boyfriend and girlfriend. Hindi na ako makapaghintay para bukas.

*Kinabukasan*

"Hon wake up" gising saakin ng kung sino

Minulat ko ng kaunti ang mata ko para makita ko kung sino ang gumigising saakin.

A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now