Chapter 61: Symbol

11.2K 290 18
                                    


Louis POV

"Louis wake up." Gising saakin ng kung sino at hindi ito pinansin. Nagtalukbong ako ng kumot.

Late na kasi ako nakatulog kagabi kasi text ng text saakin si Miguel. At pagtapos naman nun nag-review ako dahil next week na yung finals. Grabe ang bilis pala ng araw. Malapit na akong maka-graduate ng college.

"Hon gigising ka o gigising ka. Walang choices kaya gumising ka na."

"Ano ba kasi natutulog yung tao eh." Angil ko at nagtakip ng unan kahit nakatalukbong pa ako ng kumot.

"Hon gising na kasi." Sabi nanaman niya at niyugyog ako.

Sino ba naman kasi 'tong istorbo sa pagtulog ko? Hindi ko iyon pinansin.

"Hon gising na."

"Teka parang kilala ko yung boses." Sabi ko sa utak ko.

"Hon kapag ako bumilang ng tatlo at hindi ka pa gising hahalikan kita." Sabi ni..... MIGUEL.

Anong ginagawa niya dito?

"One ."

"Two."

"Thr--"

"Eto na po gumising na." Sabi ko at biglang napa-upo galing sa pagkakahiga.

"Kailangan pang bilangan eh." Sabi niya at kinurot ang magkabila kong pisngi.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Bakit bawal bang pumunta dito?"

"Hindi naman nagtatanong lang."

"Ah susunduin lang kita aalis tayo."

"Huh? Saan tayo pupunta?"

"Basta. Maligo ka na."

"Anong oras na ba?"

"Magtatanghali na."

"Hala."

"Tayo na jan para makaligo ka na." Sabi niya at hinihila ako patayo.

"Ok po. Tatayo na nga eh."

"Ok good. Baba na ako hintayin na lang kita doon."

"Okay. Labyuu." Sabi ko sakanya at binigyan siya ng halik sa labi pero smack lang naman.

"I love you more and forever." Sabi niya at hinalikan naman ako sa noo at sa tungkil ng ilong ko.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay bumaba na ako at dumiretso sa dining area para makakain ng breakfast. Pagdating ko doon sa dining area nakita ko silang nagku-kuwentuhan. Napansin kong wala si Dianna. Nasaan siya?

"Nasaan si Dianna?" Pasigaw kong sabi sakanila. Naghe-hesterical na ako baka maulit nanaman yung dati.

Napatingin silang lahat saakin ng magsalita ako at natigil ang kanilang pag-uusap.

"Hon easy. Kasama niya sila Sofia at Yelena pati narin yung kuya mo at si Mandy kasama niya. Safe si Dianna. Kung iniisip mo na nawawala nanaman siya nagkakamali ka dahil kasama niya ang kapatid at mga kaibigan mo. Kaya dito ka na at umupo walang mangyayaring masama kay Dianna."

Inalalayan akong umupo ni mIguel matapos niyang sabihin 'yun. Nakatulala lang ako at naalala ko lahat ng nangyari nung nawal si Dianna ayoko ng mangyari 'yun.

"Anak uminom ka muna ng tubig ng mahimasmasan ka." Sabi saakin ni mommy at binigyan ako ng tubig. At ininom ko naman agad 'yun.

"Princess, tama si Miguel walang mangyayari kay Dianna magtiwala ka sa mga kaibigan at sa kapatid mo."

Tumango lang ako at kumain. Pagtapos naming kumain ay niyaya na ako ni Miguel na pumunta ng park.

"Hon ayos ka lang ba talaga?" Tanong saakin ni Miguel habang naka-upo kami sa bench dito sa park.

"Oo naman."

"Are you sure?"

"Yes."

"Sigurado ka?"

"Oo nga ang kulit ah. Kumain ka na nga lang." Sabi ko sakanya at sinubuan siya ng pinilas kong cotton candy na hawak ko.

Habang naglalakad kami sa park bigla na lang akong hinila ni Miguel sa isang stall kung saan may nagtitinda ng hotdog-on-stick. Huwag niya sabihing kakain ulit kami? Ang takaw talaga, kaya kapag kasama ko 'to tataba ako.

"Here's your food my princess." Sabi niya saakin at binigay ang binili niyang hotdog para saaming dalawa.

Habang kumakain kami naglalakad-lakad lang kami sa park para hindi mainip. Nang matapos namin ang kinakain namin ay tinapon na namin ito sa basurahan. Pagtapos kong itapon ang stick ko sa basurahan bigla na lang aking hinila ni Miguel sa magubat na parte ng park.

"Miguel, anong ginagawa natin dito?"

"Secret. Tandaan mo na lang kung saan tayo dadaan."

"Ha? Bakit?"

"Basta gawin mo na lang."

Sinunod ko na lang ang gusto niya at medyo bumabagal na ang lakad niya tumingin siya saakin at naglakad papunta sa likod ko.

"Malapit na tayo." Sabi niya at nilagay ang mga kamay niya sa mata ko.

"Ano ba kasing gagawin natin?"

"Basta."

Inalalayan niya akong maglakad habang nakalagayparin yung mga kamay niya sa mata ko.

"On three open your eyes. Tapos tingin ka sa baba" Sabi niya saakin ng maka-hinto kami at unti-unti niyang tinatanggal ang kamay niya kasabay ng pagbilang niya.

Nung nag-three na sinunod ko ang sinabi niya. Binuksan ko ang mata ko at tumingin sa baba.

"Oh my!" Gulat na sabi ko habang nakatingin sa baba at tinakpan ko ng isang kamay ang aking bibig.

Ang ganda! Paano niya 'to nagawa? Mayroong batong hugis puso sa ilalim ng lawa at umiilaw kapag natatamaan ng sinag ng araw. Tapos may nakalagay sa loob ng batong hugis puso. Nakatayo kami sa gitna ng isang maliit na bridge na gawa sa fiber glass na kita mo ang lawa sa ibaba.

M + L = FOREVER

'Yan ang nakasulat sa loob ng batong hugis puso. Medyo malalim ang pinaglalagyan ng batong hugis puso.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya kaya napa-angat ang ulo ko para makaharap ko siya. Bigla ko na lang siyang niyakap.

"Thank you ." Sabi ko at si Miguel inisway ang katawan namin na parang may tugtog habang magkayakap kami.

"Those stone heart symbolize our strongest love for each other. Kasing tibay ng mga batong yan ang pagmamahalan natin. I love you Louis." Sabi ni Miguel

"Thank you. I love you more."

Naalala ko na may binili pala ako sa UK na singsing dapat ibibigay ko sakanya pero wala akong makuhanh tyempo. Nakalagay yun ngayon sa bulsa ng jeans ko. Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at kinuha ang box kung saan nakalagay ang singsing.

 Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at kinuha ang box kung saan nakalagay ang singsing

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sinuot ko sakanya ang isang singsing at saakin naman ang isa.

"This infinity ring symbolize our forever love. Like this infinity wala ring katapusan ang pagmamahalan natin." Sabi ko at hinalikan siya sa lips at ginantihan niya rin naman ito.

Ang swerte ko talaga kay Miguel. Kami ang swerte namin sakanya.

A Campus Gangster Meets Campus PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon