Chapter 66: ??

7.5K 165 36
                                    


(Wala akong maisip na tittle😂)

Louis POV

This is the day! Eto na ang pinaka-hinihintay kong araw, ang pinaka-hinihintay namin.

Ga-graduate na ako!!!

"Anak, dito ka muna. Picture muna tayo bago tayo pumunta sa venue." Sabi ni mommy at pinapa-pwesto ako sa gilid ng kotse.

Ang dami naming picture wala pa kami sa venue ah. Lalo na kapag nandoon na kami.

"Mommy, nasan si daddy?"

"Papunta pa lang. Nagmamadali nga daw siya kasi diba galing pa siyang Pampanga, sabi ko 'wag na magmadali baka maaksidente."

"Ingat sana si daddy."

Nang makarating kami sa venue ng graduation maraming tao doon.

"Louis, congrats saatin." Sabi ng isa sa classmates ko.

"Congrats din." Sabi ko at nakipag-kamay sakanya.

Mayroon kaming nadaanang grupo ng girls at sabay-sabay pa silang bumati.

"Congratulations campus princess!"

"Congratulations din." Sabi ko at ngumiti.

Miguel POV

Kanina ko pa hinahanap si Louis okay lang kaya siya?

Habang hinahanap ko siya nakita ko si Shiela pero hindi niya ako nakita kaya tumakbo ako para hindi niya na ako makita pa ulit. Hinahanap ko si Louis pero iba naman ang nakita ko. Habang tumatakbo ako nakita ko si Louis kasama si tita Elaine naglalakad papunta sa venue.

"Louis!" Tawag ko sakanya.

"Miguel." Tawag niya rin saakin.

"Hi tita." Sabi ko at nag-mano kay tita Elaine

"Hello hijo."

Habang naglalakad kami ni Louis ako naka-hawak sa kanang kamay niya at si tita naman sa braso siya sa kaliwa.

"Hon, alam mo ba na ikaw yung.."  Hindi ko na nasabi ang sasabihin ko ng may biglanh tumawag sakanya.

"Hi Louis." Tawag sakanya ni Maxine

"Hello Max." Bati niya rin. At nag-beso sila.

Ayos na ba sila? Bakit parang ang close nila? Or baka may binabalak nanaman 'tong si Maxine?

Agad kong hinili si Louis kay Maxine palapit saakin.

"Hoy Maxine baka may binabalak ka nanaman kay Louis ah. Pwede ba lumayo ka." Sabi ko

Siya naman natatawa lang,tumingin ako kay Louis at natatawa din siya. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Anak, may pupuntahan lang ako." Sabi ni tita kay Louis at tumango lang siya habang tumatawa at naka-tingin saakin.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko. Louis-" sabi ko at nakatingin parin sakanya. "Maxine." At humarap naman ako sakanya.

Hinawakan ni Louis yung kamay ko at lumapit kay Maxine.

"Hon, okay na kami. Nag-sorry na siya. Alam ko na kung bakit niya ginagawa yun saakin dati dahil sa ate niya, alam kong kilala mo yung ate niya diba. Atsaka wala siyang gusto sayo. Ang gusto niya si Janwin."

"Oo Miguel totoo yun kaya wag ka ng magduda saakin."

"Kelan pa kayo nagka-ayos?" Tanong ko.

"Last week pa." Sabay nilang sabi at ayun iniwan ako dito sila naglalakad with holding hands pa.

A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now