Chapter 51: Suitor

12K 341 19
                                    


Miguel POV

Ding..Dong..Ding..Dong

Door bell ko mula sa labas ng bahay nila Louis. Nabili ko na yung bulaklak para kila Tita. Naluto ko na rin yung pesto na favorite nila Tito. At nabilihan ko na din si Dianna ng chocolate.

Kinakabahan ako sino kaya ang magbubukas ng gate. Kanina nga lang nung magdo-door bell ako nanginginig na yung kamay ko.

"Sino 'yan" buti na lang si manang Noeime ang nagbukas saakin.

"Magandang tanghali po manang. Nandyan po ba sila Mr at Mrs Lee? Pati narin po sila Dianna?"

"Ikaw pala hijo. Oo nasa loob sila pumasok ka muna. Nasa dining area sila nanang-halian"

"Sige po salamat"

Pumasok na kami sa loob at lalong lumalala yung kaba ko. Nahihirapan na akong huminga sa sobrang kaba ko at nanlalamig na din ang kamay.

Pagkapasok namin ni manang sa dining area lahat sila napatigil sa pagkain at tumingin saakin. Mas lalo akong kinabahan sa titig saakin ni Tito Lance. Yung titig na 'anong ginagawa mo dito'. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko dahil sobrang kaba ko na.

"Magandang tanghali  po" nilapag ko yung baunan na may lamang pesto at binigay kila tita yung flowers pati narin yung chocolate binigay ko na kay Dianna.

Pagkatapos kong ibigay ang mga 'yun umayos ulit ako ng tayo.

Nagulat ako ng biglang tumayo si Tito at lumapit saakin. Mas lalo akong nagulat sa ginawa niya. Hinawakan niya ako sa kwelyo ng polo shirt ko at sinandal sa pader.

"Dad" awat sakanya ni Louis. Lahat sila na-alarma sa ginawa ni Tito Lance.

"What are you doing here?" sambit ni Tito. Halatang galit na galit siya saakin.

"T-tito may gusto lang po sana akong s-sabihin sainyo" kinakabahang sabi ko.

"Ano 'yun ha?" galit na tanong ni Tito

Dapat mamaya ko pa 'to sasabihin pero kailangan na talaga. Baka mapatay pa ako ni tito Lance neto.

"Ano hindi mo sasabihin?" bigla na lang siyang umamba saakin na susuntukin ako. Kaya natakot ako.

"Gusto ko po sanang ligawan si Louis" mabilis na sabi ko at inilag ang mukha ko.

Lahat sila natigilan sa sinabi ko. Binitawan ako ni Tito Lance kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Ano ulit ang sinabi mo?" tanong ni Tito na medyo kumalma na.

"Gusto ko pong ligawan ang anak niyo. Kung pwede ko po bang mahinga ang basbas niyo bago ko siya ligawan"

"Lance maupo ka nga muna. Tara dito hijo saluhan mo kami ng makapag-usap tayo ng maayos" sabi ni Tita Elaine.

Naupo naman na silang ulit at na-upo narin ako sa tabi ni Louis. Doon kasi ang bakanteng upuan. Atsaka doon din ako pinaupo ni Tita Elaine.

Nasa harap ko sila Tito at Nathan na ang sama ng tingin saakin.

"Sige hijo kumain ka muna" sabi ni Tita Elaine ng makita niyang hindi ko ginagalaw ang pagkain ko.

"S-sige po. Salamat"

Dahan-dahan ko pang kinuha ang kutsara at tinidor para kainin ang kaldereta. Tahimik lang kaming kumakain pero ramdam ko parin ang masamang titig saakin nila Tito Lance.

"Totoo ba ang narinig ko kanina na gusto mong ligawan ang anak namin?" biglang tanong ni Tito kaya medyo nasamid ako.

"O-opo"

"Diba may fiance ka na?"

"Opo meron po. Arrange marriage lang po iyon. Hindi ko po siya mahal. Ang mahal ko po ang anak niyo" sabi ko at tumigin kay Louis na nakatingin din pala saakin. Nang magtama ang mata namin ngumiti lang ako sakanya.

"Alam niya ba ito?"

"Hindi po"

"Mahal mo ba ang anak namin?"

"Hindi po" lahat sila nagulat sa sagot ko. Hinawakan ko ang kamay ni Louis at tumingin kay Tito.

"Hindi ko po siya mahal. Kasi mahal na mahal na mahal ko po ang anak niyo"

"Then patunayan mo. Kung mahal mo talaga ang anak namin. Mamayang gabi bumalik ka dito at tayo nila Nathan mag-usap ng lalaki sa lalaki. Naiintindihan mo ba?"

Napalunok ako sa sinabi ni Tito. Ano kayang pag-uusapan namin nila Tito mamaya.

"Opo sige po. Para sa anak niyo lahat gagawin ko"

"Sigurado ka?"

"Opo"

"Ikaw anak mahal mo ba ito si.. Ano nga ulit pangalan mo hijo?"

"Miguel po"

"Sige. Anak balik tayo. Mahal mo ba itong si Miguel?"

"Opo daddy"

"Darling, kausapin mo itong anak mo ha. Miguel sumama ka saamin ni Nathan. Anak Nathan mag-ayos ka na"

"Opo dad"

Tumayo na si Nathan para mag-ayos saan kaya kami pupunta. Kinakabahan nanaman ako.

"Darling, saan niyo isasama iyang bata?"

"Alam mo naman kung saan kami pumupunta lagi ni Nathan hindi ba? Isasama ko lang itong si Miguel ng makapag-usap naman kami para mamaya ayos na kami"

"Ok darling. Ingat kayo"

"Sige darling, kausapin mo yang si princess ha. Bye princess don't worry wala akong gagawing masama kay Miguel. Miguel tara na"

"Opo daddy ingat"

Bago kami umalis kiniss muna ni Tito si Tita sa lips. Ang torrid ng kiss nila na akala mo hindi na magkikita. Pero ang sweet nila sana ganyan din kami ni Louis. Tumingin ako kay Louis nakatingin siya saakin na parang nagtataka sa mga ginagawa ko. Ngumiti lang ako sakanya at i mouthed 'i love you Louis'. Ngumiti lang siya at yumuko nakita ko pang namula siya.

Bakit ba mahal na mahal kita?

Louis POV

Ano bang pinag-gagawa netong si Miguel? Hindi ako na-orient dito nagulat nga ako ng sabihin niyang nanliligaw siya saakin. Nakaramdam ako ng saya pero may part saakin na nalulungkot. Paano si Shiela?

"Honey,tara sa kwarto mo. Pipilian kita ng damit pati narin si Dianna. Umalis muna tayo mamasyal tayo. Para makapag-usap din tayo" sambit ni Mommy habang tumatayo at inaalalayan si Dianna na bumaba sa upuan niya.

"Ok mommy"

----

"Anak mahal mo ba si Miguel" sabi ni mommy habang kumakain kami sa Starbucks.

"Yes mommy"

"How about his fiance?"

"I don't mommy. I don't what to do if Shiela know this"

"Nandito kami para sayo anak. Follow your heart. Pumapayag na ako na manligaw saiyo si Miguel"

"Jinja mommy?"
(Jinja= really)

"Yes baby"

"Thank you mommy"

A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now