Chapter 39: Bad Dream

12.7K 338 1
                                    


Louis POV

Nasa madilim ako hindi ko alam kung saan. Walang ibang tao kundi ako lang.

"Mommy"

"Dianna"

Hinanap ko kung nasaan ang boses ni Dianna pero hindi ko makita dahil madilim.

"Dianna nasaan ka?"

"Mommy"

Tumakbo ako para sundan ang boses niya pero nung tumakbo ako sa kung saan ko naririnig ang boses niya wala siya doon.

"Mommy"

Tinawag niya ulit ako at pagharap ko sa likod ko nakita ko siya doon nakatayo. Tumakbo ako palapit sakanya pero bigla siyang nawala.

"Dianna"

"Mommy"

Napatingin ulit ako sa likod ko at nakita ko ulit doon si Dianna. Lalapit na sana ako ng may lumapit sakanya na babae at inakbayan si Dianna. May nilabas siya sa bulsa niya na patalim at tinutok kay Dianna. Hindi ko maaninag ang mukha ng babae dahil medyo malabo. Tumakbo ako palapit sakanila pero bigla nanaman silang naglaho.

"Dianna"

"Anak gumising ka"

Napaupo ako dahil narinig ko ang boses ni mommy. Naghahabol ako ng hininga. Yung panaginip natatakot ako.

"Ayos ka lang ba anak?"

"Yes mommy. Where's Dianna po?"

"Nasa park sila ng yaya niya"

"Ok po. Anong oras pa po sila umalis?"

"Kanina pa naman"

Tumango lang ako at si Mommy naman ay lumabas na ng kwarto ko. Paglabas ni mommy pumunta na lang ako sa cr para mag-ayos sabi kasi ni mommy aalis kami mamaya kasama si Dianna.

Pagtapos kong mag-ayos bumaba na ako naabutan kong may kausap si Mommy sa phone at parang nababahala.

"Mommy what happen?" Tanong ko ng maibaba na ni mommy ang tawag

"Si Dianna daw nawawala"

"ANO?"

Nasaan kaya si Dianna? Nanlumo ako ng marinig ko iyon kay Mommy. Dianna nasaan ka?

"Kalma lang anak. Nakita niya naman na si Dianna. Humiwalay lang daw kanina pero ngayon nahanap niya na. Pauwi na daw sila"

Nakahinga ako ng maluwag ng sinabi ni Mommy na nahanap na si Dianna.

Umupo nalang kami sa sofa at hinintay sila Dianna. Maya-maya pa ay dumating na sila.

"Mommmy" sigaw niya at tumakbo palapit saakin. Niyakap ko siya at bigla nalang akong naiyak

"Ayos ka lang ba baby?"

"Opo mommy"

"Buti naman. Wag ka ng lalayo sa yaya mo kapag kayong dalawa lang ha"

"Opo. Mommy bakit ka po umiiyak?"

"Wala ito. Nagalala lang ako saiyo"

"Wag ka na po umiyak. Promise po hindi na"

"Promise mo yaan ah. Ate Lucy paki-paliguan na nga po si Dianna"

"Yes po miss Kaye"

"Bye mommy ligo na po ako"

"Bye baby"

Nagilong-ilong muna kami bago siya maligo. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung mawawala si Dianna. Ang pinakamamahal kong anak. Alam kong hindi ko siya totoong anak pero pinaramdam niya sakin kung paano niya ako tinuring na totoo niyang nanay. Napamahal na saakin si Dianna, saamin napahal na siya. Sino ba naman ang hindi mapapamahal sa cute,mapagmahal,malambing na bata.

A Campus Gangster Meets Campus PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon