Chapter 12: Concern

23.5K 616 93
                                    


Miguel POV

Nanadito kami sa bahay ngayon ng mga tropa ko. Iniisip parin namin kung sino ang gumawa nun kay Louis. Maya-maya ay papasok na kami sa school,pero wala akong balak na pumasok. Iimbestigahan ko kung sino ang may gawa ni to kay Louis.

"Mga dre. Sino pwede sainyo ang magbantay muna kay Louis?"

"Ako dre." Sabay taas kamay ni Lanzar

"Ako din sama ako" sabi naman ni Hunter.

" Bakit dre hindi ka ba papasok ngayon?" Tanong ni Aqualyne

"Hindi muna ako papasok. Iimbestigahan ko kung sino ang may gawa nito kay Yelena."i paused for a while " Basta Hunter and Lanzar,take care of Louis. Wag niyo siyang papabayaan"

"Ang OA mo dre kala mo naman mangingibang-bansa si Louis" biro ni Hunter. Binatukan ko tuloy.

"Dre tanong ko lang. Bakit sobrang concern mo kay Louis simula nung magkakilala kayo siya na lagi mong bukambibig?" Singit ni Janwin

"Anong ibig mong sabihin?"nagtatakang tanong ko

"Dre inlove ka na ba kay Louis" dagdag pa ni Lanzar.

"Ha? H-hindi no. Kayong dalawa pumunta na kayo sa bahay ni Louis sunduin niyo,hatid niyo rin mamaya. Sabayan niyong kumain o kaya magpa-deliver kayo sa Secret Garden. Bantayan niyo ah" sabay bato ko ng unan sa kanilang dalawa.

"CONCERN si Miguel" nangasar pa itong si Janwin.

"Hoy Hunter tara na. Baka bugahan pa tayo ng apoy niyang si Miguel" patawang sabi ni Lanzar.

"Mga dre alis na kami. Miguel wag ka magalala. Babantayan namin si LOVES mo este si Louis" sabay tawa nila.

"Mga ulol. Dali layas na."

Pagkalabas nila Hunter at Lanzar biglang nagsalita si Aqualyne.

"Dre anong gagawin mo ngayon?"

"Hindi ko alam kung saan ako maguumpisa pero pipilitin kong alamin kung sino ang nagbigay ng Death Treath kay Louis."

*~**~**~*

Louis POV

Palabas na sana ako ng bahay ng tawagin ako ni kuya.

"Baby Louis,nakalimutan mo phone mo" sabay abot sakin nun ni kuya.

"Ayy salamat kuya. Sige alis na po ako"

"Sige ingat"

Pagkalabas ko ng gate may nakita akong kotse na huminto sa harap ko pagkababa ng bintana nakita ko sila....

"Hi Louis" sabay na sabi nila.

"HUNTER,LANZAR?"

"Yes Louis kami nga"

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Sabi samin ni Miguel sunduin ka daw namin" nakangiting sabi ni Lanzar. Bumaba si Hunter sa kotse at binuksan ang pinto sa back seat

"Get in Louis. Were getting late"

"Pe--" hindi ko na natapos ang sasabibin ko ng putulin niya ito.

"No buts. Miguel told us to do this" wala na akong nagawa kung hindi ay sumakay na lang. Papunta na kami ng school ng maisil kong tawagan si Miguel.

Ring ring ring ring ring

Nakaka- five rings pa lang pero sinagot niya na.

[ Hello Louis bakit napatawag ka]

A Campus Gangster Meets Campus PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon