Chapter 19: Kapitbahay

17.5K 474 14
                                    


Miguel POV

Nagising na lang ako dahil may naamoy akong bawang na parang ginigisa. Pagkatingin ko sa higaan ni Louis wala na siya doon,siya siguro ang nagluluto. Bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Nakita ko si Louis na hinahalo yung sinangag sa kawali tapos sa kabilang stove naman mayroon naman siyang piniprito.

Nakatingin lang ako sakanya habang nagluluto siya. Hindi niya pa yata alam na gising ako.

"♬ Don't stray ,don't ever go away i should be much to smart for this i know it gets the better of me sometimes when you and i collide♬" kumakanta siya habang kinukuha yung bacon sa kawali at nililipat sa lagayan. Nilipag niya ito sa lamesa at napatingin sakin. Mukha naman siyang nagulat.

"K-kanina ka pa diyan" nauutal na sabi niya

"Medyo. Bakit?"

"Ahh.... Ehh... W-wala. Kain na tayo. Tapos puntahan na natin yung kotse ko" sabi niya at umupo na sa harap ko.

Pagkatapos naming kumain. Pinuntahan na namin ang kotse niya at napaandar na ito. Kaya sabay kaming umuwi sa Manila.

Pagkauwi ko sa bahay nakita ko ang mga Maid na naglligpit ng mga gamit.

"Manang Linda,bakit po kayo nagaayos ng gamit?" tanong ko sa isang maid

"Young Prince kayo po pala. Inutos po kasi samin ni King at ni Queen na magayos daw po ng gamit kasi lilipat daw po tayo ng mansion"

"Bakit daw? Ok naman tayo dito sa mansion ah. Atsaka saan daw tayo lilipat?"

"Kaya daw po tayo lilipat kasi daw po maganda daw po yung area at malapit sa school nyo ni Young Princess. Pasensya na po Young Prince pero hindi po namin alam kung saan tayo lilipat"

"Sige po Manang Linda salamat po. Itatanong ko na lang po kay Daddy"

Pagkatapos kong kausapin si Manang Linda pinuntahan ko si Daddy sa room ni Dad.

Diredetso lang ako sa pagpasok,hindi uso sakin kumatok. Pagkapasok ko naabutan ko si Daddy na nagaayos ng mga gamit niya. Naramdaman niya siguro akog dahil tumingin siya sakin.

"Bakit anak may problema ba?"

"Dad can i ask you?"

"Yes anak. Ano ba 'yun?"

"Bakit po tayo lilipat at saan?"

"Kaya tayo lilipat kasi napagusapan namin ng Mommy mo na lumipat doon kasi maganda ang area doon at malapit sa school niyo ni Yelena"

"Saan naman po tayo lilipat?"

"Malalaman mo na lang anak. Hala sige magayos ka na mamaya na tayo aalis"

"Ok po. Dito na ako Dad" tumango lang siya at pumunta na sa kwarto ko para magayos ng mga gamit ko

*****

Louis POV

Pagkauwi ko kanina agad ako sinalubong ni Manang Noeime

Nandito ako ngayon sa kwarto ko wala akong magawa kaya nakahiga lang ako. Pinipilit kong matulog,pero hindi makatulog eh.

Knock...knock...knock

"Pasok,bukas yang pinto" sabi ko ng may kumatok. Pumasok si Manang Noeime.

"Miss Loui..."

"Louis"

"Sorry po. Louis kakain na po tayo

"Wag na po kayo mangu-po sakin. Mas matanda po kayo sakin. Wala pa po ba sila Mommy?"

"Wala pa. Tara na Louis kumain ka na"

"Sige po Manang susunod po ako" tumango lang siya at lumabas na ng kwarto ko. Maya-maya lang sumunod na ako sakanya. Nabutan ko siyang inaayos ang plato ko sa lamesa. Umupo lang ako sa lamesa at pinaghanda ako ng pagkain ni Manang.

"Manang pakitawag po si Kuya Luigi. Sabay-sabay na po tayong kumain" si Kuya Luigi siya yung driver namin

"Hindi Louis mamaya na kami kakain mauna ka na"

"Sige na po Manang sabay-sabay na tayo. Nakakawalang gana po kasi kapag wala akong kasama kumain. Please Manang" sabi ko ng parang naka-prayer position tapos puppy eyes.

"Sige na nga hindi kita matanggihan. Saglit lang tatawagin ko lang si Luigi"

"Salamat po" sabi ko tapos umalis na si Manang. Pagkabalik niya umupo na sila sa tabi ko at kumain na kami.

Pagkatapos naming kumain pumunta na lang ako sa sala para manood.

Ding... Dong....Ding....Dong

Tumayo ako para buksan ang pinto

"Mommy" sigaw ko ng makita si Mommy tumakbo ako papunta sakanya tapos niyakap siya.

"Baby Louis we miss you" sabi ni Daddy sa tabi namin.

"Mommy nasan po si Kuya?"

"Naiwan si kuya mo doon kasi may inaasikaso pa sa Pampanga"

"Bakit po kayo umuwi?"

"Kasi kailangan kami sa main office natin sa korea tapos si Daddy mo naman pupunta sa Japan kasi may itatayo daw na bagong factory" paliwanag sakin ni Mommy ng makapasok kami sa bahay.

"Kailan po kayo aalis?"

"Mamaya na anak. Kakain lang kami tapos magaayos ng gamit"

"Sige po. Ipapahanda ko na lang po kayo kay Manang ng pagkain"

Pagkatapos kumain nila nagayos na sila ng gamit nila at bumaba na.

"Baby Louis aalis na kami. Magingat kayo dito ni Kuya mo ha" sabi ni Mommy ng makalabas kami pinto ng bahay at inaayos na ni Kuya Luigi yung mga gamit nila sa sasakyan.

"Yes mommy"

"Baby Louis baka mamaya lang nandito na si Kuya mo ok?" sabi sakin ni Dad

"Ok po"

"Ma'am Elaine,Sir Lance tara na po. Baka po mahuli kayo sa flight" sabi ni Kuya Luigi mula sa labas ng gate.

Lumabas na sila Mommy at humarap sakin para magpaalam sakin. Pagkaalis ng kotse nila Mommy papasok na sana ako ng bahay pero may napansin ako sa tapat ng bahay na may pumapasok tapo may mga gamit na dala at pinapasok sa bahay.

May titira na pala doon? Sino kaya?

Papasok na sana ako ng bahay ng may pamilyar na kotse ang huminto sa tapat ng bahay kung saan may naglilipat. Hinintay ko lang na makalabas ang driver ng kotse at parehas kaming nagulat. Agad siyang lumapit sakin ng nakangiti,pero ako hindi ako makapaniwala na siya iyo.

Nakalapit na siya sakin at nagsalita.

"Hey Louis anong ginagawa mo jan? Hinihintay mo ba akong dumating?" Sabi niya ng nakangisi.

"Hindi ah.. Ang kapal neto... Assuming" sabi ko at pumasok na ng bahay. Naririnig ko pa nga ang pagtawa niya pero hindi ko pinansin. Ang kapal ng mukha nung lalaking 'yun. Kala mo naman gwapo.

Pagkapasok ko sa bahay agad akong nagtungo sa kwarto ko at pumunta sa veranda ng kwarto ko at sumilip sa baba. Kitang -kita ko ang paglipat ng mga gamit nila sa loob. Napansin ko si Shian Yelena sa baba na nakatingin mula sakin. Kumaway lang ako sakanya.

Bakit sila pa yung titira doon? Ok lang sana kung si Yelena pati parents niya bakit kasama pa siya?

A Campus Gangster Meets Campus PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon