Epilogue

6.2K 129 4
                                    


Maxine POV

"Louis, ano tuloy na ba tayo bukas sa Baguio?" Tanong ko sakanya.

"Oo dun ako magsisimula ng bagong buhay. Yung buhay na wala silang dalawa." Sabi niya at balibag na isinarado ang pintuan ng kwarto niya.

At sumunod na lang ako sakanya. Habang papunta ako sa sala nila Louis ay naririnig ko ang pinaguusapan nila. Nagpapaalam si Louis na doon muna sa Baguio tumira hanggat hindi pa siya nakakapag-move on sa ginawa sakanya nila Shiela. Pumayag naman si tita.

"Oh Maxine hija, nandyan ka pala." Nakita ako ni tita kaya lumapit na ako.

"Sige mommy akyat muna ako." Sabi ni Louis.

"Maxine, alam kong kasama ka ni Louis sa Baguio. Pwede bang paki bantayan muna siya alam mo naman ang sitwasyon niya diba?"

"Opo tita babantayan ko po siya."

"Salamat hija."

Nasa byahe na kami papuntang Baguio at siya nasa labas lang ang tingin niya.

"Louis are you okay?"

Tumango lang siya. Alam ko yung nararamdaman niya. Sobrang sama ng ugali ni Shiela. Hindi ko na siya tatawaging ate dahil simula ng nangyare lahat ng ito ay hindi ko na siyang tinuring na ate. Hindi alam ni Daddy yung pinag-gagawa niya, pero once na malaman ni Daddy lahat ng pinag-gagawa niya lagot siya.

Kagabi nagkita kami ni Miguel. Hindi ko sinabi yung plano namin ni Louis na aalis kami.

*Flashback*

Matutulog na dapat ako ng may tumawag sa phone ko.

"Hello Maxine, gising ka pa ba? Baka pwede tayong magkita?"

"Bakit?"

"Basta pumunta ka na lang dito sa convinient store malapit sa inyo."

"Ok on the way na."

Then pumunta ako. Nakita ko siya sa sulok ng convinient store na umiiyak, lumapit ako sakanya at hinagod ang likod niya.

"Miguel, ayos ka lang ba?"

"Maupo ka muna" sabi niya at pinunasan ang luha niya.

"Kamusta si Louis? Ayos lang ba siya? Kumakain ba siya ng tama? Maayos ba siyang nakakatulog? Iyak din ba siya ng iyak?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Wohh teka teka isa-isa lang tanong. Ok naman siya, hindi siya masyadong ok eh. Kumakain naman siya ng tama. Hindi siya masyadong nakakatulog ng maayos kasi isip siya ng isip sayo. Oo iyak siya ng iyak ang hirap ngang patahanin eh. Nasagot na ba lahat ng tanong mo?"

"Oo. Kasalanan ko to kung bakit nagkakaganyan si Louis eh. Pwede bang sabihin mo sakanya na mahal na mahal ko siya. Kahit na pinakasalan ko yung ate mo. Siya parin yung nasa puso at isipan ko."

"Makakarating."

Pinakalma ko muna si Miguel bago ako umalis.

*End of Flashback*

"Louis, sure kang okay ka lang?" Muling tanong ko sakanya.

"Ok lang promise."

"Nga pala Louis ahmm nagkita kami kagabi ni Miguel tapos sabi niya mahal na mahal ka daw niya kahit kasal na siya kay Shiela ikaw parin daw laman ng puso't-isipan niya."

"Talagang sinabi niya yun?"

"Oo."

"Mahal na mahal ko din siya." Huling sabi ni Louis at humiga na sa balikat ko at nakatulog na.

Sana naman maayos na toh lahat. At sana magsama na ang nagmamahalan.


A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now