Chapter 38: Yes

13.3K 373 20
                                    

Hunter POV

Simula nung nakilala namin si Yelena lagi na siyang nandito sa Garden minsan nga kasama niya pa sila Mandy at Sofia ayos lang naman kay Miguel yun eh. At simula din nung nakilala ko siya niligawan ko na din siya alam niya din naman na yun at ng ibang member ng X-Black.

"Guys alam niyo ba kung nasaan sila Louis? Kayo Mandy,Sofia alam niyo kung nasaan?"

Nagkatinginan lang kaming lahat sa naging tanong ni Miguel. Sabi kasi ni Louis saamin wag daw kaming magsasabi kay Miguel na umalis sila ng bansa.

"N-nasa bahay nila may sakit" sabi ni Sofia tapos siniko si Mandy at Yelena

"O-oo may sakit,ganun nga"

"Y-yes may sakit sila"

"Bakit nung tinanong ko si Kuya Nathan sabi niya umalis daw?"

"Baka umalis lang na may bibilhin" sabi ko

"Hindi ako naniniwala sainyo. Magsabi kayo ng totoo" galit na sabi niya.

Nagsiyukuan naman kaming lahat at walang gustong magsalita.

"ANO WALANG MAGSASALITA"

Sigaw ni Miguel halatang galit na galit na siya.

"Dre kalma"

Pilit pinapakalma ni Aqualyne si Miguel pero sinigawan lang siya ni Miguel. Tumayo ako at lahat nakatingin sakin. Maglalakas loob na lang ako.

"Miguel, umalis sila. Pumunta sila sa Hong Kong" mabilis na sabi ko at umupo ulit tsaka yumuko.

"Bakit siya umalis?"

"Kuya dahil nasasaktan na siya. Nasasaktan na si ate" sabi ni Yelena na umiitak at tumakbo palabas ng Garden.

"Yelena" sabay na sabi nila Sofia. Patayo na sana sila ng tumayo din ako.

"Ako na ang bahala" tumango lang sila at tumakbo na ako para habulin si Yelena.

Paglabas ko ng Garden hinanap ko agad si Yelena pero hindi ko siya makita. Alam ko kung saan siya makikita. Naglalakad ako papunta sa likod ng building ng may tumawag saakin.

"Hunter"

Pagharap ko sa tumawag saakin. Nagalit ako bigla. Siya ang dahilan kung bakit umalis si Louis at siya din ang dahilan kung bakit umiiyak ngayon si Yelena. Miss na ni Yelena si Louis kaya siya umiiyak at alam din ni Yelena ang sakit na naramdaman ng ate Louis niya.

"Hey" bati ko sakanya ng nakangiti. Sige lang Hunter makipagplastikan ka.

"Nakita mo ba si Miguel?"

"Hindi eh. FIANCE mo siya diba"

"Ok sige salamat"

Sabi niya at umalis na. Ang arte talaga ng babaeng yun. Kala mo mabait. Umiling na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa likod ng building. Yung peaceful place para kay Yelena at pati sa mga kaibigan niya.

Pagdating ko doon wala siya. Siguro nasa likod siya ng puno. Malapit na ako sa puno ng marinig kong may kausap siya. Nakinig lang ako sa usapan nila.

"Ate"

"Oh Yelena bakit ka umiiyak?"

"Ate kasi.... Nasabi na po namin kay Kuya na umalis kayo"

"Bakit niyo naman sinabi? Yelena wag ka na ngang umiyak. Sige ka iiyak na din ako. Kumalma ka"

"Ate hindi ko kaya... Hindi ko kayang hindi umiyak. Una ate natatakot ako kay Kuya kasi sumigaw siya saamin kaya nasabi namin, Pangalawa po ikaw miss ko na kayo ni Dianna, Pangatlo po hindi alam ni Kuya ang dahilan kung bakit ka umalis. Ang manhid ni Kuya hindi ba niya alam na nasasaktan ka na niya"

A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now