Chapter 53: Official

13.1K 354 22
                                    


Louis POV

Tatlong linggo ng nanliligaw saakin si Miguel. Lahat ginagawa niya para lang magustuhan siya ng parents ko lalo na si Daddy pati narin si Kuya. Pero hindi masyadong iniisip ni kuya ang panliligaw saakin ni Miguel dahil busy siya sa kasal nila ni Mandy pati narin kay Mandy na maselan kung manganak.

Dito na si Mandy nakatira saamin dahil yung parents niya nasa ibang bansa. Minsan nga nagseselos ako sakanya dahil yung oras ni Kuya nasakanya na lahat pero naiintindihan ko naman.

"Anak may bisita ka" sigaw ni mommy mula sa labas ng cr. Naliligo na kasi ako dahil may pasok ako. Medyo tanghali na din kasi yung class ko.

"Ok mommy bibilisan ko na dito"

"Sige nandito na yung uniform mo ha. Ayos narin amg gamit mo. Bumaba ka na lang kapag tapos ka na"

"Opo"

Binilisan ko ng maligo para makababa na ako. Sino kaya yung bisita ko? Wala naman akong inaasahan na bisita eh.

Pagtapos kong maligo binalot ko na ang katawan ko sa twalya hindi na ako nag-robe dahil ako lang naman ang nandito sa kwarto. Paglabas ko ng cr nagulat ako ng makita ko si Miguel. Nakatingin siya saakin at nakangisi.

"M-miguel anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka. Diba blockmates tayo sa class ni Prof. Aileen"

"Ahh oo nga pala. Labas ka muna magbibihis na ako"

"Dito na lang ako. Papanoorin kita"

"Pervert. Labas na"

"Eto naman hindi mabiro. Sige na hon. Labas muna ako" sabi ni Miguel at hinalikan ako sa noo bago lumabas ng kwarto ko.

Minadali ko ang pagbibihis ko dahil baka malate kami. Pagbaba ko nakita ko si Miguel sa kusina kumakain kasama sila Kuya,Daddy,Mommy at Mandy. Nasa school na si Dianna kanina pang umaga.

"Princess kain na. Bago kayo umalis kumain muna kayo" ani ni Mommy

"Thank you mommy"

Umupo na ako sa tabi ni Miguel at kumain na panay ang tingin ko sa wrist watch ko dahil baka malate kami.

"Hon kumain ka lang. Hindi tayo mali-late niyan"

"Paano mo naman nasabi?"

"Basta"

"Tara na nga baka pagalitan pa tayo ni Prof. Aileen" sabi ko kay Miguel at tumayo na habang hinihila ko siya.

"Mom,Dad,Kuya una na kami bye"

"Bye princess"

"Bye kambal"

Lumabas na kami at dumiretso sa kotse ni Miguel.

"Hon hindi pa tayo late easy"

"Eh basta gusto ko maaga"

"Ok tara na"

Nag-drive na si Miguel papuntang school saglit lang naman ang byahe namin at nakarating na kami sa school.

Pagbaba ko sa kotse may isang estudyante na taga-Darwin Academy ang nagbigay saakin ng isang pirasong red rose. Nung bumaba si Miguel pinakita ko sakanya yung bulaklak pero nagkibit-balikat lang siya.

Pumasok na kami sa loob ng campus at marami pang estudyante sa labas. Sabagay lunch break na pala. Nagulat na lang ako ng may magbigay ulit saakin ng isang pirasong red rose.

"Thank you" tanging nasabi ko dahil bigla na lang siyang umalis.

Halos lahat ng madadaanan naming estudyante ni Miguel may binibigay saaking isang pirasong red rose. Anong meron?

A Campus Gangster Meets Campus PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon