Chapter 42: Ate Shane

12.8K 420 10
                                    

Miguel POV

Thank you naman at nakulong na si Shiela. Wala ng manggugulo sa saakin,saamin ni Louis.

Pero fiance mo parin siya.

Oo alam kong fiance ko siya pero hindi pa naman kami kasal. Sh!t ka lang talaga na konsensya ko.

Eh pinagkasundo nga kayo

Hindi ko naman mahal. Isa pa talagang konsensya aalisin kita sa katawan ko

"Miguel"

"Bakit Louis?"

Oo magkasama kami. Napag-tripan nanaman kami ng X-Black. Mga mokong na yun sumunod pa. Pero ayos lang kasi magkasama kami ngayon. Medyo naiilang lang siya. Hindi niya ako masyadong kinakausap. Kapag tinatanong ko maikling sagot at tipid na tango lang ang binibigay.

"Uwi na ako"

"Hatid na kita"

"No need. Kaya ko"

Tsaka siya tumayo iniiwasan niya talaga ako. Alam kong nasasaktan parin siya pero pinipilit ko naman na bumalik kami sa dati at humingi ng chance ulit sakanya.

Naglakad na lang ako papunta sa isang restaurant kung nasaan ang mga mokong na X-Black syempre hindi na ako kasama doon gwapo kaya 'to.

"Hey Miguel here" someone shout

Napatingin ako sa sumigaw at nakita ko si Aqualyne na nakatayo habang nakataas ang kamay habang nakatingin saakin. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Lanzar.

"How's your date prince?" mapang-asar na tanong ni Janwin. Gago kaya nila ako tinawag na prince kasi nakita nila yung sulat ko dati kay Louis.

"Talk to my hand" sabi ko sabay hand gesture pa.

"May PMS ata" rinig kong bulong ni Lanzar sa katabi niyang si Aqualyne

"Anong may PMS? Baka ikaw yung gago"

"Hahahahahahaha" sabay-sabay  na tawa nila. Hala nabuang na sila. Wala kasing lovelife.

Kung si Hunter hinahanap niyo. Ayun nasa pilipinas nasa kapatid ko. Naglalampungan yung dalawa. Hindi joke lang nag-date lang. Halos araw-araw date nung dalawang yun eh.

Tinitigan ko lang sila ng masama pero hindi sila tumigil kakatawa. Lalo pa ngang lumakas yung mga tawa nila eh. Kulang na lang maglumpasay yung mga yan. Putang ina nabaliw na talaga.

Kasi naman bigla na lang silang tumigil kakatawa at nakatingin este nakatulala samay counter ng restaurant. Kala mo naman ang mga 'to nakakita ng multo. Haharap na sana ako kung saan sila nakatingin ng tawagin ako ni Janwin.

"Prince Miguel"

"Tanggalin mo na nga yang prince na yan ang panget kapag ikaw ang tumawag"

"Wala lang. Trip lang naman kita"

"Sino ba yung nakita niyo doon at parang nakakita kayo ng multo?"

"Ahhh... Ahmmmm... P-pano ba 'toh?.... Ahhmmm ano kasi.. Ahhh"

"Janwin" tawag sakanya ni Aqualyne

"Hey Aqualyne sino ba yung nakita niyo kanina?"

"Nothing its just a girl. A goddess girl"

Playboy din tong hayop na Aqualyne na 'to eh. Kaya iniiwan.

Napagpasyahan ng grupo ng magikot-ikot muna dito sa Hong Kong dahil bukas babalik na kami sa Pilipinas. Mamimiss ko nanaman si Louis.

Yung fiance mo,hindi mo mamimiss?

Ikaw kanina ka pang konsensya ka ah. Mamiss din naman kaso hindi lang katulad ng pagka-miss ko kay Louis.

So miss mo nga.

Isa pa talaga. Oo.

Mahal mo na?

Hoy hindi ah. Bakit kapag namiss lang mahal na agad?

Defensive

Konsensya ba talaga kita? Oo mahal ko siya dati. Dati na yun. 'Past is past, never been back'



"Kurt tignan mo si Louis oh. Umiiyak nanaman"

"Tss iyakin. Buti pa ikaw maganda na hindi pa iyakin"

"Hehehe thank you. Ikaw nga pogi eh"

"Nambola"

"Hindi ah"

"Ok. Shiela may naisip ako"

"Ano yun?"

"Tawag mo sakin King tapos tawag ko sayo Queen"

"Bakit naman?"

"Para ako yung King mo. Ako yung magliligtas sayo. Tapos ikaw yung Queen ko yung papakasalan ko pag-laki natin"

Talaga bang ako ang nagsabi noon kay Shiela? Parang hindi? Arghhhh ang gulo talaga. Bata pa ako nun, bata pa kami. Hindi ko alam pinagsasabi ko noon.

"Ate!?" bulong na sabi ko. Si ate Shane ba yun?

Bakit nandito si Ate? Sh!t hindi pwede 'to. Lalo lang lalaki ang ulo nk Shiela. Patay na.

"Hi baby Boy"

Ayan na nakalapit na saamin

"Ate pwede ba? I'm not baby anymore"

"Oh i see you have a fiance na nga pala. Yung favorite ko para sayo"

Oo nga favorite mo tanong favorite at mahal ko ba?

"Tss" sabi ko at naglakad na ulit naiwan doon ang X-Black pupormahan pa nila si Ate Shane wala kasing boyfriend.

Si ate Shane siya ang panganay saamin. Siya ang nauna bago ako. Basta panganay. Siya ang nag-arrange marriage samin ni Shiela. Kasi gustong-gusto niya si Shiela na mapangasawa ko. Pinilit niya sila Daddy kaya ayun pumayag. Kainis lang malakas kasi si ate Shane kila Dad. Ang unfair hindi manlang tinupad ni ate yung pinangako niya saakin dati.

"Ate paano kapag lumaki na ako ikaw mag-aayos ng kasal ko ah"

"Ikaw bata ka pa. Oo naman. Basta yung mapapangasawa mo mahal mo ah"

"Opo naman"

"Kapag yung mahal mo yung papakasalan mo sige ako ang magaayos ng kasal niyo"

Oh asaan na yung pangako na yun? Wala na. Sabi niya kapag mahal ko yung babae siya ang magaayos ng kasal pero bakit yung hindi ko mahal yung pinipilit niyang ipakasal saakin.

Ate Shane galit parin ako sayo.. Ayoko sayo. Dahil sayo wala na, wala na yung babaeng mahal ko.

-------------

Hi guys. Congrats to us nasa #916 teenfiction na ang ratings ng story.

Thank you sa lahat sainyo. Sa mga nagtatanong kung may book two. Uulitin ko po hindi ko sure kasi baka magkagulo-gulo eh


A Campus Gangster Meets Campus PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon