Chapter 52: Effort

11.6K 336 15
                                    


Louis POV

♬ Uso pa ba ang harana, marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong mukhang gago nagkandarapa sa pagkanta at nasisintonado sa kaba♬

Rinig namin na kanta mula sa labas. Kasama ko ngayon sila ate Mandy,Sofia,Yelena at Dianna. Nagmo-movie marathon kasi kami wala namang pasok bukas eh.

"Girls naririnig niyo 'yun?" Tanong ni ate Mandy na sumusubo pa ng chips. Ang takaw niya na kumain simula nung nabuntis yan.

"Yeah. Tara tignan natin" sabi ni Sofia at nagsimula ng tumayo.

Sumunod naman kami kay Sofia ng makapunta kami ng gate agad itong binuksan ni Sofia yung gate. Nanlaki yung mata ko ng makita kung sino ang kumakanta.

Nakatitig siya sa mata ko habang palapit siya ng palapit saakin. Eto namang mga katabi ko tulak ng tulak saakin.

♬ Puno ang langit ng bituin at kay lamig pa ng hangin.
Sayo'y tingin ako'y nababaliw giliw
At sa awitin kong ito sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sayo♬

Natapos ang kanta at nakatingin parin siya saakin. Lumuhod siya at may nag-abot sakanya ng bulaklak. Ngayon ko lang napansin na kumpleto pala ang X-Black.

Inabot saakin ni Miguel ang bulaklak at kinuha ko naman ito. Pagka-kuha ko ng bulaklak tumayo siya at hinalikan ako sa noo.

"Thank you" sabi ko kay Miguel

"Always welcome my princess" sambit ni Miguel at niyakap ako.

"Anong meron dito?"

Napabitaw kami ni Miguel sa pagkakayakap ng may nagsalita sa likod namin.

"H-hi dad and mom" bati ko sakanila

"Oh hijo nandito ka pala" sabi ni mommy

"Ahh opo. Hinarana ko po kasi si Louis"

"Ang sweet mo naman hijo"

"Wala po yun" sabi ni Miguel na nagkamot pa ng batok.

"Miguel" sambit ni daddy kay Miguel na naging dahilan ng pag-kaba namin.

"P-po" utal na sabi ni Miguel

"Asan ang pesto?" Tanong ni daddy

"Tito sorry po nakalimutan ko. Iluto ko na lang po sa bahay. Saglit lang po" aalis na sana si Miguel para pumunta sa bahay nila pero pinigilan siya ni daddy.

"Hijo wag na. Dito ka na lang magluto sa bahay. May mga gamit naman dito. Tara pumasok kayo"

"Sige po tito salamat"

Pumasokna sila daddy at naiwan kami dito nila Sofia at Yelena. Si Mandy at Dianna pumasok na eh.

"Hi cute" sabi ni Lanzar at inakbayan si Sofia. Bagay sila.

"Ikaw panget tigilan mo ako ah" iritang sabi ni Sofia at tinanggal ang kamay ni Lanzar.

"Sofia kilala mo si Lanzar?" Tanong ko kay Sofia

"Yeah ate kilala ko siya. Kababata ko yan. Kaya nga ganyan tawagan namin eh."

"Oh i see. Bakit hindi kayo nagpapansinan sa school?"

"Ate baka gusto mong kalbuhin ako ng mga fan girl ni Lanzar"

"Ayy sorry naman"

"Cute tara na pasok na tayo" sabi ni Lanzar

"Panget ka parin" pang-aasar ni Sofia kay Lanzar

"Mahal mo naman" sabi ni Lanzar at umakbay nanaman kay Sofia.

Ang sweet naman nila. Sana ganyan din kami ni Miguel.

"Hoy itigil niyo yan. Hinahantik na ako dito" sabi ni Janwin at binatukan si Lanzar.

"Aba bitter ka lang eh" at ayan naghabulan na si Lanzar at Janwin.

Si Yelena at Hunter naman ayun pumasok na sa loob ng bahay.

"Ate tara na nga hayaan na natin sila jaan"

"Sige tara na nga."

Pumasok na kami sa loob at nakaakbay saakin si Miguel.

"Tara dumiretso tayo sa kusina. Magluto na tayo" bulong ko kay Miguel

"Ok sige baka paalisin pa ako dito ni tito"

Parehas kaming natawa sa sinabi niya. At nagsimula ng magluto.

----

"Girls look oh,si fafa Miguel nasa labas" sabi ng babaeng nasa likod ko.

Nandito kami sa classroom ngayon. Napaka-assuming ng mga classmate kong ito. Eto kasi yung class kong hindi ko classmate si Miguel eh.

"Oh my god sinusundo ako ni fafa Miguel" sabi naman ng isang assumera.

Nakakairita kala mo naman sila yung hinihintay.

Mga ateng assuming taken na yan!

Gusto ko yan sabihin sakanila pero huwag na lang.

"Class dismiss"

Salamat naman at tapos na ang klase ko. Pero naunahan ako ng dalawang assumera lumabas. Paglabas ko ng pinto ng room nakita ko pa yung dalawang assumera na nakahawak sa magkabilang braso niya. Tumingin saakin si Miguel.

"Sorry girls. Magagalit kasi girlfriend ko" sabi ni Miguel at nginuso ako. Napatingin naman saakin yung dalawang assumera at bigla na lang bumitaw kay Miguel

"We're sorry Campus Princess"

"Sa susunod kasi huwag kayong lalapit-lapit sa boyfriend ko. Baka makatikim kayo ng isang napakalakas na sipa at baka umabot pa kayo sa planet Mars"

"Sorry po"

"Sige na umalis na nga kayo. Baka magbago pa isip ko at hindi ko kayo sa planet Mars paliparin. Mapupunta kayo ng  planet Pluto"

Nagtakbuhan palayo ang dalawang assumera. Lumapit ako kay Miguel na tumatawa.

"Bakit ka tumatawa?"

"Wala lang. Here para saiyo yan" sabi ni Miguel at inabot saakin ang three roses.

"Thanks"

"Ang galing mo doon kanina ah"

"Ako pa ba?"

"Tayo na?"

"Huh?"

"Diba sabi mo boyfriend mo ako"

"Hala syempre acting lang yun. Nagseselos ako eh"

"Ok. Kailan mo ako sasagutin?"

"Secret"

"Ay ano ba yan"

"Tara na nga nagugutom na ako"

"Ok hon tara na"

----

Ilang araw ang lumipas at laging ang sweet ni Miguel at sobrang effort niya para lang mapa-oo ako.

Hintay ka lang Miguel malapit mo na akong mapasagot.







A Campus Gangster Meets Campus PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon