Chapter 48: Best Christmas Gift

13.4K 383 19
                                    


Louis POV

After two weeks....

After two weeks ang bilis ng araw. December 24 na tapos bukas pasko na.

Ngayon pa lang hindi na ako masaya paano pa kaya sa mismong Christmas? Simula kasi nung nangyare sa cafeteria hindi na nagparamdam saakin si Miguel. Or should i say ako lang?

Kasi pumupunta siya sa bahay kaso ang sinasabi ko kila mommy na sabihin na umalis ako na may pinuntahan ako. Tumatawag siya pero hindi ko sinasagot.

Mabuti na rin yun kesa naman mahirapan pa kami. Hindi niya kasi naiintidihan yung point ko eh. Kung bakit ko 'to ginagawa. Miss A ipaintindi mo nga kay Miguel.

(A/N: Sige para sayo love kita eh)

Balita ko naka-uwi na daw si Shiela sa bahay nila Miguel. Ayoko siyang makita baka patayin nanaman ako nun. Lalo na yung ate niya.

"Anak kumuha ka nga ng 3 all purpose cream" sabi saakin ni mommy habang nilalagay ang iba niyang binili sa cart.

Nandito kami sa supermarket na mommy. Sila daddy at Dianna nasa bahay lang naglalaro kasi ayaw paistorbo.

"Here mommy oh"

"Thank you baby"

Pumunta na kami sa cashier para bayaran lahat ng binila namin. Buti na lang at sinama ni mommy yung isa sa mga body guards namin para may taga bitbit kami. Sa dami ba naman ng panamili namin eh.

Pasakay na ako ng kotse ng may marinig akong boses. Alam ko kung sino yun.

"Babe what are we doing here?"

"May bibilin lang ako. Pwede ba umalis ka sa braso ko naiirita ako sayo"

Napatingin ako sa dumaan sa likod ko at hindi nga ako ang nagkamali. Sila Miguel yun with Shiela.

Nagmadali na lang akong pumasok sa kotse para hindi na nila ako makita. Hinantay ko na lang si mommy na makasakay dahil tinulungan niya pa yung bodyguard namin na maglagay ng pinamili sa likod ng van.

"Anak is there any problem?" tanong saakin ni mommy ng makapasok siya sa van

"Nothing mommy. Dont mind me" yumuko ako at kinagat ang ibabang labi ko dahil pinipigilan kong hindi maiyak.

"Alam kong may bumabagabag sayo. What is it?"

I sighed and look to my mother's eye.

"Fine mom. Wala naman akong maitatago saiyo eh. Kahit naman pong sabihin kong ok lang ako hindi naman kayo maniniwala"

"Because i'm your mother. Sige na ano ba yun?"

"Mommy kasi... Ano po...."

"Huwag kang kabahan"

"Kasi mommy... I saw Miguel and Shiela" tumulo na ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Bigla akong niyakap ni mommy kaya lalo akong napahagugol.

"Mommy dapat ako yun eh. Dapat ako yung kasama ni Miguel. Mommy ganito ba talaga kapag nagmahal ka? Kailangan bang masaktan ka pa? Hindi po ba pwedeng puro saya na lang kapag mahal mo ang isang tao. Pwede din po ba na wala na lang humadlang sa nagmamahalan?"

"Iyak mo lang anak. Nandito lang ang mommy. Ganyan talaga sa pag-ibig anak. May masasaktan at masasaktan. May hahadlang at hahadlang sa pagmamahalan niyo. Pero kung kayo talaga para sa isa't-isa magiging kayo parin habang buhay. Ngayon nasasaktan ka, ngayon may humahadlang sainyo. Pero in the future wala na masaya na kayo. Umpisa pa lang yan anak,umpisa pa lang yan ng pagsubok niyo. Marami pang mangyayare sainyo. Bata ka pa anak marami pang mangayayreng pagsubok sainyo sa future. Kung ngayon anak sumusuko ka na paano pa sa susunod. Anak kailangan mong lumaban.Huwag kang magpa-apekto sa pagsubok ngayon. Huwag kang susuko nandito lang kami nila Daddy,Kuya at ni Dianna."

A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now