Chapter 23: Endearment

16.4K 431 22
                                    


Louis POV

Nandito kami ngayon ni Dianna sa kotse kasi papasok na kami sa school si Kuya Luigi muna ang nagmaneho hindi ko ginamit yung kotse ko dahil ayaw mag-start.

Pagkadating namin sa school same routine ihahatid ko si Dianna sa room niya pagkahatid ko sakanya pupunta na ako ng room ko. Pagpasok ko agad kong nakita si Miguel pero agad siyang umiwas ng tingin. Wala naman sakin yung sinabi niya ayos lang yun alam ko naman na nagbibiro lang siya.

"Hi Yelena,Hi Miguel" bati ko sa magkapatid

"Hello ate good morning" masiglang bati ni Shian Yelena pero si Miguel tumango lang umupo lang ako sa table ko at nagbasa ng libro.

"Good morning class" tatayo na sana kami ng pigilan niya kami

"No need. Saglit lang ako dahil may meeting kami. Kaya buong araw kayong walang prof" bigla namang nagsigawan ang mga kaklase ko dahil sa narinig nila.

"Prof bakit po kayo nandito" tanong ng isa naming blockmate

"Kasi may activity tayo bukas. I'll group you into two. Meron mga names ang nakadikit sa likod ng upuan niyo kung anong name ang makuha niyo yun ang kagrupo mo. Sige na maaari niyo ng tignan ang pangalan" pagkasabi nun ni Prof lahat ng kaklase ko tinignan lahat ng likod ng upuan nila at ganun din ako. Pagkakuha ko ng papel binuksan ko agad ito at agad na nanlaki ang mata ko dahil sa nakuha kong pangalan.

Miguel Morales

"Prof pwede po bang makipagpalit ng pangalang nakuha?" Tanong ko sa Prof namin

"Hindi pwede Miss Lee. Dahil ang nabunot mo ay ang nabunot na pangalan ay saiyo din kaya hindi pwede" haist sayang naman

"Ok class nakuha niyo na ba ang mga pangalan"

"Yes prof" sabay sabay na sagot nila hindi ako sumagot dahil ayoko siyang kasama sa group.

"Sige pagusapan niyo na ang gagawin niyo. Ang activity natin bukas ay Cooking Competition. Kaya ang partners ay dapat masaram ang luto dahil lahat ng profesors pati narin pricipal ay titikman ang luto niyo" mahabang sabi nito "Sige na goodbye class. Goodluck sainyo"dagdag pa niya

Paglabas ng prof namin agad na nagtayuan ang mga blockmates namin para puntahan ang kanilang mga partners pero ako hindi ako tumatayo.

"Ano wala ka bang balak 'jan. Hindi ba natin paguusapan kung ano ang lulutuin natin para bukas" sabi ni Miguel

"Wala ako sa mood ngayon. Pumunta ka na lang sa bahay mamaya" sabi ko at kinuha ang gamit ko uuwi na lang ako.

"San ka pupunta?"

"Uuwi na ako" aalis na sana ako ng hawakan niya ang braso ko

"Sabay na ako sayo. May teacher ba sila baby Dianna ngayon?"

"Malay ko tara na tignan natin" sabi ko at lumabas na ng room kasunod ko si Miguel ng bigla na lang siyang napunta sa gilid ko

"Nakakamiss pala yung anak ko" sabi niya at nilagay pa ang dalawa niyang kamay sa batok niya

"Anong anak mo? Sino?"

"Si baby Dianna"

"Hindi mo naman anak yun ah"

"Anong hindi? Daddy nga tawag niya sakin tapos ikaw yung mommy niya" sabay harap niya sakin na may ngisi sa labi tapos taas-baba pa yung kilay niya

"Naku tigilan mo nga ako Miguel" nandito na kami sa tapat ng room nila Dianna kakatok na sana ako ng maglabasan ang mga classmates niya dala ang bag nila kaya pumasok kami doon ni Miguel para tigna kung nandun ba si Dianna.

A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now