Chapter 27: Pageant

17.5K 452 52
                                    

Louis POV

Wednesday na mamaya na yung pageant kinakabahan ako. Hindi padin alam nila Mommy yung tungkol sa pageant ayoko munang sabihin kasi kakauwi lang nila kagabi. Pero si Kuya alam naman na niya. Andito kami ngayon sa bahay nila miss Julia kasama ko ang mga ibang representatives medyo close na nga kami sa isa't-isa nagiging kaibigan ko na din sila. Mababait naman sila at hindi plastik.

"Bakla kinakabahan na ako para mamaya" sabi ni Sofia siya yung pinaka-close ko sakanila.

"Kala mo ba ikaw lang. Parehas lang tayo bakla kaya wag kang ano dyan" bigla naman lumapit yung iba.

"Guys ready na ba kayo para mamaya. Kasi ako hindi pa" sabi naman ni Nicole

"The feeling is mutual" sabay-sabay na sabi namin nagkatinginan lang kaming lahat at nagtawanan.

"Mukhang nagkakatuwaan ang mga alaga ko ah" biglang sabi ni Miss Julia kaya natahimik kami.

"Miss Julia pampatanggal kaba lang po para mamaya" sabi ni Quennie

"Diba sabi ko sainyo tawagin niyo na lang akong ate. Sige na pwede na kayong umuwi para makapaghanda kayo para mamaya. Basta wag niyong kakalimutan lahat ng tinuro ko ah" nakangiting sabi ni Miss este Ate Julia.

"Yes po ate. We miss you po sana magkita ulit tayo. Diba mga bakla" sabi ni Sofia

"Oo naman minsan bonding tayong lahat. Group hug" nag-group hug na lang kami at umalis na.

Pagkadating ko sa bahay agad akong sinalubong ni mommy ng nakataas ang kilay.

"Hi mommy" sabay beso ko sakanya.

"Wala ka bang sasabihin sakin?"tanong ni mommy

"Anong sasabihin mommy?"takang tanong ko

"Anak bakit hindi mo sinabi na kasama ka sa beauty pageant" masiglang sabi ni Mommy

"Sorry mommy"

"Dont worry baby. I know na mamaya na yung pageant kaya you need to prepare"

"Mommy paano mo po nalaman"

"Hay naku sino pa ba ang magsasabi sakin"

"Si kuya?"tumango lang si mommy. Hay si kuya talaga.

"Magbihis ka na anak may pupuntahan tayo"

"Saan po?"

"Basta wag na maraming tanong magbihis ka na lang"

Sumunod nalang ako kay mommy at nagbihis na. Saan kaya kami pupunta ni mommy?.. Pagkatapos kong magbihis pumunta ako ng sala at nakita ko si mommy nakaupo sa sofa.

"Mommy" tawag ko sakanya

"Are you ready baby" tumango na lang ako kahit hindi ko alam kung anong ibig-sabihin niya.

Pumunta lang kami sa labas at pumasok sa kotse. Habang nasa byahe kami tanong ako ng tanong kay mommy kung saan kami pupunta pero lagi niyang sinasabi secret daw. Bakit andito kami sa mall anong gagawin namin dito?

"Mommy ano pong gagawin natin dito"

"Basta baby. Sundan mo lang ako"

Sinundan ko lang si mommy kung saan siya pupunta at pumasok siya sa isang beauty parlor.

"Hi mamita" bati nung bakla kay mama nagbeso sila

"Hello Kian. Heres my daugther" sabay turo sakin ni mommy

"Hello po" bati ko sakanya

"Oh hello dear. Mamita ano po bang ipaglilingkod ko"

"Gusto ko lang naman na ayusan mo ang aking anak dahil may beauty pageant siyang sasalihan mamaya"

A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now