Chapter 59: Trip to London

11K 349 15
                                    



A/N: Hi po sa lahat na naghintay ng UD. Pasensya na po dahil sa mabagal na pag-update. Diba ang sabi ko po na kapag nakapag-UD ulit ako eh hanggang last chapter na pero hindi ko po kaya. Grabe sobrang napipiga ang utak ko kakaisip ng mga susunod na chapter. Kaya po hindi po muna siya matatapos ngayon. Maraming salamat sa pag-intindi at pasensya na po sa mabagal na UD.

CONGRATULATIONS #8 rank na ang story na ito. Thanks po sa support niyo.

------------------

Louis POV

Naeempake na ako ng gamit ko para sa trip to London namin ni Miguel. Kasi mamaya aalis na kami.

"Anak, dont forget to bring your passport ha. Baka hindi ka makaalis" sabi ni mommy habang sinasara ang maleta ko.

"Opo mommy" sagot ko kay mommy at lumabas na kami ng kwarto ko para hintayin si Miguel.

"Mommy Louis, sama ako" sabi ni Dianna habang kumakandong saakin

"Baby hindi pwede. Huwag ka mag-alala saglit lang kami doon atsaka pagbalik namin dito may dala kaming maraming toys" sabi ko habang hawak ko ang pisngi ni Dianna na nakakalong saaking mga hita.

"Don't worry baby bibilihan ka namin ng maraming toys tapos tatawagan ka lagi namin sa Skype" biglang sabi ni Miguel kaya napatingin kami sakanya.

"Daddy" sigaw ni Dianna at pilit nagpapabuhat kay daddy Miguel. At binuhat naman siya ni Miguel natatawa nalang ako sa kakulitan nila.

"Daddy promise po ah tatawagan niyo po ako sa Skype ah"

"Oo naman baby Dianna"

"Mommy,Daddy mamimiss ko kayo"

"We miss you too baby" sabi ko kinuha si Dianna sa bisig ni Miguel.

Matapos ang aming lambingan kinuha na ni Miguel ang aking mga gamit at nilagay saaming van ihahatid daw kasi kami ni kuya Luigi. Nagpaalam na ako kila mommy para makaalis na kami. Pero bago kamk sumakay sa van ni Miguel humabol pa saamin si Dianna na umiiyak. Agad naman akong lumapit sakanya at lumuhod para pantayan siya at punasan ang kanyang mga luha. Si Miguel umupo na din sa tabi ko.

"Mommy, Daddy sige na po sama ako" humihikbing sabi niya kaya tumingin ako kay Miguel napag-usapan na namin ito noong nakaraang araw eh.

"Ok fine kasama na ang baby namin. Hindi ka naman namin iiwan eh." Sabi ni Miguel at kinuha ang isa pang plane ticket para kay Dianna at inabot ito kay Dianna.

"Daddy is that true? Kasama ako?" Tanong ni Dianna at tinignan kami para antayin ang sagot namin. Tumango lang kami at ngumiti.

"Thank you mommy and daddy" sabi ni Dianna at niyakap kaming parehas, niyakap rin namin siya.

"Always welcome baby" sabay na sabi namin at sabay na humalik sa magkabilang pisngi ni Dianna.

"Mommy wait lang magbibihis lang ako"

"No need na baby your clothes are inside the van at pati ang mga gamit mo nasa van nadin kaninang umaga ko pa iyon inayos. So tara na at sa van ka na kang magbihis aayusan kita"

"Mommy thank you po and also daddy"

Nagpaalam na kami kila mommy at sumakay na kami sa van. Habang nasa byahe inaayusan ko si Dianna. Pare-parehas kaming tatlo ng t-shirt. Light blue color t-shirt na may print na Daddy,Mommy at Baby tapos yung mga pangalan namin nasa likod bandang beywang.

Saktong pagdating namin sa airport natapos ko na rin ayusan si Dianna. Habang inaayusan ko si Dianna kanina kwento siya ng kwento about aa school and classmates niya pati narin sakanyang mga friends.

A Campus Gangster Meets Campus PrincessDove le storie prendono vita. Scoprilo ora