Chapter 60: Trip to London 2.0

11.9K 328 42
                                    


Louis POV

"No one can touch her." Matigas na sabi ni Miguel at matalim na nakatingin kay kuya Ronald.

"Miguel ano ba?" Saway ko sakanya at tinapik ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"Ma'am mauna na po ako." Paalam saakin ni kuya Ronald kaya sinundan ko siya. Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa pagkakahawak saakin ni Miguel.

"Pasensya na po kayo sa ginawa nung kasama ko. Pasensya na po talaga."

"Naku ayos lang po. Sanay na. Sige ho mauna na po ako. Baka may nagpapa-room service pa."

"Pasensyana po ulit. Sasabihin ko po kayo ah kapag uuwi na kami ng Pilipinas."

"Salamat po. Mauna na po ako."

Umalis na si kuya Ronald at sinara ko na ang pinto. Nagpunta ako sa table kung nasaan si Miguel hinarap ko siya at pinagkrus ang aking mga braso saaking dibdib.

"Ano bang problema mo? Nagseselos ka ba?"

"Oo nagseselos ako." Mabilis na sagot niya saakin.

Wala manlang siyang alibi direct to the point kung magsabi. Honest!

"So kailangan mo na siyang tignan ng masama?"

"Oo."

"Miguel, ilugar mo naman yang selos mo. Nag-offer lang naman ako sakanya na sumama pag-uwi natin sa Pilipinas kasi namimiss niya na ang pamilya niya. Ako nga ang dapat magselos dahil sa ginawa mo kanina diba. Sino kaya yung todo makangiti sa harap ng ibang babae samantalang nasa tabi lang naman niya ang girlfriend niya. Eh ako nag-offer lang ako wala naman akong ibang ginawa."

Naupo ako sa harap niya at nagsimulang kumain. Hindi siya sumagot sa mga sinabi ko at kumain nalang siya. Pagtapos naming kumain nagpunta ako sa veranda, good thing na mayroong veranda dito sa room namin. Si Miguel ayun nakahiga na parang wala lang sakanya na magkaway kami, ako nga hindi ako makatulog.

"Louis." tawag saakin ng kung sino. Kaya napatingin ako sa likod ko.

"'Kala ko tulog ka na?" Nakataas na kilay na tanong ko sakanya.

"Ayokong matulog ng magkaaway tayo. Hindi ako makatulog." Sabi ni Miguel sa seryosong boses.

Tumalikod ako sakanya at humarap ulit sa tanawin sa veranda. Habang nakatingin ako sa ibaba ng building at tinitignan ang mga sasakyan doon nakaramdam ako ng mainit na bisigna bumalot sa beywang ko. Napatigil ako ng maramdaman ang hininga ni Miguel sa tenga ko.

"Miguel." Tawag ko sakanya na bigla na lang lumabas sa bibig ko.

"Louis i'm very sorry and yes, nagseselos ako. Selos na selos. Nung nalaman ko ang reason mo kung bakit ka nakipag-usap doon sa lalaking 'yun sinabi ko sarili ko dapat pala hindi muna ako nagalit. Kaya sorry, please forgive me. Yung kanina sa reception wala lang 'yun kaya ako ngumiti kasi your face is so priceless halata na nagseselos ka eh. Hindi ko rin naman ginusto yung ngiti saakin nung babae na 'yun sorry na please."

Humarap ako sakanya habang nakayakap parin siya saakin. "Sorry din kasi nagalit ako agad doon sa reception. Sino ba naman kasi ang girlfriend na hindi magagalit kung mayroong ibang ngini-ngitian ang boyfriend mo at sa harap pa mismo ng girlfriend niya. Kahit sino naman ganun magihing reksyon eh. Apology accepted basta 'wag mo ng uulitin yun ah."

"Promise"

Nakatitig lang kami sa isa't isa habang palapit ng palapit ang mukha niya ng ilang inch nalang ang pagitan namin ng may biglang nagsalita kaya naghiwalay agad kami.

"Mommy, i'm hungry." Sabi ni Dianna at nagiinat pa ng lumapit saakin. Napatingin ako kay Miguel na nakangisi saakin at nagbuka ng bibig na sinabi 'maghanda ka mamaya'

Hindi ko na lang iyon pinansin at kinarga si Dianna papunta sa table kung nasaan ang pagkain. Buti nalang at may tinira akong food para kay Dianna dahil konti lang naman ang kakainin niya.

*Kinabukasan*

"Hon, bilisan niyo para matagal pa tayong makapasyal." Sabi saamin ni Miguel. Dahil inaayusan ko pa ng buhok si Dianna, eto namang si Miguel nagmamadali maaga pa naman.

"Oo na. Bakit ka ba nagmamadali?" Sabi ko at pinadali ang pag-braid sa buhok ni Dianna.

"Para naman matagal pa tayonh makapag-bonding." Katwiran niya.

"Okay eto na tapos na. Tara na." Sabi ko at kinuha na ang sling bag ko at card dito sa room mahirap na baka hindi kami makapasok.

Naglalakad na kami sa palibot ng Big Ben. Pahinto-hinto kami kasi kada lakad namin picture ng picture si Miguel.

"Thank you." Ani Miguel nang makuha niya ang camera sa isang british na sinabihan niya na picturan kami.

"Hindi ka na nahiya." Sabi ko sakanya at bahagyang tinapik ang brasok niya.

"Ayos lang 'yun atleast may picture tayo. Ipapaframe ko 'to ng malaki tapos ilalagay ko sa kwarto ko tapos magpapagawa din ako ng maliit na copy para naman sa table sa tabi ng kama ko at saiyo."

"Bigyan mo rin ako ng malaki. Please?" Pagmamakaawa ko sakanya.

"Okay hindi naman kita matiis eh."

Niyakap ko siya at sumunod na yumakap saamin si Dianna.

"Wow mommy ang ganda naman po dito." Sabi ni Dianna ng maka-sakay kami sa London Eye. Kitang-kita rito ang buong UK.

"Say cheese." Sambit ni Miguel kaya napatingin kami sakanya at ngumiti.



Lumipas ang ilang araw na ganun ang naging routine namin sa UK. At ngayong araw uuwi na kami sa Pilipinas. Mami-miss ko dito sa UK.

"Say bye to UK." Ani Miguel at kumuha ng last picture sa Big Ben at London Eye bago kami pumunta ng airport.







A Campus Gangster Meets Campus PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon