Chapter 16: Hospital

19.2K 500 9
                                    

Somone's POV

"Nakakatawa ang itsura mo Louis" sabay tawa niya. "Naguumpisa pa lang ako Louis kaya maghanda ka na sa mga susunod pa" sabi niya na may nakakatakot na aura.

~T_T~~T_T~~T_T~

Miguel POV

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kanina ng makita si Louis na ganun ang sitwasyon.

*Flashback*

Kanina habang nagd-drive ako papasok sa school dumaan muna ako sa starbucks para bumili ng frappe para samin ni Louis. Nang makabili na ako papasok na sana ako ng kotse ko para pumasok pero naagaw ng atensyon ko ang mga nagkumpulang tao sa gitna ng kalsada. Sa sobrang lakas ng curosity ko nakisiksik ako sa mga tao para lang malaman kung ano ang nangyayari. Bigla akong napaluhod ng makita si Louis nakahiga sa kalsada na naliligo sa sarili niyang dugo. Agad ako na lumapit sakanya at niyugyog siya habang tinatawag ko ang pangalan niya.

"LOUIS GUMISING KA. PLEASE WAG KA MUNA MATUTULOG DADALHIN KITA SA HOSPITAL."sabi ko at tuluyan ng tumulo ang luha ko. Habang bitbit siya

"M-miguel h-haya..an m-mo n...a a....kong m....ma...mata...y" sabi niya na medyo hirap sa pagsasalita.

"HINDI LOUIS. HINDI KA MAMATAY" sabi ko ayokong mamatay si Louis wag muna may hindi pa ako nasasabo sakanya.

"P---plea...s M-miguel p--paki...sa...sa...bi k--ay k-uya a..t p---arents k-ko m-mahal ko si..la" pakiusap niya sakin. Please God alam kong bad guy ako pero wag kay Louis wag muna.

"LOUIS PLEASE GUMISING KA. LUMABAN KA M-MAHAL KITA LOUIS PLEASE LUMABAN KA."yan na lang ang nasabi ko at naramdaman ko na lang ang pagpikit niya. Tumakbo ako ng mabilis para makapunta sa malapit na hospital.

Dinala siya sa emergency room. Hindi ako mapakali kaya pumunta muna ako sa chapel dito sa hospital. Pagkadating ko sa chapel agad akong lumuhod at nanalangin

"Panginoon alam ko pong marami akong nagawang kasalanan sainyo at ngayon lang ako hihingi ng pabor para sa mahal ko. Please lord wag mo muna kunin si Louis marami pa po siyang pangarap. Lord ipagkalaloob ko na po sainyo ang may gawa noon kay Louis. Nagmamakaawa ako panginoon wag mo muna kunin si Louis" sabi ko habang umiiyak. Lumabas na ako ng chapel at bumalik sa labas ng emergency room.

*End of Flashback*

Hanggang ngayon hindi parin ako mapakali palakad-lakad lang ako dito sa labas ng pinto.

"Miguel umupo ka nga lang muna saglit nahihilo na ako sayo" sambit ng Kuya ni Louis. Tinawagan ko kanina ang Kuya niya at nagulat na lang ako nang pagkadating nila dito ay kasama na ang parents ni Louis.

"Hijo kilala mo ba kung sino ang may gawa noon sa anak ko?" Tanong ni Tita Elaine,mama ni Louis. Umiling lang ako bilang sagot. Habang naghihintay kami biglang bumukas ang pinto ng emergency room at nakita namin ang doctor agad na lumapit ang parents ni Louis at kuya niya nasa likod lang nila ako pinapakinggan ang sinasabi ng doctor.

"Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?"tanong ng doktor

"Opo doc. Kami po ang pamilya. Kamusta po ang anak namin?"tanong naman ni Tito Lance(papa ni Louis)

"Shes in critical condition. Na-dislocate ang buto niya sa kanang binti,nagkaroon ng sprain ang kanyang leeg. Hindi muna agad makakalakad si Louis dahil sa pag-dislocate ng kanyang buto sa binti. Maayos pa ito kung masesementuhan agad."paliwanag ni Doc.

"Doc gawin niyo po lahat ng makakaya niyo para makalakad ulit ang anak ko" umiiyak na sabi ni Tita Elaine (mama ni Louis)

"Yes madam gagawan namin ng paraan. Kapag nagawa na po namin ang pagsesemento sa binti niya ay ililpat na namin siya ng room"paliwanag niya at umalis na.

A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now