Chapter 30: Secret Admirer

14.4K 409 55
                                    

Louis POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw galing sa bintana ng kwarto ko. Sabado ngayon kaya mamaya pupunta kami ni Dianna sa condo ko.

"Baby Dianna good morning" sabi ko kay Dianna na mahimbing na natutulog.

"Baby Dianna" tawag ko ulit sakanya pero hindi padin siya nagigising kaya pumunta na lang ako sa cr para mag-toothbrush.

"Baby Louis nandyan ka ba sa cr?" Katok ni Kuya mula sa labas ng cr. Binuksan ko ang pinto habang nagto-toothbrush ako.

"Why kuya" sabi ko habang nasa bibig ko parin yung toothbrush

"Sulat para sayo" sabi niya at inaabot sakin ang sobre.

"Paki-lagay na lang po sa kama. Thanksh"

"Dito ko ilagay sa tabi ni Dianna ah" tumango lang ako at bumalik sa cr para magmumog. Paglabas ko ng cr agad kong kinuha ang sobre.

"Kanino kaya galing to" sabi ko sa sarili ko at umupo sa tabi ni Dianna habang binubuksan ang sobre.

Dear Louis,
    Good morning prinsesa ko. Kumain ka na ng breakfast ah. Kumain kayong mabuti ni Dianna wag kayong magpapagutom. Papakasalan pa kita at mamahalin ko pa kayong dalawa. Ingat kayo. I love you.
                                  ~Secret Admirer

Hala sino to? Bakit niya kami kilala ni Dinna? Stalker niya ba kami? Kailangan na ba namin magingat ni Dianna? Pero wala naman siyang ginagawang mali samin at masama. Sabi niya pa nga mamahalin niya pa kami,pero paano din namin siya mamahalin eh hindi nga namin siya kilala.

"Mommy ano po yan?" Biglang tanong ni Dianna. Nagising na pala siya.

"Good morning baby. Wala to. Letter lang para kay mommy" sabi ko sakanya at kiniliti ko siya.

"Mommyy hahahaha tahahaahah mahahaha na po" sabi niya habang tumatawa. Kaya natawa na din ako.

"Mukhang masaya ang mag-ina ko ah" napatigil ako sa pagkiliti kay Dianna ng may nagsalita sa pinto.

"Daddy" sigaw ni Dianna at bumaba ng kama para tumakbo papunta kay Miguel.

"Hi baby pwede bang sumali si Daddy sa laro niya" tanong niya kay Dianna tapos eto namang si Dinna tumango lang. Umupo sila sa kama katabi ko.

Nakita niya yung sobre kung saan nakasulat yung binasa ko kanina. Kinuha niya 'yun at hindi manlang nagpaalam sakin na babasahin niya 'yun pero hindi ko naman na siya pinigilan.

"Ayieee ang hon ko may secret admirer" pangaasar niya sakin habang sinusundot ang tagiliran ko.

"Che hindi ko nga kilala yan. Tigilan mo nga ako"

"Kaya nga secret admirer diba" sabi niya at sabay kaming kiniliti ni Dianna kaya napahiga kami ni Dianna sa kama. Nasa gitna namin si Miguel naka-upo, kami naman nakahiga habang tawa ng tawa. Malakas kasi kiliti ko sa tagiliran at ganun din si Dianna.

Eto yung pwesto namin
ako--->Miguel---> Dianna

"Mig hahaha uel hahaha ta hahaha ma na"

"Tawagin mo muna akong hon"

"Ayo- hahahah ko'

"Edi hindi kita titigilan"

"Tama hahahaah na ka-hahahaha si. Aalis hahaaha kami ni hahaha Dianna" pagkasabi ko nun tinigilan niya na kami ni Dianna

"Saan kayo pupunta?" Takang tanong niya

"Sa condo ko. Remember weekend ngayon"

"Ay oo nga pala. Sorry i forgot"

A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now