Chapter 14: His Secret

19.6K 555 4
                                    


Miguel POV

Bigla na lang nagpaalam samin si Hunter kanina na aalis siya. Parang may mali sakaniya pero hindi ko muna iyo iintindihin dahil aasikasuhin ko muna ang problema ni Louis.

Bakit ba iniisip ko 'yun magkaibigan lang naman kami ah. May mali sakin. Ano ba itong nararamdaman ko? Natatakot ako kapag hindi ko siya nakikita,sobrang nagaalala ako kapag umiiyak siya. Ano bang nangyayari sakin? ARGHHH

Pagkahatid ko kay Louis sa bahay nila agad naming kong tinawagan si Hunter pero hindi siya sumasagot. Kaya sinubukan kong tawagan si Lanzar dahil siya ang sumunod kanina kay Hunter tingin ko magkasama sila.

"Hello dre kasama mo ba si Hunter?"

[ Hindi dre. Nandito ako sa bahay ngayon may family dinner. Tanong mo na lang sa iba]

"Sige dre salamat"

Sinubukan ko namang tawagan si Janwin pero katulad din ni Lanzar busy din siya. Tinawagan ko rin si Aqualyne

"Dre kasama mo ba si Hunter kanina pa ako naghahanap sakanya umalis kasi agad siya kanina. Teka dre nasa bar ka ba? Ang ingay eh"

"Oo dre nandito ako. Nandito din si Hunter kanina pa siya inom ng inom hindi ko mapigilan nakaka-dalawang na case na siya ng beer. Pumunta ka na dito. Nandito kami sa Olympus bar" hindi na ako nagpaalam kay Aqualyne agad-agad akong pumunta doon.

Pagkadating ko doon nakita ko si Aqualyne sa entrance door ng bar. Mukhang hinihintay ako.

"Dre nasan si Hunter?"

"Tara dre" sinundan ko lang siya. At nakarating kami sa VIP area sa bar. Nakita ko agad si Hunter.

"Dre ano bang ginagawa mo? Tigilan mo na nga 'yan. Tignan mo nakaka-dalawang case ka na. Ano bang problema mo?" Paninermon ko sakanya.

"Alam mo kung sino ang problema ko? Ikaw dre. Ikaw ang problema ko" sabay turo niya sakin.

"Bakit ako dre wala naman akong ginagawa sayo?"

"Anong wala? Alam mo bang dahil sayo nakalimutan na ako ni Louis Kaye. Mahal ko si Louis Kaye mahal na mahal gusto kong patayin yung pinalit niya sakin noon pero hindi ko magawa dahil mahal ni yung ugok na 'yun. Sobrang nasaktan ako noon kaya naging CASSANOVA ako. Pero kahit sobrang dami na ng naging babae ko hindi parin siya mapalitan sa puso ko. Alam mo dre nasasaktan ako kapag sobrang sweet mo sakanya,sobrang protective mo sakanya. Naiingit ako sayo dapat ako yun dapat ako yun. Mahal na mahal ko si Louis Kaye siya ang first love ko. Ewan ko nga sa babaeng 'yun kung ano ang pinakain sakin kahit maraming taon na ang lumipas siya at siya parin ang mahal ko"

"Alam mo dre lasing ka lang" hihilahin ko na sana siya patayo para maiuwi na. Pero tinapik ako ni Aqualyne.

"Dre hindi nagsisinungaling ang lasing."

Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi ni Hunter. Naging sila ba talaga ni Louis?

"Kaya nga hindi ko na ginagamit ang totoo kong pangalan na Hunter Renz dahil naalala ko lang ang past namin. Nagagalit ako sa mga tumawatag kay Louis ng buong pangalan niya dahil ako lang ang tumatawag sakanya nun." Umiiyak na siya lumapit ako sakanya at inagaw ang iniinom niya pero kinuha niya ulit ito.

"LOUIS KAYE MAHAL NA MAHAL KITA. HINDI AKO MAGSASAWA NA MAGHINTAY SAYO" pasigaw na sabi ni Hunter at agad na nakatulog sa lamesa.

"Dre iuwi na natin siya. Bukas na natin siyang tanungin tungkol sa mga sinabi niya ngayon. Wag ka magaalala dre tayong dalawa lang muna ang makakaalam nito. Dre nga pala ni record ko yung mga sinabi niya" sabay ngisi

"Adik ka talaga. Tara na nga doon na lang natin siya sa unit ko patulugin" binuhat na namin si Hunter at dinala sa kotse ko si Aqualyne na ang nag-maneho iniwan na lang namin doon ang kotse nila Hunter at Aqualyne bukas na lang namin iyon babalikan.

Habang nasa byahe kami hindi parin mawala sa isip ko ang mga sinabi niya. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sakanya o maawa.

A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now