Chapter 57: Surprise

12.1K 338 31
                                    


Louis POV

Makikipagbati na ba ako? O hindi pa? Ginagawa ko kasing big deal yun kilala ko naman si Mica bakit hindi pa ako makipag-bati diba.

"Mommy" tawag ko kay mommy na abala sa pag-bake ng cake.

"Why?"

"Papatawarin ko na po ba si Miguel? Alam ko na naman na po kasi ang reason niya pero hindi ko parin alam sa sarili ko kung bakit hindi ko pa siya pinapatawad. Mommy naguguluhan talaga ako. Help me."

"Hay ang anak ko--" lumapit siya saakin at umupo sa tabi ko "-- kung alam mo na ang rason bakit hindi mo pa siya pinapatawad? Gusto mo bang patagalin pa iyang away niyo. Anak mas mahihirapan ka kung papatagalin mo pa iyan makipagbati ka na hanggat hindi pa huli. Follow your heart anak. Basta patawarin mo na siya wala naman siyang ginawang masama. Anak magbihis ka na bilisan mo puntahan mo siya nasa starbucks siya ngayon kinausap niya ako kagabi. Sige na makipagbati ka na huwag mo ng patagalin."

Kahit kailan talaga si mommy sobrang lalim kung magsalita. Thank you mommy.

Nagmadali akong umakyat para magbihis at makapunta na sa Starbucks. Matapos kong magbihis nagpaalam na ako kay mommy at binilin ko sakanya si Dianna sila kuya busy dahil check-up ni Mandy. Si Daddy naman busy din sa business.

Pagdating ko sa Starbucks agad kong inikot ang mga mata ko sa loob ng Starbucks para makita si Miguel pero bakit ganun wala siya. Lumabas ako sa Starbucks at hinanap ulit si Miguel pero hindi ko talaga siya makita.

"Miguel" hanap ko sakanya sa labas ng Starbucks at nagikot-ikot ulit doon.

Sabi ni Mommy nandito daw si Miguel sa Starbucks eh bakit wala naman. Tinawagan ko si Mommy para kumpirmahin kung nasaan ba si Miguel ang sabi nasa Starbucks daw wala naman.

Pumunta na lang ako sa park malapit sa Starbucks at makapag-pahangin nagbabakasakali rin ako na nandito si Miguel.

"Ate may nagpapabigay po" sabi ng batang babae na kakalapit lang saakin at may inabot na sticky note.

"Sinong nagpapabigay?" Tanong ko sakanya pero umalis siya agad. "Thank you" pahabol na sigaw ko sa bata.

Sino kayang nagpapabigay nito?

Binuksan ko yung sticky note dahil nakatupi siya sa kalahati. May nakasulat doon na pinagtataka ko.

Puntahan mo ang pangatlong puno mula sa kaliwa mo☜. Kapag nakapunta ka na doon may nakadikit na sulat doon kunin mo.

Sino naman kaya 'to? Wala naman sigurong mawawala kung titignan ko diba. Tumayo ako at nagpunta sa instruction doon sa sulat. Pagdating ko sa may puno na tinutuloy niya may nakita akong pink na sticky note.

Hanapin mo yung batang nagbigay sayo kanina ng naunang sticky note. Tapos tanungin mo siya kung asan ang isa pang sticky note.

Ano ba 'yan? Pinapagod ata ako nitong nagsusulat na ito eh o baka naman pingt-tripan lang ako. Kahit ayaw kong sundin yung mga sinusulat niya parang may nagsasabi saakin na sundin ko.

Hinanap ko ang bata na nagbigay saakin ng naunang sticky note. Agad ko rin naman siyang nakita dahil nakikipaglaro lang siya sa mga kapwa niya bata.

"Hi, diba ikaw yung nagbigay saakin nito kanina?" Tanong ko at pinakita ang yellow sticky note na binigay niya kanina.

"Opo" maikling sagot niya

"Alam mo ba kung nasaan ang isa pang sticky note?"

"Opo dito po" sabi nung bata at hinila ako kung saan man.

Hinila niya ako malapit sa mga bench ng park at pinaupo ako sa isa sa mga bench doon.

"Ate wait lang po dito may magbibigay po sainyo ng bagong sticky note. Bye po." Magsasalita pa lang sana ako ng bigla nanaman siyang umalis. Ano bang problema sa batang 'yun?

Katulad nga ng sinabi ng batang babae hinintay ko ang magbibigay saakin ng isa pang sticky note.

"Hi miss"

"Ay kalabaw" mabilis na sabi ko sabay hawak sa dibdib ko bigla-bigla kasing nanggugulat.

"Sorry nagulat kita. Pinabibigay" sabi nung binata at binigay saakin ang isa pang sticky note na may kasamang one rose.

"Thanks" sabi ko at umalis na siya. Binasa ko na lang ang sulat.

Punta ka sa center ng Park kung saan may fountain. Tumayo ka lang doon. Maghintay ka lang.

Daming alam ah. Sino ba 'to? Punmunta parin ako sa center ng Park kung saan may fountain. Pagdating ko doon walang katao-tao. Asa'n ang mga tao bakit ako lang mag-isa? Inikot ko ang mata ko sa Park pero wala talagang tao. Naupo na lang ako sa bench na nakapalibot sa paligid ng fountain. Napansin ko lang puro upo na lang ang ginawa ko dito ah.

Habang naghihitay ako bigla nalang tumunog ang favorite song ko. Napatayo ako dahil sa narinig ko.

(Paki play po yung video. Thanks)

Nagulat ako dahil pagtayo ko may isang lalaki na lumabas hindi ko alam kung saan siya galing. Sumasayaw siya habang papalapit saakin nang medyo malapit na siya saakin umatras ulit siya. Pagkaatras niya mat lumabas ulit na dalawang lalaki at dalawang babae at sumayaw din sila. Hanggang sa dumami na sila sinasayaw parin nila ang tugtog na gusto ko.

"Anong nangyayari?" Tanong ko sakanila habang pinapanood silang sumayaw. Grabe sabay-sabay pa talaga sila sa pagsayaw ah.

Lahat sila ang sigla sa pagsayaw eto yata lahat ng tao dito sa Park eh kasi sobrang dami nila. Mayroong nagta-tumbling, may naghi-hip hop.

Malapit ng matapos ang kanta at lumapit saakin yung lalaking binata kanina yung nagbigay saakin ng sticky notes. Paglapit niya saakin piniringan niya ako ng pulang tela sa mata.

"Hey what are you doing?" Tanong ko at pilit tinatanggal ang piring ko.

"Ate sorry inutusan lang po ako. Promise happy ka na mamaya. Huwag ka na lang po makulit baka pagalitan ako ni Kuya"

"Huh? Sinong Kuya?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko at pinalakad niya na ako. Saan kaya kami pupunta ng batang 'to? Napansin kong medyo malayo-layo na ang nalakad namin nasaan naba kami?

"Hey bata. Ano bang pangalan mo?"

"Bob po"

"Nice name. Ahmm Bob nasaan ba tayo? Parang ang layo na natin ah"

"Ate relax isang hakbang na lang--" pinahakbang niya ako at binitawan. "'Yan ate wait ka lang. Pagbilang ko ng three tanggalin mo na yang sa mata mo"

"Ok" maikling sagot ko

"One"

"Two"

"Three"

Saktong three tinanggal ko na agad ang piring ko at nagulat ako sa nakita ko sa harapan ko. Nagbabadyang tumulo ang mga luha ko. May limang tao na nakatayo sa harap ko na may hawak na placard. Tig-isa sila.

SORRY

'Yan ang mabubuo sa bawat placard nila. Sa gitna nila doon lumabas si Miguel na may dalang boquet of rose.

"Hon, sorry na" sabi ni Miguel ng makalapit siya saakin at binigay ang bulaklak.

"Ikaw ba ang may gawa nitong lahat?"

"Oo, bakit ayaw mo ba? Hindi mo ba nagustuhan?"

"Nagustuhan ko. Nasurprise ako. Hindi mo naman na kailangan gawin 'to dapat kakausapin na kita para patawarin na kita kaso naunahan mo na ako. Oo na ayos na tayo."

"Talaga? Thank you" sabi niya at niyakap ako ng mahigpit .

--------

Sorry po at natagalan ang UD ko pasensya na po talaga. Sana huwag kayong magalit saakin.

Hi bebe guerrerosairajane sorry hindi kita ma-dedicate

A Campus Gangster Meets Campus PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon