Chapter 21: Enrollment

17.2K 431 25
                                    


Louis POV

Nagising ako dahil sa ring ng cellphone ko. Tinignan ko ang screen kung anong oras na 7:25 a.m na pala. Tinignan ko kung sino ang tumatawag. Agad ko naman sinagot

Shian Yelena calling.....

"Good morning Yelena. Bakit napatawag ka?"

[Good Morning din ate. May good news kasi ako sayo]

"Ano 'yun?"

[Ate sabi ni Tito ok lang daw na wala siyang birth certificate. Makakapag-enroll na si Dianna. Sabi lang sakin ni Tito sabihin daw natin sa magpapa-enroll sakanya transferee from other school tapos yung birth certificate si Tito na daw ang bahala]

"Talaga pwede na siyang makapag-enroll?"

[Yes ate. Pupunta ako jan sa condo mo ng mga bago maglunch para makapag-enroll na si Dianna]

"Ok sige. Thank you Yelena"

Binaba ko na ang tawag at sobrang saya ko dahil makakapag-aral na si Dianna.

"Baby Dianna wake up" sa sobrang saya ko nagising ko na si Dianna

"Mommy inaantok pa po ako" sabi niya ng may inaantok ng boses

"Dianna wake up. You need to prepare. Sabi ni Ate Yelena mo makakapag-enroll ka na daw. Pupunta daw siya dito para sunduin tayo papunta sa school"

"Talaga mommy makakapag-aral na po ako" sabi niya at tumango lang ako.

Nakaupo lang kami ni Dianna sa sofa habang hinihintay namin si Shian Yelena na dumating.

Buzzzzzzzz......

"Baby andyan na yata si Ate Yelena mo. Be ready" tumango lang siya at ako naman binuksan ang pinto.

"Hi ate Louis. Is Dianna ready?"

"Yes she's ready and she's also excited"

"Baby Dianna lets go na" sabi ko kay Dianna at lumabas na kami ng unit ko para magtungo sa parking lot sumakay kami ni Dianna sa kotse ko tapos si Yelena naman sa kotse niya.

*School*

Nandito na kami ngayon sa tapat ng school sa waiting shed. Hinihintay lang namin si Shian Yelena dahil nag-park pa.

"Mommy marami bang bully dito?"

"No baby walang bully dito. Incase na may nambully sayo sabihin mo agad sakin ah"

"Yes mommy" pagkasabi niya non agad namang dumating si Shian Yelena na pagod na pagod.

"Umupo ka nga muna dito" sabi ko sakanya pero tumangi lang siya.

"No thanks im ok. Tara na hinihintay na kayo ni Tito"

Naglakad lang kami ng naglakad papunta sa office ng Tito ni Shian Yelena. Habang papalapit kami doon lalong humihigpit ang hawak ni Dianna sa kamay ko. Tumingin ako sakanya binigyan niya lang ako ng sweet smile.

"Yelena alam ba ni Miguel ang tungkol kay Dianna"

"Hindi ate. Diba sabi mo wag kong sabihin sakanya"

"Ok thank you mapagkakatiwalaan ka talaga"

"Welcome ate" pagkasabi 'nun ni Shian Yelena huminto na lang kami sa isang pinto agad itong binuksan ni Shian Yelena.

"Hi Tito Albert. Andito na po sila" sabi ni Shian Yelena at nakipagbeso sa Tito niya.

"Good Morning po Sir Albert" sabi ko at yumuko bilang paggalang

A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now