Chapter 62: Father

10K 256 12
                                    


Miguel POV

Pag-uwi namin ni Louis galing park pumunta agad ako sa kwarto ko at naabutan ko doon si Shiela.

Anong ginagawa niya dito? Next year pa ang uwi niya ah.

Naabutan ko siyang nagaayos ng gamit ko.

"Anong ginagawa mo sa gamit ko." Tanong ko sakanya at hinila siya palabas ng kwarto pero nagpupumiglas siya.

"Ano ba Miguel? Nasasaktan ako. Gusto mo bang malaglag yung baby natin?" Sabi niya at nag-luluha na ang mga mata.

"Anong sinasabi mo? Atsaka bakit ka nandito diba next year pa ang uwi mo?"

"Miguel, kaya ako umuwi dito para sabihin sayo ang good news."

"Anong good news ang sinasabi mo?"

"Magiging daddy ka na."

"Huh?" Takang tanong ko na medyo may pagtataka.

"Magihing daddy ka na kasi buntis ako at ikaw ang ama."

Binitawan ko siya dahil parang nanghihina ako sa narinig ko. Naupo ako sa dulo ng kama at hinilot ang sintido ko. Lumapit saakin si Shiela at may binigay saakin. Pregnancy Test, positive 'yun pero paanong nangyareng nabuntis siya. Wala naman nangyari saamin. Nakaka-frustrate

"Paano nagkaroon ng bata jaan? Diba wala pa namang nangyayari saatin?" Pasigaw kong sabi.

Pagka-sabi ko nun sakanya bigla na lang tumulo ang luha niya "Hindi mo na ba maalala. Basta sayo ang batang 'to. Kahit ipa-DNA mo pa ito paglabas niya. Sayo 'to Miguel at magpapakasal tayo."

"Sinasabi mo lang ba yan para pakasalan kita."

"Hindi Miguel. Oo gusto kitang mapang-asawa dahil mahal kita pero na-realize ko na mahal mo si Louis. Ginagawa ko lang naman 'to para sa anak natin."

"Sorry pero hindi kita papakasalan. Bakit mo ba pinagpipilitan na akin yang batang 'yan eh wala ngang nangyari saatin diba hindi mo nga rin sinabi saakin kung paano nagkaroon ng bata diyan ng hindi ko alam? Tapos ipagpipilitan mong akin yan."

"Basta sayo 'to." Sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.

Napa-upo ulit ako sa dulo ng kama at tinitigan ang pregnancy test.

"Hindi akin 'yung baby. Hindi pwede." Bulong ko sa sarili.

Tumayo ako at tinapon sa basurahan ang pt. Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa garden dahil alam kong nandoon si mom

Melanie ang pangalan ng mom ko. Bestfriend niya si tita Elaine (mommy ni Louis.)

"Mom can i talk to you?"

"Oh ang aking unico hijo. Ano 'yun anak?" Tanong niya saakin at naupo kami sa round table dito sa may garden.

"Mom, diba mag-bestfriend kayo ng mommy ni Louis?"

"Oo matagal na kaming mag-kaibigan."

"Ahh. Alam mo po ba yung plan ni Daddy saakin, i mean saamin ni Shiela?"

"Hindi ano ba 'yun? Atsaka mukhang problemado ka? Anong problema?"

"Kasi.... Ano po kasi..... Ipapakasal po ako ni daddy kay Shiela."

"Bakit hindi ko alam 'yan? Ayoko si Shiela para sayo anak mas gusto ko pa si Louis."

Napangiti ako sa sinabi ni mom. Noon pa man boto na si mom kay Louis. Simula nung pinakilala ko siya at doon ko din nalaman na mag-bestfriend sila ng mommy ni Louis.

"Ano pong gagawin ko? Buntis daw po si Shiela at gusto niyang pakasalan ko siya. Hindi ko naman po siya mahal kasi si Louis ang mahal ko."

"Alam ko 'yun anak. Kinausap ako kanina ni Shiela nung dumating siya dito at hindi ako pumayag na ikasal kayo. Pero paano na eh diba arrange marriage ang ginawa ng daddy mo? Kaya sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal kayo. Ayokong mangyari 'yun anak na ikasal ka sa hindi mo mahal pero anong magagawa ko kung daddy mo ang nagdesisyon. Alam mo naman na kapag nangialam ako sa plano ng daddy mo masasaktan niya ako pati kayo ni Yelena, ayoko naman mangyari 'yun anak. Kahit gusto kong pigilan ang daddy niyo hindi ko magagawa dahil ayokong masaktan kayo. Kaya ang magagawa mo na lang ngayon anak ang lumaban, lumaban kayo ni Louis 'wag niyong isuko ang isa't-isa pagsubok lang 'yan malalampasan niyo 'yan." Mahabang sabi ni mom at tumayo na para pumunta sa kitchen at tulungan ang mga maid sa paghahanda ng hapunan.

Napa-buntong hininga na lang ako at iniisip kung paano ko sasabihin kay Louis 'to.

Kinabukasan*

Louis POV

Tanghali na ako nagising dahil napuyat ako kagabi dahil ka-chat ko pa si Miguel. Papunta ako sakanila ngayon kasi sabi niya may sasabihin daw siya. Pagkatapos naman naming mag-usap nag-review ako dahil next week na ang finals.

"Mommy, daddy kila Miguel lang po ako saglit." Paalam ko kila mommy.

"Sige anak. Paki kamusta ako kay Melanie ha." Sabi ni mommy at kumakaway pa saakin.

"Ok po."

"Anak saglit ka lang doon ah. May pupuntahan tayo." Sabi ni daddy at tumango lang ako sakanya.

Nasa tapat na ako ng gate nila Miguel mag-door bell na sana ako pero may nagbukas na nito.

"Hija, ikaw pala? Anong ginagawa mo dito?" Tanong saakin ni Tita Melanie.

"Good afternoon po tita. Nandiyan po ba si Miguel?"

"Ah oo nandoon siya sa kwarto niya naliligo pa ata."

"Salamat po. Ahmm tita bakit po bihis na bihis kayo? Aalis po ba kayo?"

"Yeah aalis ako. Nasa bahay ang mommy diba? Kasi aalis kami eh. Naka-bihis na ba siya?"

"Ay ganun po ba. Opo nasa bahay si mommy pero hindi pa po siya naka-bihis. Mukhang nakalimutan niya po na may lakad kayo."

"Sige puntahan ko na lang. Pumasok ka nasa kwarto lang si Miguel."

"Ok po. Ingat po kayo."

Pumasok na ako sa loob ng bahay nila at dumiretso sa kwarto niya.

"Miguel, nandyan ka ba?" Tawag ko sakanya at kumatok sa pinto ng cr niya.

"Louis, ikaw ba 'yan? Oo saglit lang matatapos na ako." Rinig kong sabi niya mula sa loob ng cr.

Umupo lang ako sa edge ng kama niya at nilibot ang mata ko sa loob ng kwarto niya. Napaka-linis ng kwarto niya. Tumayo ako at umupo sa study table niya at kinuha ang sticky note. At may sinulat pero nagkamali ako at tinapon ko 'yun sa basurahan sa tabi ng study table niya. Pero pagtapon ko may nakita aking puti at may dalawang guhit na pula. Kinuha ko 'yun at bumuhos ang luha ko.

Kanino 'to? Miguel hindi.

"Loui---." Hindi na natapos ni Miguel yung sasabihin niya dahil bigla akong tumayo sa kinauupuan ko at sinampal siya ng makalapit ako sakanya.

"Bakit meron ka nito?" Sigaw ko sakanya na nanginginig pa ang boses.

"Hon, let me explain."

"Huwag mo aking matawag-tawag na hon. Sagutin mo yung tanong ko. Bakit meron ka nito at kanino 'to galing?"

"Louis kay Shiela galing 'yan. Pero hindi ako yung ama nun kasi wala namang nangyari saamin."

"Walang nangyari? Eh bakit buntis siya? Ano 'yun hindi mo alam na may nangyari sainyo?"

"Please maniwala ka. Hindi saakin yung bata. Maniwala ka naman."

"Ayokong maniwala. Paanong magkakaroon ng bata doon kung walang nangyari sainyo?"

"Please Louis."

Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko at paulit-ulit niyang sinasabi ang salitang 'maniwala ka', 'sorry please'

Pabalagbag akong bumitaw sakanya at tumakbo palabas ng kwarto niya habang patuloy parin sa pagtulo ang luha sa mga mata ko.

Bakit Miguel? Ang sakit!


A Campus Gangster Meets Campus PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon