Chapter 58: Monthsary

13.6K 335 54
                                    


Louis POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw at saaking alarm. This is the day. The day that i said yes to Miguel. This is our first monthsary. Sana maalala niya?

Pagupo ko sa kama ko nag-inat muna ako bago ko kinuha ang cellphone ko pero nagtataka ako kung bakit wala ni isang text akong natanggap mula kay Miguel. Tuwing umaga kasi ay nagpapadala siya saakin ng mga LSM. Nakakapanibago naman 'to. Bumangon na lang ako at hindi na pinansin kung hindi man siya nag-text baka natutulog pa.

Kumakain na kami ng breakfast pero hindi dumating si Miguel. Lagi siyang nandito kumakain kapag umaga at nagluluto siya para saamin.

"Anak, nasaan si Miguel?" Tanong ni mommy

"Hindi ko po alam." Sagot ko at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Hanggang sa matapos na kami sa pagkain hindi siya dumating. Nakapag-ayos na rin ako para pumasok sa school pero wala parin siya para sunduin ako. Kaya naisipan kong itext nalang siya.

To: Miguel♥

Hon, mauna na akong pumasok ah. Mukhang late ka na nagising. I love you.

Pagkatapos kong itipa ang mga iyon ay pinadala ko na agad sakanya. Naghintay ako para sakanyang reply pero wala akong natanggap mula sakanya. Kapag ganun naman nagre-reply naman agad siya pero bakit ngayon hindi. Nakakapanibago talaga.
Napailing na lang ako at sumakay na sa kotse ko para pumasok na. Buti na lang at bakasyon na nila Dianna, kami naman next week na ang finals.

Pagdating ko ng classroom nagulat ako dahil nandoon na si Miguel. Nauna pa siya saakin so gising na siya kanina pa. Bakit hindi siya nag-text saakin o kaya naman sinundo ako?

"Good morning hon" bati ko sakanya ng makaupo ako sa tabi niya. Nilingon niya lang ako na walang bakas na kahit anong emosyon at bumalik ulit ang tingin sakanyang cellphone.

"Hey, anong problema?" Sabi ko ulit at niyugyog ang mga braso niya para pansinin ako. Pero wala talaga, hindi niya talaga ako pinapansin. Pinag-krus ko ang dalawa kong braso at nilagay sa akin dibdib at padabog na dumandal sa upuan ko.

"Hindi na nga nagtext kanina, hindi pa mamansin ngayon" galit na pagpaparinig ko sakanya.

Hanggang break time namin hindi niya ako pinapansin. Kinakausap ko na nga lang ng kinakausap ang sarili ko para hindi ako ma-bored dito sa katabi.

"Nakakinis naman yung isa jan, mukhang may nakakalimutan yata ngayong araw" parinig ko nanaman sakanya at sumubo ulit ng kanin. Nandito kami ngayon sa cafeteria kasma sila Yelena, ewan ko nga dito kay Miguel kung bakit sumama pa saamin eh hindi naman niya ako pinapansin.

Nakakatampo na!

"May problema ba?" Tanong ko sakanya habang tahimik siyang nakatulala sakanyang cellphone hinihintay niya yata kami kasi hindi pa kami tapos kumain.

Hindi nanaman niya ako sinagot nakatutok lang siya sa cellphone niya. Kaya ang ginawa ko bigla kong hinablot ang cellphone niya para pansinin niya ako. Nagulat siya sa ginawa ko at tumingin saakin pero ang ekspresyon niya ay galit, kitang kita sa mata niya ang galit.

"Opps sorry" sabi ko at konti-konting inaabot sakanya ang cellphone niya. Tinignan niya lang iyon tapos tingin ulit saakin. Sa huling tingin niya sa cellphone hinablot niya iyon at tumayo upang umalis pero bago siya umalis may sinabi siya saakin.

"Wala kang karapatan para kunin ang phone ko." ipit na sigaw niya para hindi kami pagusapan sa cafeteria lalo na sa buong Academy.

Pagkasabi niya 'nun agad na siyang umalis ako naman pinatong ko ang dalawa kong siko sa table at ang mga kamay ko ay tinakpan ang mukha ko doon na tumulo ang mga luha ko.

A Campus Gangster Meets Campus PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon