Chapter 20: Meet Dianna

17.4K 437 7
                                    


Louis POV

Nagaayos ako ng gamit ko ngayon dahil pupunta muna ako sa condo ko,total wala namang pasok. Ayoko kasi magstay dito sa bahay lalo na katapat lang ng bahay namin sila Miguel.

"Manang Noeime sa condo po muna ako. Pakisabi na lang po kay Kuya,pero mag-text din po ako sakanya" sabi ko kay Manang ng makababa ako.

"Sige hija. Magingat ka"

Lumabas na ako ng bahay at binuksan yung gate para mailabas ko ang kotse ko pero pagkabukas ko ng gate may nakita akong bata sa labas. Umiiyak siya. Lumapit ako sakanya. Tingin ko mga 6 years old palang siya.

"Hija anong ginagawa mo dito gabi na? Asan parents mo?" Tanong ko sakanya at umupo sa tabi niya habang hinahagod ang likod niya.

"W-wala n-na po akong p-parents" hikbing sagot niya

"Sinong nagaalaga sayo? Bakit andito ka pa gabi na? Saan bahay mo?" Sunod-sunod na tanong ko sakanya

"Tita ko lang po nagaalaga sakin pero tumakas po ako sakanya kasi po sinasaktan niya ako"

"Ganun ba. Dadalhin na lang kita sa DSWD" tatayo na sana ako para mailabas ang kotse pero hinila niya lang ang kamay ko

"Ate ayoko po doon. Please po ayoko doon" umiiyak na sabi niya

"Saan kita dadalhin? Hindi naman kita pwede ibalik sa tita mo baka saktan ka ulit 'nun"

"Ate pwede bang sayo na lang muna ako? Pwede bang ampunin mo na lang po ako?"

"Ha? Hindi pwede"

"Ate sige na po please" sabi niya ng naka-puppy eyes.

"Haysss ano ka ba namang bata ka. Sige na nga pasalamat ka cute ka" sabi ko sabay kurot sa pisngi niya.

Sinakay ko siya sa kotse ko at nagmaneho papunta sa condo ko. Habang nagmamaneho ako siya naman nakatingin lang sakin.

"Ano bang pangalan mo?" Tanong ko sakanya

"Dianna po"

"Dianna nice name. Ilan taon ka na"

"6 po" tipid na sagot niya

"Kumain ka na ba?" Umiling lang siya sa tanong ko. Hindi pa pala kumakain itong batang ito. Sakto naman may nadaanan akong fast food chain. Pumasok lang ako sa drive tru at nag-order.

"Oh Dianna kumain ka na ha. Medyo malapit na din tayo sa condo ko" sabay abot ko sakanya ng pagkain. Agad naman niya itong kinain halata na gutom na talaga siya.

"We're here" sabi ko ng makapunta kami sa parking lot

"Wow ate ang dami pong kotse" manghang sabi niya

"Oo naman nandito kasi tayo sa parking lot" sabi ko habang tinatanggal ang seat belt niya. Nung matanggal ko ang seat belt niya lumabas na kami at nagtungo sa elavator. Pinindot ko ito at hindi pa bumubukas bigla na lang nagtanong si Dianna

"Ate ano pong meron jan sa loob?" Sabay turo niya sa elavator

"Jan tayo sasakay para makapunta tayo sa unit ko" tumango-tango lang siya

Ting.....

Biglang bumukas ang elavator. Papasok na sana ako ng bigla niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko at mukhang takot na sumakay sa elavator.

"Dianna ok lang yan. Tara" kinarga ko na lang siya para hindi siya matakot. Pagkapasok namin sa elavator binaba ko na siya,pero sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko. Medyo mataas pa naman ang floor ng unit ko sa 24th floor pa 'yun. Nasa 15th floor pa lang kami.

A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now