Chapter 31: I got you

13.8K 396 40
                                    


Louis POV

Naglalakad na ako ngayon papunta sa locker ko para kumuha ng isang libro na gagamitin namin mamaya. Nang makapunta ako sa locker nakita ko doon si Allan. Blockmate ko si Allan. Pero anong ginagawa niya sa tapat ng locker ko. Nagtago lang ako sa hindi niya makikita pero nakikita ko siya. Hindi din siya nagtagal doon at umalis na din hindi niya ako napansin dahil nagmamadali siyang umalis.

Pag-alis niya agad akong pumunta sa locker ko tinignan ko ang nilagay niya doon. Nakita ko ang sobre at binuksan ko iyon para basahin.

Dear Louis,
     Good morning reyna ko. Nag-breakfast ka na ba? Alam kong hindi dahil hindi ka naman kumakain ng breakfast. Pero diba sabi ko sayo wag kang magpapagutom. Huwag makulit reyna ko dahil nag-aalala ang hari mo. I love you wag mong papabayaan sarili mo.
                                ~Secret Admirer

Bakit niya ginagawa sakin to? Kausapin ko nga siya mamayang uwian wala naman akong gagawin sa bahay.

Kinuha ko na lang yung libro na kailangan ko at pumunta na ng room. Pagdating ko ng room agad na napukas yung atensyon ko dahil mayroong brown na sobre sa ibabaw ng lamesa ko. Agad kong kinuha yun at umupo.

Dear Louis,
    Good morning prinsesa ko. Kumain ka muna ng breakfast tignan mo yung ilalim ng lamesa mo may pagkain jaan. Ako nagluto niyan. Alam kong favorite mo yan kaya wag ka ng tumangi. Kumain ka na maaga pa naman. Eat well. Pinakain mo ba si Dianna kanina? Kung hindi pumunta naman na ako sa room niya kanina at binigyan siya ng pagkain. Kain ka na. I love you
                                 ~Secret Admirer

Paano nalaman ni Allan yung room ni Dianna? At paano niya nalaman ang favorite ko?

Kinuha ko na lang ang pagkain sa ilalalim ng mesa ko. Pagbukas ko ng baunan nag-ningning ang mata ko sa nakita ko. Favorite kong sinigang. Humigop ako at sobrang sarap. Medyo mainit pa ito at mukhang bagong luto. Alam ko kung kaninong luto ito? Pero hindi ko sigurado dahil hindi naman siya ang secret admirer ko. Hindi si Miguel.

******

"Ok class you may now take your break" sabi ni Prof. Hay salamat tapos na din break time na.

"Prof matagal na po kaming break" bulong ni Mandy sa tabi ko habang nagaayos ng gamit namin. Si Mandy actually hindi siya dito nagaaral eh sa mag-bestfriend nga kami sumunod siya dito kanina lang at pinilit pa yung principal na magkasama kami ng room.

"Alam mo bes ganito lang yan eh. Past is past never been back,pero kapag bumalik ka aba welcome back" sabi ko habang palabas na kami ng room. Pagkatapos kong sabihin yun bigla na lang kaming nagtawanan ng sobrang lakas.

"Kambal tama na ang sakit na ng tyan ko" sabi ko sakanya habang nakahawak sa tyan ko. Ang saya ko talaga kapag kasama ko to.

"Oo nga kambal ako din. Tara na puntahan na natin yung pamangkin ko. Gusto ko na yun makita" ang tinutukoy niya si Dianna.

"ATE LOUIS" sigaw ni Shian Yelena habang tumatakbo palapit samin.

"Why? Wag ka ngang tumakbo alam mo naman na may hika ka diba"

"Sorry ate. Sasama sana ako sainyo. Atsaka po pala nakita ko po ito sa table mo nung umalis kayo ni ate Mandy" sabay abot niya sakin ng puting sobre

"Kambal sino ba itong babaeng ito. Ang cute eh" sabay pisil niya sa pisngi ni Shian Yelena. Cute naman talaga siya eh mas bata kasi siya samin.

"Shian Yelena po ate" pakilala niya kay Mandy.

"Hoy tama na yan. Yung anak ko" paalala ko sakanila.

A Campus Gangster Meets Campus PrincessWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu