Chapter 35: May chance pa ba?

13.1K 345 29
                                    

Miguel POV

Nakakagago sila Daddy bakit kailangan pa akong ipakasal kay Shiela. Isang babae lang ang gusto kong pakasalan at yun ay si Louis. Pero paano na yun mangyayari ngayon? Ikakasal na ako kay Shiela next year. Put@ng ina talaga.

Nandito ako ngayon sa bar kasama ko ang X-Black. Kailangan ko ng alak ngayon. Nabibwisit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko lang ang parents ko na ipakasal ako sa babaeng hindi ko naman mahal.

"Dre tama na nga yan. Nakakarami ka na" sabi ni Janwin

"Ayoko. Magpapakalasing ako. Hindi ako titigil sa kakainom hanggat hindi kami nagkakaayos ni Louis"

"Dre tingin mo ba magagawa niyang alak yung problema niyo ni Louis" sermon sakin ni Aqualyne

"Bakit hindi mo siya kausapin?" Dagdag pa ni Hunter

"Sinubukan ko naman na kausapin siya. Pero ayaw talaga"

Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. Tinitext ko siya pero hindi siya nagrereply. Kapag nasa school naman kami sinusubukan ko din siyang kausapin pero si Shiela sunod ng sunod sakin. Kapag kaming dalawa na lang naman hindi niya ako pinapansin.

"Tara na magpahinga ka na" sabi ni Lanzar at itinayo ako. Kaya ko pa naman tumayo hindi pa ako masyadong lasing.

"Hatid na ba kita?" Taning sakin ni Janwin

"Wag na kaya ko pa"

"Sige ingat" tumango lang ako.

Naglakad ako papunta sa kotse ko ng may narinig akong humihingi ng tulong.

"T-tama na. Please t-tulong"

Pamilyar sakin yung boses. Sinundan ko kung saan nanggagaling ang boses. Nakita ko ang isang lalaki na nakapatong sa isang babae. Hindi ko makita yung itsura nung babae pati narin yung lalaki kasi nakatago yung ulo nila sa likod ng isang kotse. Lumapit ako sa lalaki at sinapak ng napakalakas.

"M-miguel"

"Louis"

"M-miguel tulungan mo ako"

"Wag ka ng umiyak"

Agad kong hinubad ang isa kong jacket para ipasuot kay Louis dahil half naked na siya. Gago tong nanggahasa sakanya. Nilapitan ko yung lalaki at lalo akong nagalit sa ng malaman ko kung sino.

"Gago ka Allan. Bakit mo to nagawa kay Louis. Akala ko ba mahal mo siya"

Sabi ko at pinagsasapak siya ng sobrang lakas.

"Miguel tama na. Tumawag ka na lang ng police"

"Ikaw na lang Louis. Eto phone ko tumawag ka ng police. Bibigyan ko lang ng leksyon tong nambastos sayo"

Inabot ko lang yung phone ko kay Louis tsaka ko ulit pinagsusuntok si Allan. Hindi na siya makabawi sakin dahil puro bugbog na siya.

"Miguel tama na yan. Ipaubaya mo na yan sa mga pulis"

Tinigilan ko na siya at ginamit ko ang panyo ko para talian ang kanyang mga kamay. Lumapit ako kay Louis na patuloy parin sa pagiyak. Niyakap ko siya pero tinulak niya lang ako.

"Andyan yung fiance mo" lalo siyang napahagugol sa sinabi niya.

Napatingin ako sa likod ko ng tawagin ako ni Shiela.

"Babe bakit ka nandito?"

Tanong niya sakin at tinignan lang si Louis tapos bumalik ulit sakin yung paningin niya.

"Babe tara na umuwi na tayo. Kailangan daw tayo sa bahay may family dinner daw" sabi niya at hinila ako palayo kay Louis.

"Walang text sakin sila Mommy sakin"

A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now