Chapter 1

12.6K 189 11
                                    

"Gusto ko ng umuwi ng Pinas Ma! Mahirap ba maintindihan ang gusto ko." Sabi ko kay Mama. Hindi sa wala akong galang o isa akong masamang anak. Nagpaalam na kase ako sa kanya at pumayag na sya dati, tapos ngayon ayaw na nya akong payagang umuwi ng Pinas. Matagal ko na sinasabi sa kanya na gusto ko magstay kasama si Lolo. "You told me before that if I finish high school I could go back, so why are you changing your mind now?"

"Meghan enough! I will not have this conversation with you. You're staying here and that's final!" Sigaw ni Mama.

"What conversation Ma? We had this conversation before and you already said yes. Please Ma let me go back to the Philippines. Let me go back." Sabi ko habang inaabot ko ang kamay nya. "Mama...please I really want to go home."

Tiningnan nya ako, yung tingin na parang susuko ba ako o hindi? Napaupo sya sa isang chair, at lumuhod ako sa harapan nya. Kinuha ko ang kamay nya at tiningnan ko si mama sa mata habang may luha na bumabagsak sa mga ito.

"Ayoko lang na pati ikaw ma-control ng Lolo mo...Meghan seryoso ka na ba dito?" Tumango lang ako, hinawakan nya ang kamay ko at tiningnan nya ako ng malungkot. "Eto ba talaga ang gusto mong mangyari? Sa lahat lahat naman na pwedeng mong puntahan na bansa, dun pa talaga sa..."

"Sa bansa kung saan ako pinanganak, at kung saan ka din pinanganak Ma. Kawawa naman si Lolo, and for sure he already felt sorry for what he did to you." Tinapos ko ang sentence ni Mama.

Ang kwento ni Mama sa akin, the reason why we left is because Lolo tried to messed with Mama's first love. Mahirap lang kase yung first love ni Mama at hindi din boto si Lolo sa kanila, kaya tinakot ni Lolo si Mama na tatanggalan ni Lolo ang trabaho ng pamilya ng first love ni Mama, at pahihirapan pa ito pag hindi hiwalayan ni Mama.

Wala naman choice si Mama kaya nakipaghiwalay sya kahit masakit sa kanya. After a few months na-engaged si mama kay Papa, mabait naman si Papa at tinanggap nya na may history si Mama.

Bago kame umalis dumalaw yung first love ni Mama, kaso si Lolo ang naabutan nya. Sinabi ni Lolo na kasal na nga daw si Mama at may anak na, na wag na daw nya gambalain pa si Mama. Pero hindi nagpaawat si first love ni Mama kaya nagtry pa din sya na makausap si Mama, hanggang sa inutusan na ni Lolo yung mga body guards nya na bugbugin si first love.

Syempre nalaman ni Mama at nagalit sya kay Lolo, which lead us to leaving the Philippines.

"Ok Meghan, I will let you go back to the Philippines, I just hope this is not a mistake." Hinaplos nya ang buhok ko. "Magmahal ka kung sino man ang pipiliin ng puso mo, wag mong hayaang ma-controll ng iba ang puso mo, naiintindihan mo Meghan?" Tumango lang ako.

"Mahal mo ba si Papa, Ma?" Ngumiti sya.

"Nung una syempre hindi, kase first time ko syang nakilala. Pero gentleman ang papa mo at minahal nya ako despite of what happen to me in the past. Mahal na mahal ko ang Papa mo." Sabi ni mama.

Bigla namang dumating si papa.

"Meg, eto na ang plane ticket mo. Natawagan ko na si Marco at yung mga anak daw nya ang susundo sayo. Their name are Al and Dan, and I see that you convinced your Mom to let you go," tumaas ang kilay ni Papa at ngumiti sya sa akin.

Tumayo ako at niyapos ko si Papa, close kame ni Papa kase daddy's girl ako, at spoiled ako since ako ang bunso at ang nagiisang babaeng anak ni Papa.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant