Chapter 5

4.2K 93 0
                                    

Pinulot ko yung libro na nabitawan ko, at maglalakad na sana palayo, ang kaso nga lang bigla ako hinawakan sa may kamay nung nabangga ko.

"Alam mo bang dapat pag nagso-sorry ka tumitingin ka sa mata ng taong hinihingan mo ng tawad." Tumingin ako sa mata nung nakahawak sa akin.

Lalake sya, at sya rin yung nakita kong lumagpas sa may window ng Greenwich. Hindi nga ako nagkakamali, ang gwapo nya nga. Kung magaartista sya siguradong marami na ang babaeng mamahalin sya. May hikaw sya sa magkabilang tenga, at ang weird lang because I find it attractive.

Nung nasa state kase ako, marami akong friends na boy na nakahikaw and when looking at them I always feel like a whatever. Yung bang parang I don't find them attractive the way I find this guy attractive.

Ang haba ng eyelashes nya at tangos din ng ilong nya, tapos namumula pa yung labi nya.

I look at him in the eyes. "I'm sorry." Tapos nun hinila ko na pabalik ang kamay ko at nagtungo na sa counter para magbayad. Nakita ko naman si Emma na may hawak na libro at nagbibilang ng pera nya. Lumapit ako sa kanya at kinuha yung librong hawak nya at isinama na sa mga babayaran ko.

Ng makalabas na kame ng bookstore, bigla akong inabutan ni Emma ng pera, hindi ko muna ito kinuha at tiningnan ko lang sya. "Bayad ko dun sa libro na binigay mo sa akin."

Itinulak ko yung kamay nya na may pera. " Libre ko na sayo yun, think of it as a gift for being my friend. Sa susunod ikaw na ang magbabayad."

Naglakad na ako patungo sa parking lot ng may biglang sumigaw sa likod ko. "Hey wait up!" Sabay kame napatingin ni Emma sa lalaking naglalakad papalapit sa amin. Sya yung guy sa bookstore, yung nakabangga ko.

"Yes?" Sabi ko in my most professional voice charot charot.

"You drop this." Inabot nya sa akin yung bracelet na bigay ni Papa nung 16th birthday ko.

Kinuha ko to sa kamay nya at tumingin sa mga mata nya. "Thank you." Aalis na sana kame ni Emma ng bigla nanaman nya hinawakan ang wrist ko.

"Yun lang?" Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya ng patanong. Ngumiti sya. "Wala bang kiss or maybe you can give me your number."

Hinila ko ang kamay ko at humakbang ako patalikod, pero nilapit nya ang muka nya sa akin. "Kiss na nga lang."

Without a second thought sinampal ko yung guy. Hindi naman sya malakas pero gumalaw yung ulo nya, which mean medyo malakas din naman ang sampal ko sa kanya.

"You..." Inirapan ko sya at tiningnan ko sya ng masama.

"If you're going to do a good deed, gawin mo dahil yun ang tama. Hindi yung mangbabastos ka dahil inabot mo sa akin ang bracelet ko. Nag thank you ako and that is enough." Tiningnan nya lang ako na para bang ngayon lang sya nakakita ng babae. "Excuse me aalis na kame."

Hinila ko papaalis si Emma, at hinila ko sya ng mabilis kase baka mamaya sundan pa kame nung manyak na yun.

Nagkukwentuhan sila Dan at Al sa loob ng car at ng makita nila kame ni Emma lumabas silang dalawa para tulungan kame sa mga gamit namin. Ako naman nabad mood dun sa lalake kanina, kaya galit na galit kong inabot ko yung mga shopping bags kay Al at dumaretso na sa likod ng car

Nakasimangot ako on the way home at napapansin ko ang mga tingin ng mga kasama ko.

Bad trip na lalaking yun, wag na wag syang magpapakita sa akin, bibigyan ko sya ng dos for dos. Bwisit na lalakeng yun.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now