Chapter 53: Sol's POV

2.8K 54 8
                                    

"Anong sabi mo Lloyd? Totoo ba yan? Baka naman sobrang lasing ka lang?" Umiling sya, at malungkot nya akong tiningnan sa mata.

"Totoo sinasabi ko pre, hindi pa ako gaano kalasing nuon pero sya medyo lasing na. Pagkatapos nyong pumasok sa kwarto nyo, lumabas uli sya. Sabi nya may nakalimutan sya sa may beach, sinamahan ko sya para hanapin kung ano man yun. Tapos nun may nangyari na sa amin sa beach mismo." Uminom sya tubig. "After...after namin gawin, nagtungo sya kaagad sa kwarto nyo. Pagkatapos nun hindi na kame nagimikan."

"Kailangan natin ipa-DNA ang bata, dun lang natin malalaman ang totoo." Tumingin sya sa akin, at dun ko nakita ang sorry sa mga mata nya.

Tumango na lang sya. "Pero paano?"

Kinagat ko ang lower lip ko. "Hindi ko alam, parang ayaw nya kaseng ipa-DNA ang bata."

"Sol..." sabi nya.

"Lloyd hindi ako galit kung yan ang iniisip mo, ang gusto ko lang mangyari ay malaman ang totoo." Sabi ko. Nag-ring ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Emma, yung babae na laging kasama ni Meghan.

Kinuha ko number nya para meron akong ka-close na close din kay Meghan.

Anyway, sinagot ko ang tawag nya.

"Hello?" Sabi ko.

"Sol? Sol si Emma to. Nag-text yung ex mong si Rica kay Meg, ngayon magkikita na sila."

"Alam mo ba kung saan?"

"Hindi nga eh, pero tawagan kita pag umuwi na si Meghan." Sabi nya sabay baba ng phone.

Panic ate my heart.

Sasabihin ni Rica ang tungkol sa anak namin.

"Pre, everything alright?" Tanong ni Lloyd.

"Nagtext daw si Rica kay Meghan. Lloyd sasabihin na ni Rica kay Meghan." Hindi sya umimik. Wala syang kahit na anong sinabi to make me feel better. I never like those words anyway.

"Hanapin natin sya Sol, ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat ng sinabi ko sayo." Tiningnan ko ang leg nya. Nginitian ko na lang sya at tumayo.

"Ako na ang magpapaliwanag, magpahinga ka na Lloyd." Tinapik ko ang braso nya.

Nagmadali akong umalis ng cafe at bumalik sa cafe na pinagkitaan namin ni Rica kanina. Nakita ko sya na may malaking ngiti sa muka nya habang kinakausap ang anak nya.

Lumapit ako sa kanya at pinigilan ko ang sarili ko na hindi sya saktan.

"Sol." Nag-blink sya at tumayo na may gulat sa muka nya.

"Anong ginawa mo? Anong sinabi mo kay Meghan?" Napa-attras sya sa tono ng boses ko. Kahit yung anak nya napatingin sa akin.

"Sinabi ko lang ang totoo." Sabi nya.

"Heh, sinabi mo rin ba sa kanya na may nangyari sa inyo ni Lloyd nung araw na nagtagaytay tayo?" Nagulat sya sa sinabi ko. Nakita ko sa muka nga ang pagkagulat at alam ko nagiisip na sya ng mga excuses. "Don't bother lying Rica. Dahil sa reaction mo pa lang alam kong alam mo na may nangyari sa inyo ni Lloyd that night at baka anak nya yang anak mo."

"Sol...I was...."

"Don't even give me that 'I was drunk' bullshit. Dahil nahuli ka na sa akto." Napaupo sya sa upuan nya at lumapit sa kanya ang bata. "Kay Lloyd mo ipakilala ang anak nya."

Nung umalis ako narinig ko ang pag iyak nya, at sakto din na nagring ang phone ko.

Emma.

"Emma." Sabi ko.

"Nandito na sya, umiwi sya na naiyak..." Hindi ko na sya pinatapos, pinatay ko ang call at dumaretso kaagad sa bahay ni Meghan. Yung word na 'naiyak' alam ko na nasaktan ko sya.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon