Chapter 27

2.9K 56 4
                                    

After maayos yung kwarto sa taas, pinasunod ako ni Sol para tingnan ito. Para lang din naman yung guest room ni Lolo. Big space, big bed, beautiful ceiling and so on.

"Ok na ba sayo to?" Tanong ni Sol na nasa may pintuan at nakasandal.

"Oo naman." Nagkatitigan muna kameng dalawa. Paalis na sana sya. "Sol." Sumilip uli sya sa may pintuan. "Maraming salamat."

Ngumiti sya at tumango. "Kung may kailangan ka tawagin mo na lang si yaya."

Tumango na lang ako at umalis na sya.

Nahiga ako sa kama na hindi pa pinapatay ang ilaw. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako, hanggang sa magising ako sa malakas na kulog. Napaupo akong bigla sa kama at tinakpan ang parehas kong tenga.

Feeling ko kase sa tuwing kukulog parang magigiba ang buong bahay. Ewan ko basta takot na takot ako sa kulog.

Ng kumulog uli napasigaw ako ng malakas at napatakbo ako sa may pinto.

"Meghan?" May kumatok sa may pintuan. "Meghan."

Binuksan ko agad-agad ang pinto at hindi na ako nagdalawang isip pa, niyapos ko si Sol at naramdaman kong parang naging statwa sya sa ginawa ko.

Kumulog uli ng malakas at mas napahigpit pa ang yakap ko kay Sol. Naramdaman ko din na parang nagrerelax na sya ng kaunti at niyakap nya din ako.

Nakapikit pa ako at naramdaman ko na lang na hinihimas nya ang buhok ko.

Ng walang pasintabi ay binuhat ako ni Sol na parang magha-honeymoon ang peg, charot.

Binuhat nya ako at inilapag sa kama, naulan at nakulog pa rin kaya mahigpit pa din ang kapit ko sa bewang nya. Akala ko iiwan na nya ako dahil tinanggal nya ang pagkakayapos ko sa kanya.

Minulat ko ang mata ko at nakita ko na naka shirtless pala sya. Pinatay nya muna ang ilaw at saka sya tumabi sa akin sa kama. Ng kumulog nanaman ng malakas, napayakap uli akong bigla kay Sol at niyakap din naman nya ako in return. Pinikit ko ang mga mata ko at hinigpitan ko lang ang yakap ko kay Sol.

"Sshhh. Para kang nanay ko." Sabi nya. "Sa tuwing may ulan at may kasamang kulog ito, pupunta sya sa kwarto ko at tatabi sya sa akin. Lagi kaseng nasa work si Dad nuong..." huminto sya na para bang pinipigilan nya ang magkwento about sa nanay nya.

"Nasaan na sya ngayon?" Huminga sya ng malalim bago sumagot.

"Matagal na syang wala." Sabi nya.

Hindi ko man nakikita yung expression nya alam kong nalulungkot sya, at namimiss nga ang nanay nya.

"Goodnight Sol." Mas lalo pa ako nag-cuddle sa tabi nya at ipinikit ko ang mga mata ko. Nakalimutan ko na nga na hindi naman kame ni Sol.

Ang huli ko lang narinig ay ang mala-anghel nyang boses na kumakanta habang unti-unti na akong nakakatulog.

(P.S: Eto po ang pinapakinggan ko habang sinusulat ko to.)

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant