Chapter 10

3.3K 65 2
                                    

"Lo? Nasaan ka na?" Tanong ko ng tinawagan ko si Lolo, na mahigit isang oras ng late.

"Apo sorry baka magpahatid ka na lang kila Dan at Al, may isa pa pala akong meeting. I will just meet you there." Sabi ni Lolo.

"Ok fine, wag ka naman magpakapagod Lolo. Ingat ka lagi. I love you." Pabilin ko.

"Ano akala mo sa akin matanda na?" Bigla syang Tumawa. "Para sayo magiingat ako, and I will take care of myself. Ok apo, I need to go now. Ingat ka sa pagpunta dun." Sabi ni Lolo sabay baba ng phone.

"Waley si Lolo mo?" Ngumuso ako pag harap ko kay Emma at umiling.

"Waley eh, pakitawagan naman sila Dan at Al please." Hinawakan nya ang balikat ko sabay alis para pumunta sa may gilid na bahay namin.

Wala pang tatlong minuto nasa harapan ko na ang car. Si Al ang nagdadrive At wala si Dan. Nasa may passenger seat na si Emma.

"Asan si Dan?" Tanong ko.

"Busy." Isang sagot lang ni Al. Hindi naman sya ang tinatanong ko.

Biglang tumingin sa akin si Emma at tumaas ang magkabila nyang kilay. Nag-shrug na lang ako at hindi na umimik pa.

Mga ilang minuto pa ay nakikita ko na ang entrance sa eskwelahan na papasukan ko. Bongga talaga at mukang pangmayaman lang talaga. May mga car din na humihinto sa may tapat ng gate, at mukang mamahalin ito.

Orientation siguro today.

"Al dito ka na lang pumarada." Kumunot ang noo nya pero sinunod nya pa rin na walang tanong. "Emma tayo na." Bumaba kame ni Emma at nagtungo kame papunta sa may gate.

"Meghan bakit dun mo pinagpark si Al?" Hinila ko sya dun sa may line papasok sa gate at napatingin ako kay Al sa may likod ko na hindi man lang ako pinapansin.

"Emma low profile ako, ayokong may makaalam na apo ako ng isa sa may ari dito." Sabi ko habang natingin-tingin ako sa unahan.

"Eh bat pati ako kasama?" Turo ni Emma sa muka nya.

Ngumiti ako sa kanya. "Kase Emma magkaklase tayo." Gulat na gulat naman na tumingin sa akin si Emma, ngumiti lang ako sa kanya at hinila na sya para maglakad.

"Eh bakit pati si Al?" Tanong uli ni Emma.

"Kase magiging scholar din sila Al at Dan dito." Sabi ko.

Tumingin ako kay Al na may sasabihin sana pero hindi na itinuloy, yun nga lang mas lalo pang sumama ang tingin nya sa akin.

Nung makarating na kame sa unahan, may security guard na nagchecheck ng bag. Ibinigay ko ang bag ko and he search it without question. Nung makarating kay Emma parang napapatanong pa sya, kase nga hindi naman mukang mamahalin yung bag ni Emma. Lumapit ako kay kuya guard.

Pati guard racist ah.

"May problema ba?" Tanong ko na may halong authority sa boses ko.

Tiningnan ako ni kuya mula ulo hanggang paa, tapos pinagmasdan nya ang muka ko na medyo naiinis na.

"Wala po ma'am." Hinalungkat nya maigi ang bag ni Emma at ng matapos ay muka ng dinaanan ng bagyo. Sa sobrang inis ko ako na mismo ang kumuha sa bag ni Emma at umalis.

"Taray mo dun ah." Sabi ni Emma.

Huminto kame sa isang bench na napapalibutan ng mga magagandang bulaklak. "Ok ka lang?" Tanong ko kay Emma.

"Oo naman, ok lang. Tungkol ba dun? Sus wala yun." Sabi ni Emma na patay malisya lang sa nangyari. "Low profile nga tayo diba? Tara na."

Papunta na sana kame sa principal's office ng biglang nagingay ang buong estudyante.

"Dumating ba si James Reid? Baka naman si Presidenf Duterte?" Sabi ni Emma at natawa naman ako ng kaunti.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now