Chapter 50: Sol's POV

2.5K 48 2
                                    

HELLO KAY Ajtalavilla THANK YOU SA COMMENT MO! NA-APPRECIATE KO TALAGA YUN NG BONGGA 😘😘😘
——————————————————

Huminto ako sa paglalakad ng makita ko si Rica na may kasamang bata. Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko ba sila.

Nagring ang phone ko at lumabas ang pangalan ni Meghan. Hindi ko pinatay pero ibinalik ko ito sa bulsa ko.

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy na ako maglakad papalapit kay Rica.

"Sol." Sabi nya. Nasa likod nya yung bata na para bang natatakot sa akin.

Pinagmasdan ko ang bata kung magkahawig ba kame, pero mas kamuka sya ng nanay nya, at someone I know. Hindi ako.

Nagring uli ang cellphone ko pero hindi ko na tiningnan kung sino, ng tumigil na ang pagring ay kinuha ko ang cellphone ko at pinatay ito.

"Sol." Sabi nya uli. Sinamaan ko sya ng tingin. Tumingin sya likod nya. "Pasok muna tayo."

"Ipapa-DNA ko ang bata." Sabi ko. Nanlaki ang mata nya, at bigla syang napahawak sa anak nya.

"You can't do that." Nag-smirk ako.

"I can and I will." Maluha-luha syang tumingin sa akin.

"Akala mo ba madali lang ang magpalake ng bata na ikaw lang mag-isa?" Alam ko mahirap. Kase dati, dahil laging busy si Dad, feeling ko si Mom lang ang magulang ko. Feeling ko nuon Wala akong ama. "Sol hindi madali, lalo na pag tatanungin nya ako kung nasaan ang tatay nya at hindi ko masabi kung ano nangyari." Pagpapatuloy nya.

Tumulo ang luha sa gilid ng mga mata nya.

"Kung anak ko man sya, then I will be a father to her." Sabi ko.

"Tala..."

Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"But that doesn't mean na pakakasalan kita. I still need to do a DNA test on her." Sabi ko.

Tumulo na ang luha nya ng sunod sunod. Tiningnan ko yung bata at sumisilip sya sa likod ng nanay nya.

Ng mukang wala ng sasabihin si Rica, tumalikod na ako at umalis na. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hinawakan ko ang ulo ko at sumandal sa pinto ng kotse ko.

Naalala ko ang cellphone ko dahil kailangan ko makausap si Lloyd. Ng mabuhay ito ay bumungad sa akin ang limang missed calls at pitong texts.

Meghan.

Binasa ko ang texts.

Meghan: Sol
Asan ka?
Ok ka lang?
Tawagan mo ako.
Puntahan kita sa inyo.
Sol please nagaalala na ako.
I'm on my way to your house.

Napapikit ako tinawagan si Lloyd.

I'm so sorry Meghan.

Nagring ng tatlong beses bago ito sagutin ni Lloyd.

"Pre." Sabi ko. My voice sounded different, even I can hear it.

"Pre may sasabihin ako sayo." Sabi nya lang. Napaupo akong ayos.

"Ano yun pre?" Tanong ko.

"Magkita tayo." Sabi nya lang.

Ibinaba nya ang tawag at ni-text nya ang address kung saan kame magkikita. Nilagay ko ito sa GPS at nagtungo na dun.

Isang cafe na malapit sa hospital ni Lloyd ako dinala ng GPS. Ng makapagpark na ay pumasok ako sa loob at nakita ko si Lloyd na nakasuot ng hoodie at nakapatong ang paa sa isang silya. Nakatingin sya sa bintana.

Lumapit ako at ng nasa may harap nya na ako ay tumingin sya at ngumiti sa akin. Pinagmasadam ko si Lloyd.

Weird...

"Pre." Bati ko.

"Pre upo ka." Sabi nya.

"Tungkol saan ba to pre?" Tanong ko.

"Tungkol kay Rica."


--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now