Chapter 40

2.7K 53 1
                                    

Ng maka-park na ako, dali-dali akong tumakbo sa entrance at nagtanong about sa mga lalake na naaksidente. Tinuro nya sa akin ang second floor, at ng makarating ako dun halos lahat ng basketball team nasa may hallway. Meron ding mga ibang babae na nanduon, napansin ko si Heather na nakaupo sa may upuan at...umiiyak?

"Meghan?" May isang lalake ang lumapit sa akin. "Ako yung tumawag sayo."

"Ano ginagawa mo dito?" Biglang tayo ni Heather. Napansin ko yung mga mata nya at yung eyelashes nya na basa. Umiyak nga sya.

"Asan si Sol? Kamusta si Sol?" Tanong ko sa kanya agad at hindi pinansin si Heather.

"You're not welcome here," malutong na sabi sa akin ni Heather pero hindi ko pa din sya pinansin At inantay kong magsalita yung lalake. Patingin-tingin sya mula sa akin tapos kay Heather.

Nabaling ang tingin ko kay Heather at sinamaan ko ang tingin sa kanya. "Back off Heather. Where are they?" Tanong ko uli sa lalake.

"Nandun sa loob ng room, he's..." hindi ko na tinapos kung ano man ang sasabihin nya at tumakbo na ako papasok ng room. Ng mapatingin sa akin si Sol, si Kris, at si Ron na nakaupo sa may tabi ng kama na may bandages sa muka at sa mga braso, napatayo silang lahat. At kitang kita mo ang pagaalala At pagod sa mga muka nila, o takot siguro yun.

Si Llyod naman nakahiga sa kama at may cast ang kaliwang binti nya. Nilapitan ako ni Sol.

"Ano ginagawa mo dito?" Sabi nya. Hinawakan ko ang kamay nya at hinila ko sya palabas ng kwarto.

Yung iniisip ko ang sama sama talaga. Paano kung mas malala pa ang nangyari sa kanila? Paano kung hindi ko man masabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman?

Ng nahila ko na sya sa may gilid, hindi ko sya inimikan at tiningnan ko lang sya, nararamdaman ko na ang luha sa mata ko. Kahit sya hindi nya alam ang gagawin, kaya napakamot na lang sya sa ulo.

"Lasing yung bumunggo sa amin, maigi na lang at nagpepay attention si Lloyd at hindi kame masyadong napaano." Narealize ko lang na hindi ko kakayanin kung mawawala sya sa piling ko. Na kung hindi ko pa masasabi na mahal ko sya baka hindi ko na talaga masabi.

Paano na lang kung may nangyari ng grabe sa kanila, edi baka na-regret ko na hindi ko man lang nasabi sa kanya ang tunay ko nararamdaman. Habang sya panay ang sabi sa akin kung ano ang nararamdaman nya sa akin, gusto ko umiyak at yakapin sya. Gusto kong kunin yung muka nya at halikan ang mapupula nyang labi. Gusto kong hawiin yung buhok nya na ngayon ay tinatakpan na ang mata nya, na mukang mas malambot pa kesa sa buhok ni Emma.

"Uy...masgsalita ka naman." Hinawakan nya at pinisil ang kamay ko.

Whatever na nga.

Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi, tumikdi ako, at hinalikan ko sya. Hindi sya gumalaw at parang gulat na gulat sya sa ginawa ko, sana nga gumalaw na sya kase nahihirapan na akong tumikdi.

Hihiwalay na sana ako ng bigla nyang hinawakan ang bewang ko yumuko ng konti. Yung isa nyang kamay hinawakan ang pisngi ko at mas lalo nya pang diniinan ang paghalik sa akin. Para akong nanlalambot, yung tuhod ko parang bibigay na, kung hindi ako hawak ni Sol sa bewang baka bumagsak na ako sa halik nya. Ang lambot lambot talaga ng labi nya, saka lasang chocolate sya.

Ng humiwalay kame sa isa't isa, sya nakangiti na parang bata, ako naman hindi makatingin sa mata nya. Hindi nya pa inaalis ang kamay nya sa may pisngi ko so parang hinimas-himas nya pa ito.

Ang lakas ng tibok ng puso ko tapos nagiinit ang muka ko ng sobra.

"Bakit hindi ka makatingin?" Hindi ko sya sinagot at tumingin lang ako sa paa ko. "Future misis ko, ibig sabihin ba nun tayo na?" Hindi ako sumagot at tumango lang ako. "Totoo?" Tanong nya ng excited.

"Oo nga ang kulit." Kunyare nainis si ako, pero ang totoo kinikilig si ako.

Aalis na sana ako para pumunta sa banyo para pakalmahin ang puso ko, kaso gusto nya ata akong patayin sa kilig. Dahil muli nyang hinawakan ang parehas kong pisngi at hinila ang muka ko papalapit sa kanya, pagkatapos ay hinalikan nya ang noo ko. Ang warm ng labi nya, promise, at super nagwawala na ang puso ko sa kilig.

"Kiss mo nga uli ako wife." Dinilaan ko sya at tumawa lang sya, pagkatapos ay niyakap nya ako at kinagat nya ang labi nya.

"Wait, wife?" Sabi ko.

"Oo wife, kase ikaw ang pakakasalan ko kahit na hindi ito inayos ng pamilya natin."

"Weh?" Sabi ko. Kinurot nya ang pisngi ko at tumawa lang sya.

Kinagat ko ang labi ko at ngumiti ako. Yumapos uli ako kay Sol, dahil kung hindi dahil kay God baka kinuha na ang future husband ko.

I fell in love with my fiancé.


--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon