Chapter 20

3.1K 61 0
                                    

"Mama kamusta na kayo ni Papa. Asan si Papa?" Tanong ko.

"Sandali lang anak, nasa study room ang Papa mo, meron lang syang tinatapos na meeting sa phone." Sabi ni Mama.

"Eh sila kuya?" Tanong ko habang nagda-dry ng buhok.

"May work ang mga kuya mo, pero matagal ka na nilang gustong kausapin. Kamusta naman ang first day mo?" Tanong ni mama. Namimiss ko yung mga kwentuhan namin ni Mama dati tuwing first day of school ko. Papasok sya sa kwarto ko tapos uupo sya sa kama ko at magkukwentuhan kame na parang magbff lang kame.

Nung nameet ko si ex online, si mama lang ang nakakaalam about sa amin. Pinagalitan nya ako pero after a few days pinaygan na nya ako, pero sa tuwing kakausapin ko nuon si ex, nasa room ko lang si Mama nakikinig sa pinauusapan namin.

Hindi nga alam ni Papa ang nangyari kase pag malaman nya, pupuntahan nya talaga sa Germany si ex para lang bugbugin. Kaso nga lang nalaman nila Kuya kaya sila Kuya na lang ang nambugbog.

Kahit ngayon hindi pa rin alam ni Papa na nagkabf na ako.

"Ma si Lo kailan mo ba kakausapin?" Tanong ko. "I think nagsisi na sya."

"Anak..." dumating si Papa sa likod ni Mama. Namimiss ko na yung mga date naming dalawa nuon, lalo na pag may hindi kame nagpagkasunduan ni Mama.

Naalala ko nuong valentines na wala akong kadate, he came home from work early and took me out on a movie date and ice cream. Tapos nung gabi naman si Mama naman ang nilabas nya para mag date. Sila kuya naman may sarili ding ka date edi ako naman natira sa bahay, but I wasn't sad. Kase nakadate ko na ang pinaka mahal kong lalake, at yun ay ang Papa ko. Tapos nung kinabukasan naman sila kuya naman ang nakadate ko.

So see hindi ko kailangan ng ibang lalake sa buhay ko, kase nandyan naman ang mga pinaka importanteng lalake sa buhay ko.

"Papa pinagdadiet ka ba ni Mama, sumesexy ka ata." Tumawa si Papa.

"Baka naman may bf ka na dyan?" Tumawa ako.

"Ed." Hinataw ni Mama yung braso ni Papa. "Iilang linggo pa lang si Meghan sa Pinas."

"Aba malay mo ba, sa ganda ng anak ko imposibleng walang manligaw sa kanya no." Mas lalo pa akong tumawa.

"Sige na kailangan ko pang pumasok, baka malate pa ako. Mamaya na lang uli pag nandyan na sila Kuya." Sabi ko.

"Magingat ka anak. Miss ka na namin." Ngumiti kame sa isat-isa. Pagkatapos ay nawala na ang call.

Bumaba ako at nakita ko si Emma at si Dan na naguusap sa may pinto.

Goodmorning!" Bati ko. "Pasensya na kausap ko sila Mama."

"Ok lang ma'am Meghan." Sabi ni Dan.

"Dan."

"Ay sorry, Meghan pala." Ngumiti lang sya.

"Ano ready na kayo?" Biglang pasok ni Al. Napatingin sya sa akin at ngumiti.

Huh? Ano meron? Bakit nya kaya ako ningitian? Kulang siguro sya sa tulog, napatingin din ako kay Emma at Dan na nagulat sa ginawa ni Al.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon