Chapter 29

2.9K 54 1
                                    

Malayo akong nakaupo kay Sol habang nakadungaw sya sa bintana ng car, at nang medyo malapit na kame pinatigil ko ang car ni Sol.

Tumingin sa akin si Sol at tumaas ang magkabila nyang kilay.

"Dito na lang ako baba." Sabi ko. "Salamat Sol!"

"Wait!" Hinawakan nya ang kamay ko. "Bakit baba ka na dito?"

"Baka kase kung ano ang isipin ng mga estudyante pag makitang magkasama tayo." Paliwanag ko.

Binitawan nya ako at ngumiti lang sya.

Ano kaya ang ibig sabihin ng ngiti na yun?

Madali akong lumabas ng car ni Sol at nagtungo kung saan lagi nagpapark si Dan. Nakita kong nagaalalang nakatayo si Emma sa tabi ng car.

Maigi na lang talaga nakuha ko yung phone ni Sol habang naliligo sya at natext ko kaagad si Emma sa nangyari sa akin kahapon, at maigi din natandaan ko ang phone number nya.

"Meghan!" Tumakbo sya papalapit sa akin. "Pwede kitang murahin? Dahil mumurahin talaga kita. Alam mo bang takot na takot ako nung pinuntuhan kita sa kwarto mo para gisingin tapos wala ka dun. Maigi na lang maaga umalis ang Lolo mo, pinabibigay nya nga pala to. Allowance mo daw." Binigay sa akin ni Emma ang isang bundat na envelop.

"Sorry talaga, naligaw kase ako kagabe tapos may mga loko-lokong tao kahapon na hinabol pa ako, maigi na lang sa may bahay nila Sol ako napunta at tinulungan nila ako." Paliwanag ko.

"Nila?" Tumngo ako habang naguumpisa na kaming maglakad patungo sa may gate ng school.

"Oo, nandun din ang mga kaibigan ni Sol." Sabi ko.

"Thank God talaga at walang masamang nangyari sayo." Pumasok kame sa may gate at tamang-tama din na dumaan ang car ni Sol na nakababa ang bintana. Tumabi kame ni Emma at napatingin sa akin si Sol, sabay kindat. Nagkatinginan kame ni Emma.

Nagpalit ako ng damit sa banyo, ng lumabas ako nakita ko si Sol na nakasandal sa may wall. Suot na nya ang kanyang chef uniform at bagay na bagay talaga sa kanya ang chef uniform. Napalunok ako habang tinitingnan sya.

Umubo ako. "Anong ginagawa mo dito?"

Nilagay nya ang kamay nya sa magkabila nyang bulsa at unti-unting lumapit sa akin. Pinagmasdan ko ang kanyang muka at nakita ko kung gaano nya ako tingnan, para bang yung tingin nya ay sinasabing. "Magiging akin tong babae na to."

Pero baka naga-assume lang ako. Maraming pa namang puso ang namamatay sa paga-assume ng maling pagibig, ang I would like to keep my heart whole, thank you very much.

Pero meron din lungkot sa mata nya. May problema kaya sya?

Ng nilabas nya ang kamay nya sa bulsa nya may hawak na syang bracelet. Tiningnan ko ang wrist ko, well wala dun ang bracelet na bigay sa akin ni Papa. Sira kaya ang bracelet ko?

Lumpit ako sa kanya para kunin yung bracelet pero nilayo nya sa akin ito, I tried to reach for it pero mas lalo nya pang nilayo. Sumimangot ako at ngumuso.

Ngumiti ako sa kanya at tiningnan nya ako ng patanong. Ngumisi ako at inapakan yung paa nya.

"Aray!" Dinilaan ko sya pagkatapos ay hinablot ko ang bracelet sa mga kamay nya. Tatakbo na sana ako kaso bigla nya akong hinawakan sa bewang at hinila papalapit sa kanya. Pinilit kong makawala pero mas lalo nya pang hinigpitan ang pagkapit sa bewang ko.

Kumunot ang noo nya habang tinititigan ako. "Let me go Sol."

"I was expecting a thank you and not some broken toes." Sabi nya.

Hinila nya ako papalapit sa kanya at nagdikit ang ilong namin. "A-anong gagawin mo?"

"You're so beautiful." Sabi nya, natulala ako at nagulat sa sinabi nya. Kahit sya nagulat din sa sinabi nya, pero kahit nagulat sya mukang totoo naman yung sinasabi nya at walang halong biro o pangaasar.

Narinig ko ang paglunok nya, nasa may dibdib nya ang kamay ko. Kinuha nya ang kamay ko at hinawakan ito, yung para bang magsasayaw kame.

"Ok ka lang?" Tanong ko sa kanya. Medyo humigpit ang paghawak nya sa kamay ko at unti-unti na din ako nagrelax sa pagyapos ni Sol sa akin. Nagulat ako sa ginawa ko dahil hinawakan ko ang pisngi nya.

Binitawan nya ang kamay ko at ang bewang ko at ipinatong nya ang ulo nya sa braso ko, dahan dahan namang tumaas ang kamay ko at hinimas himas ko ang ulo nya. Ang lambot ng buhok nya, Cream Silk kaya ang gamit nya?

"Alam mo bang ngayon ang birthday ng mama ko, pero as usuall nakalimutan nanaman ng magaling kong ama." Sabi ni Sol na may bitterness sa boses nya.

Mahirap ang mawalan ng mahal sa buhay, masakit. Nuong nawala ang Lola ko parang a nadurog ang puso ko. Sobrang sakit at sobrang hirap maka-move on.

Sa tuwing gigising ako nageexpect ako na magriring ang Skype ko at pag sinagot ko yun makikita ko ang muka ni Lola na may napaka-sweet na ngiti. Magkukwentuhan kame, magtatawanan. Paminsan magsusumbong ako sa kanya kase inaaway ako nila Kuya. Ipapatawag nya pa sila Kuya para lang pag sabihan.

Hinawakan ko ang baba nya at itinaas ang ulo nya para matingnan nya ako sa mata, may luhang bumagsak sa mga mata nya. Hindi masyadong halata pero makikita mo may tumulo na luha sa mata nya, o baka pawis yun. Mainit din kase ngayon.

Hinawakan ko ang kanyang muka and I wipe his tear with my thumb.

In that moment alam kong may something sa amin ni Sol, I still don't understand what it is that I'm feeling towards him but I know there is something amazing between us. At kung meron nga, I want to keep this thing between us as a memory. Dahil alam kong nakatali na ako sa isang lalakeng hindi ko pa nakikilala, but like I promise Mom I will love the person who my heart choose it, even if I have to disobey Lolo.

So kung kailangan kong suwayin si Lolo para lang sundin ang puso ko, gagawin ko.

But there is one question, does he feel the same way towards me?

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt