Chapter 45

2.6K 56 0
                                    

"Uh...Meg mauna na ako sa banyo." Tumango ako, at ng makaalis na si Emma tinaasan ko ng kilay si Sol, tinaasan din naman nya ako ng kilay at inabotan nya ako ng kamay para tulungang tumayo.

Ang cute cute nya talaga.

Ng makatayo, nagtitigan lang kame, nagmove ako sa may kanan tapos ay aalis na sana ako, kaso hinawakan nya ang kamay ko at hinila nya ako pabalik sa kanya.

Sa sobrang bilis ng kilos ni Sol, hindi ko na namalayan na hawak nya ang pisngi ko at hinahalikan nya na ako. Sa sobrang gulat ko nakalimutan ko na kailangan ko palang umihi. Maigi na lang hindi ako napaihi nung hinalikan nya ako.

Habang hinahalikan nya ako, binuksan nya ang mga mata nya na nakasara kanina, pagkatapos ay tiningnan nya ako sa mata.

Itinulak ko sya na hindi gaanong kalakas, at nagulat sya sa ginawa ko. Bago pa man sya magjump sa kung ano anong conclusion ay inunahan ko na sya ng paliwanag ko.

"Naiihi na ako." Napatawa sya, nagumpisa na ako maglakad papunta sa banyo pero hawak hawak nya parin ang kamay ko. Sandali nga, kanina lang hawak nya ang pisngi ko. "Sol naiihi na ako." Inis na sabi ko.

"Kiss mo muna ako." Sinamaan ko sya ng tingin. "Sige ka baka mamaya...."

Mabilis ko syang hinalikan sa pisngi, mamaya ko na dadagukan tong mokong na to sa kalokohan nya pagkatapos kong umihi. Narinig ko ang pagtawa nya sa likod ko habang tumatakbo ako papuntang CR. Ng nakaihi na ako, nakita ko na inaabangan ako ni Emma sa may lababo.

Tiningnan nya ako. "Ano?" Tanong ko.

"Wala naman, nagbablush ka kase eh." Tumingin ako sa salamin at nakita ko kung gaano kapula ang magkabila kong pisngi. Hinawakan ko ito at para akong may lagnat dahil sobrang init na din ng muka ko.

Nasa may pinto na si Emma at nakatingin lang sya sa labas ng pinto. "Emma?"

"Meg mauna na ako." Nagpunas ako ng kamay at ngumiti sya ng pagkalake lake

"Huh? Wait lang sabay na tayo." Sabi ko kaso umalis na si Emma.

Ng lumabas ako ng banyo nakita ko si Sol na nakasandal sa pader at nakapikit ang mga mata nito. Lumapit ako sa kanya at tumayo lang sa harap nya, pagkatapos ay napangiti ako sa sarili ko at niyakap sya ng mahigpit, ang liit ng waist nya, ang cute.

"Naghugas ka ba ng kamay?" Tanong nya sa akin. Humiwalay ako sa kanya pagkatapos ay sumimangot ako. Tumawa sya pagkatapos ay kinuha nya uli ang kamay ko at ibinalik sa bewang nya. "Ang cute mo talaga pag naasar."

Pinisil nya ang pisngi ko pagkatapos ay ibinaba nya ang ulo nya sa akin at hinalikan ang noo ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ako ng malalim habang pinakikiramdaman ko ang halik nya sa noo. Ang lambot lambot talaga ng labi nya, mas lalo ko pa syang niyakap ng mahigpit.

"About Rica. Gusto ko lang malaman mo na matagal ng nawala ang nararamdaman ko sa kanya, matagal ko na syang kinalimutan. Ayoko na isipin mo na may something pa sa amin ni Rica, pangalan mo nga lang ang sinisigaw nito eh." Tinuro nya yung puso nya.

"Wala naman akong tinatanong." Sabi ko.

Inayos nya yung buhok ko. "Kahit wala kang sabihin, alam kong tinatanong ng utak mo yan."

"Uyyyy ano ginagawa nyong dalawa?" May biglang nagsalita. Hihiwalay sana ako kaso hindi ako pinakawalan ni Sol. "Solomon, Solomon." Sabi ni Ron na papalapit sa amin kasama si Kris. I guess nasa hospital pa si Lloyd.

Natawa ako ng mahina. "Bakit ka natawa?" Tanong ni Sol ng seryoso.

"Wala naman...Solomon." This time medyo tumawa na ako ng malakas.

Ngumuso si Sol at kumunot ang noo. "You think my name is funny?" Tumingin ako sa kanya ng seryoso, tapos ay umiling.

"Kayo na ba?" Tanong ni Kris. Tumingin ako kay Sol pero mukang wala syang balak sagutin. Humiwalay ako kay Sol, nako naman mukang nagtatampo ang asawa ko. Ngumiti na lang ako. "Uy Sol ano, girlfriend mo na ba tong si Meghan?"

Tumingin sa akin si Sol. "Hindi." Kumunot ang noo ko. Magwowalk out na sana ako. "Kase fiance ko na sya."

"Ikaw yung fiance ni Sol? Del Rosario ka?" Tumango ako. Tumingin ako kay Sol pero mukang galit sya.

"Ron! Kris! Kailangan kayo ni coach sa gym!" May isang lalake na sumigaw. Tumango lang si Ron.

"Dyan na muna kayo lovebirds." Sabi ni Ron sabay alis nilang dalawa, at naiwan nanaman kame ni Sol.

Nagumpisa na ding maglakad si Sol at hindi man lang nagpaalam sa akin. Kaloka tong lalake na to, kung makapagtampo akala mo babae.

Medyo hinabol ko sya at ng maabutan ko sya ay hinawakan ko lang yung edge ng damit nya, hindi nya ako tiningnan kaya sumimangot ako. "Galit ka?"

Matampuhin pala si mister ko, ang cute lang. Binitawan ko yung damit nya tapos ay niyakap ko sya mula likod, hindi nya tinanggal ang kamay ko so I guess hindi sya gaano kagalit. "Mister ko wag ka na magalit, cool naman ang name mo ah. Bati na tayo mister ko."

Bigla nya ako hinarap na may ngiti sa mga labi nya. "Ano tawag mo sa akin?"

"Mister ko." Inulit ko.

"Sige na pinapatawad na kita, kung hindi ka lang cute." Kinuha nya ang kamay ko at naglakad kame patungo sa gym.


--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now