Chapter 3

4.8K 100 5
                                    

"Apo ko!" Sigaw ni lolo ng pumasok ako sa bahay nya. Tumakbo ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. "Napagod ka ba sa biyahe apo?" Umiling ako.

Pinasok ni Al at ni Dan ang mga gamit ko, tiningnan ko sila but only Dan looked at me and smiled. Nginitian ko din sya, tumingin ako kay Al na hindi man lang ako binigyan ng isang sulyap. Ano kayang problema ng lalakeng to sa akin?

"Ah Sir Diego naipasok na po namin lahat ng gamit ni ma'am Meghan," sabi ni Dan.

Hindi man sila pinansin ni Lolo. "Salamat Dan, Al." Sabi ko.

Tiningnan kame ng masama ni Al bago sya umalis, si Dan naman nginitian muna ako bago sya sumunod sa kapatid nyang walang modo.

"Nagugutom ka na siguro apo, halika sa dining." Sinundan ko si Lolo sa kusina at nagulat ako sa sobrang dami ng pagkain na nakahain. "Hindi ko kase alam ang paborito mong pag kain kaya nagpaluto na lang ako sa katulong ng kahit na anong putahe."

"Lolo talaga, paano natin to uubusin lahat. Pinapataba mo naman ako," sabi ko ng pabiro kay Lolo.

"Bakit nagdadiet ka ba? Ang payat payat mo na apo, dapat kumakain ka pa ng marami." Umupo kame sa may dining at nagumpisa ng kumain. "Yung nanay mo may balak pa bang umuwi yun."

Yung tono ni lolo na parang bang si Mama ay teenager lang, tapos gabing gabi na hindi pa nauwi.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko sa mga mata nya ang pagkaulila kay Mama.

Hinawakan ko ang kamay nya. "Someday daw sabi nila, ikakasal na kase si Kuya Axton eh kaya medyo busy pa sila."

"Mayaman ba yang pakakasalan ng kuya mo?" Binawi ko ang kamay ko.

"Lo..." Sabi ko.

"Ok ok titigil na ako." Biglang pumasok yung isang katulong namin at ibinigay ang telepono kay Lolo. "Excuse me lang apo, may kakausapin lang ako. Sya nga pala ang magiging personal na katulong mo."

Nginitian ko yung babae na mukang kasing edad ko lang.

"Hi ako nga pala si Meghan." Inabot ko ang kamay ko at hindi nya ito kinuha.

"Emma po." Sabi nya lang ng hindi nya some-shake ang handa ko, ngumiti na lang ako.

Ng matapos akong kumain ay pupunta na sana ako sa kwarto ko, ang kaso hindi ko alam kung saan nga ba ang room ko. "Emma?"

"Bakit po?" Lapit ni Emma sa akin.

"Saan ang room ko?" Tanong ko.

"Follow me po, nandun na din po ang mga gamit nyo." Tumango ako at sinundan sya sa second floor ng bahay. Tumigil sya sa isang pinto. "Eto po ang room nyo."

"Salamat Emma. Pwede kitang tawaging Emma right?" Yumuko sya at tumitig sa mga paa nya.

"Kahit ano po ok lang." Sagot naman nya.

"Emma wag mo na ako i-po, at ok lang ba kung Meghan na lang itawag mo sa akin?" Nagulat sya sa sinabi ko dahil hindi sya kaagad nakasagot sa tanong ko. Tumango na lang si Emma at umalis ng sinabi ko na gusto ko munang maligo at magpahinga.

Pagkatapos kong maligo ay nagvideo chat muna kame ni Mama at Papa, pagkatapos nun ay nakaidlip na ako.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now