Chapter 21

2.8K 63 3
                                    

Pagpasok na pagpasok ko sa may gate halos lahat ng estudyante nakatingin sa akin. Para bang may nangyari na hindi ko alam.

"Ako lang ba ang nakakapansin o lahat sila nakatingin sa atin." Halos lahat nga nakatingin sa amin.

"Tungkol to sa nangyari kahapon, sa canteen." Sabi ni Al. "At hindi sila nakatingin sa atin, nakatingin sila kay Meg."

Wow first time ko marinig ang pangalan ko sa bibig ni Al, kaya naman napatingin ako sa kanya at ngumiti lang sya ng saglit.

"Yung ginawa ko?" Tumango sya.

"Napaka-cool mo talaga kahapon Meghan, halos lahat ng nakakita alam na deserve talaga ng grupo ni Heather yung ginawa mo." Normal life lang naman ang gusto ko, bakit nagkaganito.

May naramdaman ako na parang may tumititig sa akin, tumingin-tingin ako sa paligid at napansin ko ang isang lalake na nakatitig sa akin. Para syang hindi tao, ang ganda ng muka nya. Para yung mga lalake sa anime, yung may magagandang muka. Yung mga titig nya ang lalagkit, ngumiti sya sa akin kaso biglang dumating si Sol at tinapik ang likod nung lalake. So ngayon parehas silang nakatingin sa akin, at bawat paguusap nila ay may kasamang sulyap sa direction ko

Bago sila umalis ni Sol, tumingin muna si Sol sa akin at ngumiti uli.

"Meg tayo na." Tumango ako kay Emma.

Patungo na kame sa klase ng may dalawang babae na humarang sa amin ni Emma.

"Hi!" Sabi nila ng sabay, nagkatinginan kame ni Emma. "Do you remember me?" Sabi nung babae na may mahaba ang buhok. Ng hindi ako sumagot ngumiti lang sya at ibinigay ang kamay nya. "I'm Bella and this is my friend Violet. Ako yung kumausap sayo nuong nagtanong ko kung sina sila Sol."

"Ah, yes now I remember you. I'm..."

"You're Meghan. We know, sikat ka na kaya." Tumaas ang parehas kong kilay.

"Ok." Sabi ko lang.

"What you did yesterday was very cool, halos lahat kame humanga sayo. Alam mo ba na ang tinapunan mo ng drinks kahapon ay anak ni Mayor. " Is that supposed to make me feel better?

"Saan ang klase nyo?" Tanong naman nung Violet.

"Culinary kame." Sagot ni Emma. Nagumpisa na kame maglakad at sumunod lang sila Violet at Bella.

"Meghan pwede ba kame makiupo sa inyo mamayang lunch?" Tanong ni Bella. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Oo naman, pwede." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Hmp!" Tumingin ako sa nabangga ko. Ang tigas ano ba yun pader?

Napahawak ako sa ulo ko at tumingin ako sa nakabangga ko. Tumaas ang isang kilay ko habang nakatingin lang sa kanya.

"Ano problema mo?" Tanong ko.

"Goodmorning!" Bati nya. "Ang ganda ng araw 'no?" Sabi nya sabay pasok sa loob ng classroom.

Pinanood ko syang pumasok sa classroom ng may biglang kumalabet sa akin.

"Bilib na talaga kame sayo." Sabi ni Violet. "Ikaw lang ang nakakagawa sa kanya nyan. No one ever talks to a Villanueva like that, not even Heather."


--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora