Chapter 25

2.7K 61 1
                                    

Lumabas ako ng bahay dahil gusto kong maglakad-lakad, napalayo siguro ako dahil hindi ko na marecognize ang daan. Naiwan ko pa ang cellphone ko sa bahay, tumingin-tingin ako sa paligid at hindi ko talaga maalala kung napadaan ba ako dito.

"Miss! Naliligaw ka ba?" May biglang sumigaw sa likod ko. Pagtalikod ko tatlong lalake na may hawak na ilang bote, siguro alak, na papalapit sa akin. "Miss ano name mo!?" Naglakad ako ng mabilis hanggang sa unti-unti na akong tumatakbo. Naririnig ko silang sumisipol sa likod ko at nagtatawanan na may mga halong alulong na akala mo ay aso sila.

"Makaka-score nanaman tayo, at mukang maganda pa tong mabibihag natin. Promise Miss magiging maligaya ka sa piling namin!" Sabi nila. Tumakbo ako ng mabilis at ng may nakita akong malaking bahay ahead sumigaw na ako.

Tumingin ako sa likod at malapit na nila akong maabutan. "Tulong!!! Please tulungan nyo ako!"

Hindi ko na alam kung saan ako tumatakbo, hanggang sa naramdaman ko na may yumakap sa akin.

"Tulungan nyo ako!" mangiyak-ngiyak kong sinabi kung sino man ang nakayapos sa akin. "Tulungan nyo ako please!"

"Ibigay nyo sa amin ang girlfriend ko." Hinila ako ng lalake na nakayapos sa akin, sa likod nya.

"Girlfriend?" Wait kilala ko ang boses na yun. Tiningnan ko uli ang lalakeng nakayapos sa akin kanina.

Sol.

Tumingin ako sa paligid ko at napansin ko din yung mga kaibigan ni Sol, tumingin naman ako sa bahay sa likod ko. Parang bahay lang ni Lolo to, ang laki din.

Tumingin sa akin si Sol, at ang nagawa ko lang ay umiling. Sa sobrang takot ko hindi ako makapagsalita, alam ko din na naiyak ako sa sobrang takot ko.

"Bingi ba kayo? Sabi ng kaibigan ko ibigay nyo daw ang girlfriend nya, papasayahin pa namin sya." Naginit ang ulo ko at susugudin ko na sana yung lalake at sasampalin ko na sana, kaso mas lalo pang humigpit ang kapit sa akin ni Sol. Hindi ko nga napansin na magkahawak ang kamay namin ni Sol.

Humigpit din ang kapit ko kay Sol habang masamang nakatingin sa tatlong lalake.

Tumingin sa akin yung lalake at lumapit sya sa akin, hinigpitan ko pa ang kapit ko kay Sol.

"You're not touching her." Sabi ng masama ni Sol. He sound so dangerous and...hot.

"At anong gagawin mo rich boy?" Sabi ng lalake. Napakalapit ng muka nila sa isa't isa.

Binitawan ni Sol ang kamay ko at sinapak bigla ang lalake, lahat na nagaway. Pinagtulungan ni Kris at ng isang lalakeng hindi ko alam ang pangalan, yung lalakeng may hawak ng bote. Si Lloyd naman ginulpe yung isa pang nasa tabi, at si Sol naman ginulpe yung nasa gitna. Hindi ko alam ang gagawin ko, wala pa naman ang cellphone ko.

"Oh my God! Tama na! Tulong!" Sigaw ko.

After kong sumigaw may biglang sipol na narinig sa likod ko. Tumakbo ako papalapit sa mga security guards at itinuro ko ang gulo sa tapat ng bahay nila Sol o kung kaninong bahay man yun.

Ng makarating kame ng mga security guards, tumakbo na yung mga lasenggero papalayo, pero hinabol pa rin sila ng mga security guards.

"Ok lang kayo?" Napatingin lang sila sa akin. "I'm sorry. I'm really sorry." Napayuko na lang ako.

"Maigi na lang natulungan ka namin kaagad, kung may mangyaring masama sayo magiging boring na ang buong eskwelahan." Sabi ni Lloyd na may magandang ngiti sa muka nya. Napakunot ako ng noo. "Biro lang, pasok ka muna sa loob."

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now