Chapter 52

2.5K 45 1
                                    

Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Emma pero dire-diretso lang ako sa pag akyat sa kwarto ko. Ang gulo-gulo ng nararamdaman ko, 'ni wala akong ganang makipagusap kahit kanino. Nagring ng nagring ang cellphone ko pero hindi ko ito pinapansin, tumulala lang ako sa kisame.

Ang sakit ng mata ko, pero siguro ok na din na may nararamdaman akong sakit. Dahil para naging manhid ang puso ko.

May anak na pala sya, hindi man lang nya sinasabi sa akin, feeling ko tuloy ako ang dahilan kung bakit walang ama ang bata. Kelan nya pa balak sabihin sa akin to? Pag kasal na kame?

May nag-knock sa pinto ko. Hindi ako sumagot.

"Meg?" Narinig ko ang boses ni Emma. "Meg ok ka lang?" Hindi uli ako sumagot.

"Meghan." Boses naman ni Sol ang narinig ko. Yung boses nya....

Umiyak uli ako.

"Meghan mag usap tayo." Tumayo ako mula sa kama, and I clench my fists.

Binuksan ko ang pinto at nagface to face ako kay Sol at Emma, tumutulo ang mga luha ko habang tinitingnan ko sa mata si Sol.

"Meghan..." hahawakan nya sana ako pero hindi ako nagpahawak, umiwas ako at tiningnan ko pa rin sya sa mata.

"Kelan mo balak sabihin sa akin? Bakit hindi mo sinabi sa akin nung nasa puntod tayo ng nanay mo? Bakit Sol?" Confusion, yun ang dumapo sa muka nya imbes na gulat.

"Ano..."

"May anak kayo ni Rica." Lumalakas ang boses ko. Pinunasan ko ang luha ko. "Sol!" Sumigaw na ako. "Bakit..."

Hinataw ko ang dibdib nya.

"Meghan nagkakamali ka. Ngayon ko lang din nalaman na may anak kame." Hinawakan nya ang parehas kong balikat. Kumonot ang noo ko at ang-blink ako.

"Pero sabi nya matagal mo nang alam." Sabi ko.

Umiling sya. "Tinawagan nya ako kaninang maga, sabi nya may sasabihin sya. Nagkita kame at sinabi nya sa akin kaninang maga na may anak kame." Tumingin sya sa sapatos nya. "Pero may nalaman pa ako."

"Ano yun?"

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant