Chapter 11

3.2K 69 12
                                    

Sinundan namin yung mga tiliin, at dun sa may entrance nagdumog ang mga babae. Nagkatinginan kame ni Emma at lumapit na din kame dun sa mga babae para makita kung sino yung tinitilian nila.

Nasa likod kame ng mga ilang babae na nagtatalon kaya hindi namin masyadong makita kung ano yung pinagtitilian ng mga babaeng to. Kaya nag-tiptoe kame ni Emma, pero kahit Anong gawin namin hindi namin makita yung pinagkakaguluhan ng mga babae.

"Meg may nakikita ka?" Mabilis na umikot ang ulo ko kung nasaan si Emma. Nagulat ata si Emma kase bigla akong napatingin sa kanya. "Sorry Meghan pala."

Ngumiti ako sa kanya para i-assure sya na ok lang. "Ok lang na tawagin mo akong Meg. It's just that my Dad and my Kuyas are the only one who calls me that. Pero ok lang na tawagin mo ako nun. I like it."

Ngumiti sya sa akin at mas lalo pang lumakas ang pagtitilian ng mga babae.

Tatlong lalake ang pumasok sa may front gate at parang Boys Over Flower lang peg nila. Kulang na nga lang slow motion at music sa background.

"Ang popogi nila Meg! Artista ba sila?" Excited na sabi ni Emma.

"Artista sila ng school na to, they rule this school." Sabi ng babae sa tabi namin. "Yung nasa may kaliwa si Lloyd Tomas anak sya ng isa sa mga board of director. Ganun din yung guy sa kanan, si Kris de Castro isa din sa mga anak ng nasa board of director. At yung nasa gitna ay si Sol Villanueva, ang anak ng isa sa may ari ng school na to. Kinakatakutan silang tatlo dahil sa pamilya nila, actually apat sila late siguro yung isa."

"Wait sabi mo isa sa may ari ng school na to?" Tumango yung babae.

"Oo ang Villanueva at ang del Rosario ang nagmamayari ng school na to." Napatingin ako kay Emma at ngumiti lang kame sa isat-isa.

Nagumpisa nang maglapitan ang mga babae sa kanila para yakapin sila At bigyan ng mga gifts, pero mukang masusungit at mga walang pakealam kase hindi nila pinansin yung mga babae.

"Tabi nga!" Biglang natumba si Emma sa tabi ko.

Inapaka pa nito ang bag ni Emma at nagpatuloy lang syang maglakad papalayo ng hindi man lang humihingi ng sorry. Syempre ako maldita din kaya hinabol ko yung babae at hinawakan ko yung braso nya at hinila ko sya para pigilan syang maglakad.

"My dear, nakalimutan mo ata ang manners mo sa bahay nyo. Nabangga mo yung friend ko hindi ka man lang ba magsosorry?" Hinawakan ko ng mahigpit yung braso nya.

"Ouch!" Sigaw nya.

"Meg pinagtitinginan na kayo, tama na. Okay lang ako." Paghawak ni Emma sa braso ko.

"Get your filthy hands off of me!" Ngumiti ako sa kanya. "Baka gusto mo ma expel ng hindi pa naguumpisa ang pasukan."

Binitawan ko sya na may kasamang pagtulak at nahulog sya, nagtawanan yung ibang estudyante.

"Do you know who I am!?" Sigaw nya habang tinutulungan syang tumayo ng mga kaibigan nya.

"Do I look like I care?" Sabi ko sa kanya. "I'm still waiting for that apology that you owe my friend."

May biglang humila uli sa braso ko. "Tama na, anak sya ng principal." Yun yung girl na nagkwento sa amin tungkol dun sa tatlong lalake kanina.

Tumaas ang isang kilay ko at tinitigan ko yung babae sa harap ko. "Anak ka pala ng principal sana umasta ka ng tama. Hindi yung umaasta ka na parang pamilya mo ang may ari ng school na to." Pinulot ko yung notebook nya sa sahig at inabot ko sa kanya.

Nakita kong namula sa galit yung babae. Itinaas nya yung kamay nya na parang sasampalin ako.

"What is going on here?" May biglang nagsalita sa tabi namin.

"Mom! This girl push me!" Tumingin sa akin yung principal at nanlake ang mata nya.

"Heather, I told you to behave!" Sabi ng principal. Napangiti ako.

"Mom!" Sigaw ni Heather.

"Ms. Meghan this way please." Sabi ng principal habang binigyan nya ng masamang tingin si Heather.

"Not until your daughter apologize to my friend." I said.

"Heather!" Sabi naman ng principal. Lumapit ang principal kay Heather at may binulong ito.

Masamang tumingin si Heather sa akin at kay Emma. "Sorry." Sabi nya na mukang napipilitan ito.

Bago ko pa sundan yung principal, nginitian ko muna si Heather para mas lalo pa syang maasar, tiningnan nya ako ng masama.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now