Chapter 36

2.7K 51 1
                                    

Papasok pa lang ako sa gate ng school ng bigla akong hinarangan nila Heather na nakacross ang parehas na braso nya sa may medyo malaki nyang dibdib.

"Totoo ba?" Tinaasan ko sya ng kilay at nilagpasan ko sya. "Hey I'm talking to you." Hinawakan nya ang braso ko at sinamaan ko sya ng tingin. "Kayo na ba ni Sol?"

Ngumiti ako. "It's none of your business."

"Oo o hindi lang ang sagot Meghan." Tiningnan ko sila Emma at sila Al na inaantay din ang sagot ko.

"I really dont have to answer that do I?" Ngumiti ako.

Lumapit sa akin si Heather at sinamaan nya ang tingin nya sa akin. "Engage na sya sa iba, kaya kung ano man ang fantasy na tumatakbo sa utak mo na may pag asa pa kayo ni Sol, you are being a fool." Tumawa ako.

Its amusing how people are always into someone else's business. I wonder what would their reaction if they find out that I am his fiance.

Tinitigan ko sya ng maigi. "You're in love with Sol. Pero tulad nga ng sabi mo, engage na sya, so hindi na kayo pwede."

"Hindi na importante kung in love ako sa kanya o hindi, at least hindi ko tinatry na landiin sya. And beside meron syang first love, and I heard bumalik na sya ng pinas." Ngumiti lang ako sa kanya.

"Anong meron?" Lahat kame nagtinginan sa nagsalita. Nagmeet ang mga mata namin ni Sol at parang may kuryente na dumaan in between ng amin pagtitigan. Lumakas ang tibok ng puso ko.

"Nothing." Sagot ko. Aalis na sana ako kaso biglang nagsalita si Heather, seriously lalagyan ko ng tape ang bunganga ng babae na to.

"Sol kayo na ba nitong ni Meghan?" Sinamaan ko ng tingin si Heather pagkatapos ay lumipat ang tingin ko kay Sol na nakangiti. Muka syang bata pag ngumingiti.

"No." Sagot lang ni Sol. Lahat sila nakafocus lang sa kanya, inaantay ang sagot na lalabas sa mga mapupula nyang labi. Nakita ko ang ngiti ni Heather na akala mo nanalo na sya. "No. Kase hindi nya pa ako sinasagot."

Tumalon ang puso ko at bumalik nanaman yung mga paro-paro sa tiyan ko. Tumitig ako sa mga mata nya, lumapit sya sa akin at kinuha ang kamay ko. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko.

"Will you be my girlfriend?" Napalunok ako sa tanong nya. Nakangiti pa din sya at ngumiti din ako. Alam ko na ginagawa ng lalakeng to, ano akala nya porket madaming tao hindi ko sya tatanggihan.

"Paghirapan mo muna." Sabi ko sabay bawi ng kamay ko. "Emma tara na malelate na tayo." Umalis ako at narinig ko syang tumawa. Narinig ko rin ang mga bulong bulong ng mga estudyante sa paligid ko, but I chose to ignore it dahil wala naman akong pake kung ano man ang isipin nila sa akin. One thing you'll learn when you lived in the state is that you dont give a damn about what people may think of you.

Naupo ako sa usual table ko at hindi ko mapigilang tumingin tingin sa mga napasok sa pintuan, yung para bang inaantay mo si crush na pumasok. Ganon yung nafefeel ko habang inaantay kong pumasok si Sol.

Ng makita ko yung likod nya at kinakausap si Llyod, dali-dali akong humarap sa unahan. Pinagpapawisan na nga ang mga palad ko at mas lalo pang nagwawala ang puso ko.

"Pinapahirapan mo ba ako my future wife?" Bulong nya. Ngumisi ako at hinarap ko sya, nawala ang ngisi ko ng mapansin ko na super lapit na pala ng muka naming dalawa. Parang kaunting kibo na lang lalapat na ang labi namin sa isat isa. Ngumiti sya. "Busy ka sa sabado?"

Umiling ako dahil parang naparalyze ang dila ko.

"Good, sunduin kita ng 5 pm." Lumayo sya and I stop the urge to pull him close again.

Kahit gusto ko ng sabihin sa kanya na mahal ko sya, kahit gusto ko ng angkinin sya. I am still a Filipina and a girl, and a girl likes to be court.


--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now