Chapter 4

4.4K 100 8
                                    

Nagising ako dahil may kumakatok sa pintuan ko, bumangon ako at binuksan ito habang humihikab.

"Ay sorry po ma'am, hindi ko po alam na natutulog pa pala kayo." Iniwan ko ang pintuan kong bukas at pumasok si Emma. "Wala po ang Lolo nyo ngayon, may kailangan daw po syang asikasuhin sa office. Kung gusto nyo daw po pumuntang mall or kung saan man, tawagan nyo lang daw po si Dan at si Al."

"Emma diba sabi ko sayo wag mo na ako i-po, saka mukang magkasingedad lang naman tayo, just call me Meghan ok?" Nagtungo ako sa banyo para magbihis.

"Pero ma'am baka po mapagalitan ako eh," sabi nya.

"Then just call me Meghan pag tayo lang dalawa," ngumiti ako sa kanya habang inaayos ko yung t-shirt ko. "Emma magbihis ka."

"Bakit?" Tanong nya habang pinupulot nya yung mga tinapon kong damit na galing sa maleta ko, burara din kase ako saka makalat, kaya paminsan napapagalitan ako ni Mama.

"Samahan mo ako magmall, dun na din tayo kakain since wala naman si Lolo para sabayan ako," nung hindi pa sya kumilos, tiningnan ko sya at nakita ko sa mata nya ang excitement. Napangiti naman ako habang naglalagay ng kaunting lipstick.

"Sigurado ka ba Meghan?" Hindi ko sya tiningnan at tumngo na lang ako. "Tawagan ko na din sila Al at Dan." Tumango na lang uli ako at narinig ko na lang ang mga hakbang ng paa nya pababa sa hagdan.

Ng bumaba ako mula sa kwarto, nagaabang na si Emma sa may pinto. Her outfits are simple, pants and a shirt with a hoodie in her hand. Muka syang excited, actually muka syang bata na ngayon pa lang aalis ng bahay.

"Nandyan na ba sila?" Tanong ko. Tumingin sa akin si Emma at ngumiti ito, tapos tumango na lang sya.

Nang makarating kame sa mall nagtungo muna kame sa kainan at kumain muna, syempre hindi masaya si Al pero napilit na din sya ng kapatid nya. Hindi ko nga alam kung saan nanggagaling ang galit ni Al sa akin. First time pa lang naman kame nagkakilala.

Anyway kumain kame sa Greenwich at nagkukwentuhan kame ng may biglang napadaan na lalake sa may window. Naka-cap sya and the weird thing is parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Parang nagmeet na kame pero hindi ko matandaan kung saan.

Just by looking at the side of his face I know that he has a killer look, which make every girls swoon over him. "Sino ang tinitingnan mo?" Bigla akong napatingin kay Dan.

"Huh? Wala, akala ko lang may nakita akong kakilala ko." Sabi ko. Bigla ako napatingin kay Al na nakatitig sa akin. Kung pagmamasdan ng maigi si Al, pogi sya, saka charming ang mga mata nya. Kaso nga lang ang sama ng tingin nya sa akin na para bang may nagawa akong kasalanan. Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad lakad muna kame sa may mall. Si Dan at si Al naman nagtungo na sa car, habang kame ni Emma ay nagtitingin sa book store.

Binabasa ko ang nasa likod ng libro habang naglalakad, kaya hindi ko napansin yung tao sa harapan ko na nakatayo lang at nagtitingin din ng libro. Bumangga ang ulo ko sa likod nya At nabitawan ko yung libro at nagsorry ako sa taong nabangga ko. Hindi ko na tiningnan ang muka ng lalake at dumaretso na ako para magbayad.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora