Chapter 14

3.4K 68 2
                                    

Nakahiga ako sa kama ng biglang tumunog ang cellphone ko, ng tiningnan ko ito ay isang notification from fb ang lumabas.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung ano ang nakalagay sa notif ko.

Sol Villanueva sent you a friend request.

Sh*t! Pano nya nahanap ang Facebook ko? Baka pina-hack nya? Pero bakit nya ako inadd, hindi naman kame close.

Inignore ko yung request ni Sol, bahala sya hindi naman kame close bakit ko sya ia-add baka mamaya malasin pa ako.

I put my phone away at nanatili lang ako na nakahiga sa kama, nakatulala lang sa kisame ng biglang mag beep nanaman ang cellphone ko. Hindi ko na sana papansinin kaso nag beep nanaman hanggang sa magbeep nanaman.

"Ughhh!!!" Kinuha ko ang cellphone ko sa may gilid ng kama, at laking gulat ko ng meron akong five messages from Sol. Kumunot ang noo ko, lasing lang siguro to sabi ko sa sarili ko. Ibinalik ko ang cellphone sa may side table at nahiga uli ako, pero this time parang inaabangan kong mag beep yung phone.

Hindi sya nag beep ng mga ilang minuto kaya medyo narelax na ako, kaya naman naisipan kong maghilamus muna. Ng kukunin ko na yung tuwalya at palabas na sana ako ng banyo, bigla nanamang nag beep ang phone ko. Lumapit ako ng mabalis sa may side table at kinuha ang cellphone ko.

I unlock my phone and went to my messenger.

Sol Villanueva:
Hey
Hey
Hey
Hey
Hey
I know you're getting my messeges.
Meghan
Meg?
DELETE    REPLY

Nakahang lang sa taas ng delete ang daliri ko. Bakit nga ba hindi ko magawang idelete to. Siguro naku-curious lang ako sa kung bakit nya ako kinukulit. Pero kase yung mga ganto sakit lang ng ulo ang ibibigay, pero bahala na si batman.

Pinindot ko ang reply at tinitigan lang ito kase hindi ko alam kung gusto ko bang makipagusap sa surot na to, or siguro hindi ko lang alam ang sasabihin ko sa kanya.

SOL: Finally, hello Meg :)

ME: Pwede ba wag kang mangulit, kung gusto mong gumanti dahil pinahiya kita sa mga estudyante kanina, pwes hindi kita uurungan.

SOL: Grabe ka naman sa akin, gentleman kaya ako. Saka gusto ko lang magsorry dun sa mga inasal ko sayo nung una tayong nagkita at kanina.

ME: Weh? Ikaw gentleman? Sino niloko mo ako? Saka pwede ba wag mo akong tawaging Meg, hindi naman tayo close.

SOL: Totoo nga, gentleman ako. Medyo bad mood lang ako nung nagkita tayo. Ang cute mo pala 'no. Magiging close din tayo bakit hindi pa kita tawaging Meg in advance.

ME: Hahahahaha!!! Matagal na akong cute. Never tayong magiging close Villanueva. So please cancel your friend request and stop bothering me. Bye.

Hindi ko na inantay ang sagot ni Sol at pinatay ko na ang phone ko. Nagtungo na ako sa bathroom para magsipilyo, pagkatapos ay nagpalit na ako ng pantulog at nahiga na uli sa kama. Hindi muna ako nakatulog at natulala muna uli ako sa kisame.

"Two hearts that are destined to be together, will always find their way to each other."

Bakit ba parang tinatamaan ako sa quote na to, wala naman akong naging kasintahan mula bata, well except for ex na nasa Europe. Pero matagal na kaming tapos nun. So bakit feeling ko may ka meant to be ako dito sa Pinas, I mean sa dami ng tao na naninirahan dito, pano ko naman malalaman kung ang lalaking makikilala ko in the future is the one for me. Maybe my soul mate is here, kaya feeling ko may something dito sa Pinas.

Nasisiraan na siguro ako ng bait, kung ano-ano na ang iniisip ko.

Ang hirap din kaseng diktahan si tadhana, gusto nya sya talaga ang gagawa ng paraan para mameet ko ang the one ko. Kung sino man sya sana alagaan nya ng buo ang puso ko, kase ako yung babaeng ibibigay ko ang buong puso ko kahit masaktan pa ako ng sobra sa huli pag magka-gaguhan na.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now