Chapter 41: Sol's POV

2.7K 48 1
                                    

Napakalambot ng labi nya at napakasweet nyang humalik, halos lahat ng sakit sa katawan ko nawala.

Nung una hindi ko alam ang gagawin ko, first time ko kaya mahalikan ng babae, usually kase ako ang dumadamoves, kaso iba rin tong wife ko.

Kung sira ang ulo ko, siguro magpapasalamat ako dun sa lasenggo na nakabunggo sa amin, dahil kung hindi dahil sa kanya baka hindi ko nalaman na mahal na pala ako ng wife ko.

Pero syempre bigyan ko muna si kuya lasenggo ng mano mano, dahil kung hindi din dahil sa kanya edi sana hindi nagkaganon si Lloyd. At wala kaming mga galos sa mga katawan namin.

Thank God talaga, dahil hindi Nya kame pinabayaan.

Tumingin ako sa napakaganda kong driver na ngayon ay focus na focus sa pagmamaneho. Ganda nya talaga, inlove talaga ako sa kanya.

"Alam mo ba kung saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya, kase namiss na nya yung dapat na iexit namin para makauwi.

Kinagat nya ang labi nya at madali syang sumulyap sa akin. "No."

Natawa ako sa kanya at nag-udjust ako ng cap ko.

"Tumabi ka dun." Tinuro ko yung isang parking space ng isang tindahan. Sinunod naman nya at nagpark sya dun. Tinanggal ko ang seatbelt ko at bumaba ako para lumipat sa driver's side. Binuksan ko ang door ni Meghan. "Baba."

Napakunot ang noo nya. "Bakit?"

"As much as I love you my wife, kung ikaw ang magmamaneho maliligaw lang tayo." Ngumoso sya.

Ang cute cute nya.

Dahil sa ngumuso sya at nacute-tan ako sa kanya, binigyan ko sya ng isang peck sa lips. Mabilis lang naman kase, hindi pa din kase ako makamove on nung hinalikan nya ako.

Nagblush sya at namula sya, dahan dahan sya lumipat sa passenger seat at umupo ako sa driver's seat na may malaking ngiti sa mga labi ko. Nang nagstart na ako magdrive, kinuha ko yung isang kamay nya at hinawakan ito habang nagmamaneho ako na gamit ang isang kamay ko. Pinilit nyang bawiin ang kamay nya pero hinawakan ko lang ng mahigpit.

Ang lambot ng kamay at ang liit din.

"Sol." Sabi nya.

"Hmm?"

"Ok ka lang talaga? Wala na bang masakit sayo?" Tiningnan ko sya ng mabilis at nakita ko kung gaano sya nagaalala sa akin. Ngumiti ako para iassure sya na ok na ok lang ako, at hindi na nya kailangan pang magalala.

Nilapit ko ang kamay nya sa bibig ko at hinalikan ito. "Ok lang ako Meghan, wag kang magalala."

Ng makarating kame sa bahay ko, nagulat ako na buhay lahat ang ilaw ng bahay namin. Napatingin ako kay Meghan at kumunot ang noo ko.

"May bisita kayo?" Tanong ni Meghan.

"Hindi ko alam."

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now