Chapter 44

2.6K 54 4
                                    

Nagmadali akong maligo, magbihis, at magayos dahil sobrang late na akong nagising.

"Meg!" Sigaw ni Emma sa may labas ng pintuan ko. Ng binuksan ko ito ay muntikan ko na syang mabungo. "Late na late na tayo, pinauna ko na nga sila Al at Dan kase baka mapagalitan sila, lalo na at scholar lang sila." Tumango na lang ako.

Tapos tumingin ako sa kanya. "Eh diba scholar ka din."

"Hehehe nandyan ka naman." Sabi nya lang.

Kinuha ko yung susi sa may coffee table. "Tara na ako na ang magmamaneho."

Nagmaneho ako papunta sa school, with the help of Emma kase medyo tanga pa ako sa mga pasikot-sikot sa lugar. Ng makarating kame sa school ay halos lahat ng estudyante ay nasa labas ng klase nila. Nagkatinginan kame ni Emma.

Lumapit kame kay manong guard. "Kuya ano meron?" Tanong ko.

"Late na kayo ah," nagkatinginan uli kame ni Emma.

"Sports day, tapos mamayang gabi bonfire daw." Pinapasok kame ni kuya guard.

Nakita namin sila Al at Dan na naglalaro ng basketball, dumaretso muna kame sa classroom para tingnan kung may kailangan ba kameng gawin. Ng pumasok kame sa classroom ay iilan lang ang nandun at halos busy sila sa paghahanda ng kung Anong putahe ang ipinaluluto ng chef namin.

"Emma, Meghan bakit kayo late?" Sasagot na sana ako kaso bigla nyang sinabi, "never mind. Tumulong kayo para sa mga pagkain to mamayang gabi para sa bonfire. Bilis na at nagmamadali tayo."

Binaba namin ang bag namin ni Emma at tumulong sa pagtuhog ng mga marshmallows at hotdogs. Ang dami nga naming gagwin kase ang dami namin sa school, nagugutom na nga ako parang gusto kong kumain ng isang marshmallow. Napalunok ako habang tinititigan ko yung marshmallow.

"Patapos na ba kayo?" Tanong ni chef.

"Malapit na po." Sabi nung isa naming classmate.

"Ok tapusin nyo na ang pag tuhog, and then you may go eat lunch ang join some activities outside. Tapos sa gabi kailangan ko uli ang tulong nyo para ilabas tong mga food para sa bonfire, ok? This will be an extra credit for all of you." Sabi ni chef.

"Ok po chef." Sagot namin.

Ng matapos kame sa pagtuhog ay nagtungo naman kame sa cafeteria para kumain. "Gutom na ako Emma." Sabi ko habang himas himas ko ang tiyan ko.

"Malapit na tayo sa cafeteria." Sabi nya.

"Meghan! Emma!" May tumawag sa likod namin. Ng lumingon kame nakita namin si Bella at Violet na tumatakbo papalapit sa amin. "Na late ba kayo? Wala kase kayo sa opening ceremony kanina."

"Oo nalate nga kame." Sabi ni Emma.

"Nagugutom na kame, ano bang makakain sa cafeteria?" Tanong ko kay Bella at Violet.

"May chicken sandwich dun, yung ang pinaka mabenta sa mga estudyante lalo na sa mga nalelate." Sagot naman ni Bella. Pumasok kame nila Bella sa cafetaria at nagorder ng drinks at apat na chicken sandwich.

"Maigi na lang kakaunti pa lang ang tao, mamaya nyang kumpol kumpol na ang mga estudyante, tapos pag mahuli ka pa saging na lang ang maabutan mo." Sabi naman ni Violet sabay kagat sa sandwich nya. Bigla namang pasok ni Al at Dan na pawis na pawis.

"Al! Dan!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Bella. Tumingin sa amin sila Al tapos ay napatingin naman ako kay Bella na tinititigan si Al. Lumapit sa amin yung magkapatid. "Al dito ka umupo sa tabi ko." Sabi ni Bella.

Nagkatinginan kame ni Emma, tapos ay napataas ang kilay ko.

Ng matapos akong kumain tumayo ako at tinapon ang mga basura ko, tapos ay tumingin ako kay Emma. "Tapos ka na? Samahan mo ako sa banyo." Binaba ni Emma yung drink nya at tumayo sya sa kinauupuan nya.

Nagtungo kame ni Emma sa banyo habang nagkukwentuhan, nakatingin kase ako sa kanya habang nakikinig ako sa sinasabi nya, kaya hindi ko namalayan na may nabunggo na pala ako.

Hindi ko muna tiningnan kung sino o ano yung nabunggo ko, pero tumama yung noo ko at ang sakit nya bes. Ang weird lang parang basa yung nabunguan ko, saka mabango.

Ng tumingin na ako dun sa nabunggo ko biglang nanlaki ang mata ko. Nakakagat labi si Sol habang nagpupunas ng pawis at nakatingin lang sa akin.


--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now