Chapter 46

2.7K 56 0
                                    

Malapit nang dumilim kaya naman pinatawag kame ni chef para kunin yung mga food para sa bon fire, dahil nga part din naman si Sol ng culinary class kaya kinaladkad ko sya at pinilit kong tumulong sa pagbubuhat ng mga pagkain. Habang naglalakad kame patungo sa bon fire, ay medyo nauna sya sa akin, at kitang kita mo talaga yung mga muscle sa likod nya. Napangiti na lang ako sa sarili ko at sinundan sya.

Ng mailapag na ni Sol yung last batch ng food, ay lumpait sya sa akin at kinuha yung mga pagkain na bitbit ko. Hindi na ako nagreklamo dahil sobrang bigat naman talaga, napahawak tuloy ako sa braso at bewang ko dahil bigla itong nanakit.

"Sol." Tumingin sya sa akin, pagkatapos ay ipinasa nya sa akin ang isang kabubukas na tubig. "Gusto daw makausap ni Emma si Kris, sa tingin mo papayag si Kris?"

Umupo sya sa tabi ko at hinawi yung buhok ko sa may bibig ko. "I don't really know, it depends I guess. Why?"

"Sabi kase ni Emma sa akin gusto nyang pasalamatan si Kris in person, kase niligtas nya si Emma nung nagbar kame ng isang beses." Tumango-tango lang sya.

"I'll talk to him." Tumango rin ako.

"Pre!" Biglang dating ni Ron. "Hulaan mo kung sino ang nakita ko."

"Sino?" Tanong ni Sol.

"Ano ba yan, hulaan nga. K.J. mo talaga kahit kailan." Sabi ni Ron.

"Sino nga?" Inulit ni Sol ang tanong.

Huminga ng malalim si Ron at nagroll sya ng eyes nya, hindi nga lang napansin ni Sol kase busy sya sa pagcecellphone. Wait cellphone ko yung hawak ni Sol ah! Paano nya nakuha yun, eh nasa kamay ko lang yun kanina?

"Si Rica pre, kasama sila Heather." Nagstop si Sol sa pag scroll sa phone ko at napatingin sya sa akin. Nginitian ko naman sya para i-assure na ok lang sa akin, bakit ako magpapakita ng emosyon dahil lang nandyan ex nya. Past sya ako ang present at future, so I dont really mind.

"Bakit nga ba nagbabalik ang babae na yan?" Tanong ni Ron.

"Meg nakita mo ba sila Al at Dan?" Sabay lapit ni Emma sa akin.

"Hindi bakit?" Nagtingin-tingin si Emma.

"Wala naman may itatanong lang sana ako." Sabi nya.

"Hi." Sabi ni Ron kay Emma, ngumiti naman si Emma kay Ron.

"Hi." Bati ni Emma.

"Ron nga pala." Nag-offer ng hand si Ron kay Emma. Kinuha naman ni Emma at nagshake hand silang dalawa.

"Emma nga pala." Napatingin ako kay Sol at ngumiti.

"Pre si Rica papunta dito." Biglang namang dumating si Kris. Tiningnan ko si Emma at pinanood kung ano ang magiging reaction nya, as expected nagulat sya at ninenerbyos.

Hinawakan ko ang kamay ni Sol. "Kausapin ko lang si Emma." Tumango lang sya at ngumiti sa akin.

Kinuha ko ang kamay ni Emma at hinila sya papalayo sa group nila Sol. "Ano titigan mo lang?" Tanong ko sa kanya.

"Nahihiya ako, baka kase galit sya sa akin dahil bigla bigla na lang ako umalis after nya ako iligtas." Hinawakan ko ang balikat nya.

"Paano mo malalaman kung galit sya sayo kung hindi mo man lang kakausapin. Ayan na nga ang chance mo na magthank you and maybe it could grow into something more special." Nagtaas baba ako ng kilay.

"Bilisan mo, nagkita na uli sila Rica at Sol." Sabi ng dalawang babae na nanakbo papunta sa direksyon kung nasaan sila Sol. Nagkatinginan kame ni Emma at ng walang imik ay nagtungo na din kame pabalik.

Huminto ako sa may mga crowd kase napapalibutan na sila dahil sa eksena na nangyayari kay Sol at Rica. Dederetso na sana si Emma pero narealize nya wala ako sa tabi nya, kaya hinanap nya ako. Ng makita nya ako sa crowd lumapit sya sa akin na nakakunot ang noo.

"Anong ginagawa mo? Hindi mo lang ba lalapitan si Sol at ipakita sa babaeng yung na ikaw ang fiance ni Sol Villanueva." Umiling ako at kalma ko lang pinanood si Rica at Sol na mukang naguusap na. Napansin ko din si Heather na nakangiti habang nakikinig sa pinaguusapan nila Sol, pagkatapos ay tumingin-tingin sya sa paligid at ng makita nya ako ay binigyan nya ako ng isang ngiti na ang meaning ay "Ano ka ngayon bitch?"

Ibinalik ko sa kanya ang ngiti nya at kalma ko pa din pinanood sila Sol.

"Meg." Sabi ni Emma.

"Wait lang, I want to see what happen." Sabi ko lang.

Pinagmasdan ko ang ekpresyon ni Rica na mukang nagmamakaawa at si Sol naman na mukang walang pakealam. Lalapit na sana ako ng may biglang ginawang kagagahan si Rica.

Hinalikan nya si Sol.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now