Chapter 47

2.6K 57 5
                                    

Lahat ng tao nagulat pati ako, pero hindi ko ipinakita ang pagkagulat ko o ang galit at inis na nararamdaman ko sa loob ko. Instead, I slowly walk towards them at bago pa ako makadating dun ay tinulak ni Sol si Rica ng malakas kaya natumba si Rica. Tinulungan naman sya ng mga friend nya at ng nakalapit na ako tiningnan ko si Rica, pagkatapos si Sol na mukang makakapatay na.

"The fuck did you do that for!?" Sigaw ni Sol at panay ang pagpunas nya sa bibig nya.

Lumapit ako kay Sol at tumayo ako sa harapan nya, para lang hindi nya masakal si Rica.

"Sol I still love you, please come back to me." Pagmamakaawa ni Rica. Tiningnan ko si Rica na ngayon ay umiiyak na at nakaluhod sa lupa. Ewan ko ba kung sadyang desperado na tong si Rica o talagang mahal nya pa rin si Sol.

Nakakaawa syang tingnan but at the same time naiinis ako sa kanya, halikan ba naman ang fiance ko sa harapan ko at harapan ng maraming tao. Lumapit ako sa kanya, tapos ay tumingin ako sa paligid ko, nakalabas ang mga cellphone nila, at for sure nagvivideo sila.

Akala naman ng mga to sasampalin ko si Rica...well maybe later.

Hinawakan ko ang magkabila nyang braso at tinulungan syang tumayo, tiningnan nya ako na para bang hindi nya alam kung ano ang nangyari.

Nagkatitigan kame ni Rica at nakita ko sa mga mata nya na ayaw nya sa akin, na kinamumuhian nya ako dahil ako ang wall sa chance nyang makuha si Sol uli.

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw nya.

Medyo lasing ata si Rica dahil naamoy ko ang alak sa kanya, kaya hinayaan ko na lang na sigawan nya ako.

"Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit hindi bumabalik sa akin si Sol! He was mine first!" Tinaasan ko sya ng kilay.

"He was never yours to begin with. Alam mo nung una pa lang engage na sya sa iba, he was just unlucky na napaniwala mo sya na mahal mo nga sya, ang kaso mas minahal mo ang pera nya. Hindi ba? Hindi ba ginamit mo lang sya dahil sa pera nya? Pero nung nalaman mo na itinakwil sya at wala na syang pera, ano ginawa mo? Hindi ba iniwan mo sya sa ere?" Sabi ko. Pinanood ko ang expression sa muka ni Rica.

Kung paano ko to nalaman...well I have my source.

Tumawa sya ng malakas. "Akala mo ba magkaiba tayo? Alam mo pa lang engage sya sa iba, so bakit mo pa rin itinuloy ang ilusyon mo? Pag tinakwil uli sya, iiwan mo din sya. Hindi tayo nagkakaiba, dahil alam ko ang habol mo lang din sa kanya ay pera!" Sinigaw nya yung huli nyang sinabi.

Ngumiti lang ako. "Dyan ka nagkakamali, dahil ibang-iba ako sayo. Pero maigi na lang din at inamin mo na muka kang pera, at hindi mo talaga minahal si Sol nuon, dahil pera lang ang habol mo sa kanya. Ngayon Rica, bakit ka humahabol kay Sol? Dahil ba kailangan mo uli ng pera?"

"You..." dinuro nya ako. Kitang kita mo sa muka nya ang pagkagalit, yung mga litid nya parang puputok na. "Akala mo ba ikaw ang pakakasalan ni Sol? Engage na sya sa isang Del Rosario, isa sa nagmamayari ng school na to. Ano panglaban mo? Eh balita ko scholar ka lang naman daw. Mawawal din sya sayo, parang nung nawala sya sa akin."

"I know he's engage...to me."

"What?" Sabi nya na nakakunot ang noo nya.

"Oh that's right, I've never told any of you my real name. My full name." Ibinigay ko ang kamay ko sa kanya para mag shake hands. "My name is Meghan Del Rosario Mijares."

"I don't believe this." Sabi nya na. Nakita ko din ang pag kagulat sa muka nila Heather, tapos ay ang-iba at napalitan ng takot. Aalis na sana ako. "One more thing." Lumapit ako sa kanya na may ngiti ang mga labi ko, pagkatapos ay sinampal ko sya ng malakas. "That's for kissing my boyfriend/fiance. Sa susunod na ulitin mo yan, baka mawalan ka ng labi. Wanna try?" Hamon ko sa kanya habang hawak hawak nya ang pisngi nya.

Sumakit palad ko dun, kumikirot tuloy.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Where stories live. Discover now