Chapter 51

2.5K 45 0
                                    

"Meghan ano, sumagot na ba?" Tanong ni Emma na katabi ko sa kotse habang nagaabang kay Sol sa bahay nya.

Umiling lang ako.

Ang panget ng nararamdaman ko. Para bang may hindi magandang mangyayari. Umiling ako at ni-start ko na ang kotse.

"Hindi mo na sya aantayin?" Ngumiti lang ako at hindi na sya sinagot.

Nagring ang phone ko at bumungad sa akin ay tanging numbers lang. kumunot ang noo ko at sinagot ito.

"Hello?" Sabi ko.

"Meghan? Si Rica to." Napalunok ako. Ng hindi ako umimik nag-continue sya. "Pwede ba tayo magkita?"

"Sige, saan mo gusto?" Tanong ko. Bakit parang nafefeel ko na hindi ito maganda.

"I-text ko na lang sayo ang address, wag mo sasabihin kay Sol." Napakunot ako ng noo.

"Bakit?" Tanong ko.

"Basta..." Sabi nya lang sabay baba ng call.

Nagpunta ako sa address na pinadala nya, ng magisa. Ng makita ko syang nakaupo sa cafe na sinabi nya, at nakita ko ang batang katabi nya, iba na talaga ang nararamdaman ko.

Biglang sumama ang pakiramdam ko, parang binubuhol ang sikmura ko. Lumapit ako sa kanya at napatingin sa bata na umiinom ng smoothie.

"Maigi naman at nakipagkita ka sa akin." Sabi nya habang tumatayo sya para igreet ako.

"Anong gusto mong sabihin?" Sabi ko habang umuupo na. Hindi ko na inantay na umupo sya.

Panay tingin ko sa bata at mukang napansin nya. "Thea mag-hi ka."

Tumingin sa akin yung bata. Bakit parang kamuka nya si...

"Hi!" Sabi ng masayahin nyang boses. Ngumiti ako sa kanya, pagkatapos ay tiningnan ko na si Rica.

"Get to the point Rica." Sabi ko, I keep myself calm.

"Ok." Tumingin muna sya sa anak nya. "Sya si Thea, anak ko kay..."

Huminto muna sya.

Tumaas ang parehas kong kilay. "Kay?" Parang alam ko na kung sino, pero gusto ko lalabas sa bibig nya. Naguumpisa ng sumakit ang puso ko, at yung feeling ko na parang binubuhol ang sikmura ko, parang mas humigpit pa ang pagbuhol.

Please. Don't say his name. Please.

I keep myself calm and stare at her eyes.

"Kay Sol." And I exploded inside. I want to scream at her. I want to tell her she's lying. Pero walang bahid na kasinungalingan ang mga mata nya.

Pumikit ako at hindi ako nagpakita ng kahit na anong bahid na galit, lungkot, o talo. Pero sa loob loob ko, gusto ko sya yugyugin, gusto ko sabihin sa kanya na hindi totoo ang lahat ng sinasabi nya.

Gusto ko syang sigawan.

"At alam to ni Sol?" Tanong ko lang. nakita ko sa mata nya ang paghanga ng hindi ko sya sugurin. Bawat minuto pinipilit kong hindi maluha, pinipilit kong hindi sumigaw.

"Oo alam nya." Ang tanging sabi nya.

Tumayo na ako at hindi ko na sya sinabihan ng kahit na ano.

I was calm, I was cool. But inside I'm exploding like an angry volcano.

He knows. He knows.

When is he going to tell me about his daughter?

Sol...why?

Ng nasa kotse na ako bumuhos ang luha ko na parang isang water falls. Umiyak ako hanggang sumakit ang mata ko. Umiyak ako hanggang mawala ang sakit ng puso ko, pero syempre hindi nawala ang sakit. Sumakit lang talaga ang mata ko.

Ubos na ang luha ko, hindi ko din matanggap ang nalaman ko.




--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Falling In Love With My Fiance [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin